umaga gumising nanaman ang araw para tayo'y gisingin at mamuhay ng kanya-kanyang buhay
hapon unti-unti nang nagpapahinga ang araw mga tao'y napapagod, kahit ang araw pero patuloy pa rin sa pag trabaho
dapit-hapon nakita ko ang kagandahan ng paglubog ng araw malapit nanaman ang kinabukasan ngunit ako'y nabighani at biglang napahinga
gabi nagsapit nanaman ang dilim namahinga na ang araw magsisimula naman ang buwan
liwayway sinasamahan ako ng gising na buwan sa aking pag antay sa dapit-umaga pag gising ng araw'y magsisimula muli ang araw-araw na gawain na walang katapusan