Alam ko naman na siya yung gusto mo Tanong ko lang titigil ko na ba ito? O aasa nalang ako sayo At tititigan litrato mo?
Habang ngumingiti ako, Yung puso ko nagdurugo na Lumuluha at unti-unting nawawasak ng dahil sayo Kaya ko pa siguro
Bawat kilig na nararamdaman ko Sa tuwing nagbibitaw ka ng salita Alam kong isang malaking paasa lang lahat yon At ako isang malaking tanga
At kung gaano ka katamis magsalita Ganon mo rin kapait ipadama Siguro, maaari pwede nating gawing katotohanan Para hindi na lumuha yung puso kong umaasa
Tatakbo ako papalapit sayo O kakalimutan nalang ang lahat? At tatanggapin mga sasabihin mo Dahil alam ko siya talaga yung gusto mo at hindi ako.