Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2018
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro
Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo?
O mga kasawian na naman ang tanging  isusulat ko?
Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma?
O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka?
Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam
At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam?
Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo
Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko?
Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo!
Kahit madalas man tayong magkatagpoโ€”
Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin
Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim
Patuloy akong magmamasid mula sa malayoโ€”
Malayo sa iyong tabi,
Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti
Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli,
Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdamโ€”
Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
Crissel Famorcan
Written by
Crissel Famorcan  23/F/Pasig City
(23/F/Pasig City)   
3.2k
 
Please log in to view and add comments on poems