Minsan napapaisip ako, Bakit yung mga tauhan sa isang storya o palabas, Ang bilis nilang mahanap yung taong para sakanila Yung taong alam nilang bubuo sa buhay at storya nila
Piksyunado nga lang pala lahat, Sa totoong buhay Kailangan mo munang masaktan ng sobra Bago dumating yung taong bubuo sayo at wawasak sayo
Madalas lagi akong naghihintay sa panahon na yon Pero gaano nga ba kadalas ang lagi o minsan? Araw araw, gabi gabi O pagsikat ng araw at paglitaw ng buwan
Sa bagay bata pa naman ako Marami pa akong pagdadaanan At dadaanang dilim at pasakit galing sa iba Pati na rin sa sarili ko
Kaso hindi ko talaga maiwasang malungkot Araw araw kasi may bumubulong sakin Bumubulong na "Tapusin mo na buhay mo" "Wala namang nangyayari"
Hindi ko alam kung magpapatalo ba ako Sa isang bulong O ipapanalo ko yung laban na to Dahil bigay to ng Diyos
Sana nga kayanin ko hanggang dulo Sana magpakita na yung taong bubuo sakin Kahit sa pansamantalang araw lang o buwan o taon Para naman masabi ko sa sarili ko na minsan naging masaya rin ako.