Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2017
Hindi naging maramot ang iyong pag-ibig sa akin
Kailanman hindi ako kinapos at nangailangan.
Hindi ko na kailangan pang manghingi sapagkat
lagi kang handang mamahagi.

Kahit nung ikaw ay nasaktan
hindi mo β€˜ko sinumbatan.
Hindi pinatawan ng kaparusahan.
Sukdulan man ang katampalasanan
at kawalan ko ng pakundangan.

At nung iniwan na nga kita ay aking nakita
Ang luha sa’yong mga mata.
Subalit hindi mo ako inaway at hinadlangan,
β€˜pagkat ganyan ang pagsinta mo sa akin
malaya at maunawain.
Written by
JOJO C PINCA
525
   Foxy Liisu
Please log in to view and add comments on poems