Tagu - taguan, maliwanag ang buwan Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman! Isa— ito na Ang huling patak ng aking mga luha At pangako di na ako muli pang magpapakita Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana, Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?— Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa At makulay Ang mundo! Mundong binuo nating dalawa. Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin, Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin Marami mang problema Ang ating pinagdaanan, At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban— Parang senaryo sa pelikula, maraming naki-eksena Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak Hanggang sa... Dalawa— Dumating siya sa buhay mo At sa isang iglap,naitsapuwera ako! Nalunod man ang puso sa selos Ngunit pilit ko iyong iginapos Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos. Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo, Nagmimistula lang akong isang mumunting aso Naghihintay kung kailan mapapansin Naghihitay kung Kailan mamahalin Kaya napilitan akong isuko ka, Napilitan akong bitiwan ka Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa— Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman Kaya Tatlo— Paalam. Salitang di ko sana gustong bitiwan Pero sadyang kinakailangan Hindi ko man gusto na ika'y iwanan Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan. Pagod na ako mahal sana'y maintindihan Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan Mahal kita tandaan mo yan. Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara Masakit man Ang ating naging pagtatapos Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos Tapos na akong magbilang ng numero At gaya ng ipinangako ko— Pagsapit ko ng Tatlo, Ibibigay na kita sa kanya ng buo Paalam.