Kailan nga ba hindi na nagiging sapat ang pag-ibig? Pag ba naramdaman **** ayaw mo na? O di ka na masaya? O kaya naman ramdam mo paulit-ulit nalang?
Pero sa tingin ko hindi na sapat ang pag-ibig, Pag wala ka ng respeto Pag wala ka ng tiwala sa isang tao Pag masyado ng perpekto yung tingin mo sa relasyon nyo
Kasi diba? Paano mo masasabing totoong mahal mo Kung wala ka naman respeto sa taong sinasabi **** "mahal" mo At sa mga taong nasa paligid niya Sige nga paano?
Paano mo masasabing may tiwala ka pa Kung pati siya pinagdududahan mo Na may iba siya Kung yung mga tao rin sa paligid niya wala kang tiwala
Hindi madaling magtiwala oo Pero ano ba naman yung sumugal ka magtiwala Kasi nga sabi mo mahal mo siya Kung mahal mo kahit mahirap gagawin mo, papasukan mo.
Pero anong ginawa mo? Nagalit ka lang nang nagalit Nagsasabi na ng totoo Sasabihin mo pa "Pasensya na wala akong kwentang tao"
Ako na magsasabi sayo Hindi na pagmamahal yung binibigay mo sa taong mahal mo Kabaliwan na o kaya naman impatwasyon Baka inlove ka lang talaga sa ideya ng pagiging inlove Hindi sa taong sinasabi **** "mahal" mo
Baka nga siguro ganon Baka nga siguro tama lang na wala na kayo Baka nga siguro bata pa yang pagiisip mo Dahil kahit kailan hindi naman naging sapat