Kung alam mo lang Na ikaw ang dahilan Sa bawat ngiti Kung alam mo lang Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay Kung alam mo lang Kung gaano mo ako pinasaya Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka Kung alam mo lang Kung gaano ako kasaya Kapag kausap at kasama ka
Kung alam mo lang Na ikaw rin ang dahilan Kung bakit may mga luhang dumaloy Kung alam mo lang Kung gaano rin kalungkot ang makita kang malungkot Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong damayan Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo Kung alam mo lang Kung gaano kita gustong puntahan Nang sinabi **** malungkot ka
Kung alam mo lang Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan Kung alam mo lang din Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka Kung alam mo lang Ang mga tanong na nais itanong sa’yo “Naiisip mo ba ako?” Kung alam mo lang Kung gaano kakulang ang tulang ito Para masabi sa iyo ang damdamin ko Pero… Gusto kong malaman mo Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi