Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2018
Babalik ka pa ba?
Dimo ba naisip na iniwan mo akong nag-iisa
Manhid ka ba talaga o sadyang ayaw mo na?
Gusto kong malaman
Sabihin mo saakin ng harapan
Wag kang mag-alala handa ako
Handang harapin ang sakit sa bawat rason mo
Handa akong itago ang luhang gusto ng pumatak mula sa mga mata ko
Gusto kita ngunit ayaw mona kaya tama na siguro Hanggang dito nalang ako
Gusto pa kitang mahalin
Gusto ko pang nandidito ka
Sa tabi ko kung saan alam kong ako pa
Ako pa ang mahal mo at wala ng iba
Ngunit kung sakali mang bumalik ka
Wag kang mag-alala
Handa akong salubungin ka
Salubungin ng mga yakap at salitang mahal pa kita
Shynette
Written by
Shynette  17/F
(17/F)   
194
 
Please log in to view and add comments on poems