Ang hindi magmahal sa sariling wika Ay higit sa hayop at malansang isda Ayon sa isang taludtod na isinulat ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal
Sa Luzon, Visayas at sa Mindanao Wikang Filipino ang katutubong wika ko Iba-iba man ang mga dayalekto May ilakano, waray, bikolano at tausug Wikang Filipino ang siyang gamit ko
Ngunit tila ba nalilimutan na ng mga milenyal Na ang ating wika'y nararapat na pagyabungin At bigyang halaga sa pakikipagtalastasan Hindi ang hayaan at tuluyang iwaglit
Sa sulating pormal nga at mga sanaysay Hindi nababanaag kung ano ang nais ipahiwatig Kulang na nga sa mga titik Mali pa ang baybay Akala nila sila'y tila mahusay na
Sa mundo natin ngayon Na makabago at teknolohiya Tila ang Wikang Filipino'y naisasawalang bahala na Na dapat sana'y isinasaulo't binibigyang halaga Upang Wikang katutubo'y maipakilala sa madla