Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2017
032317

Sinubukan kong intindihin
ang bawat salitang sinasabi mo
Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng
Bago lang sa paningin at pandinig ko.

Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan
At dumating na nga sa puntong
hindi naΒ Β rin kita maintindihan.
Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan
Nagbaka sakaling sa "doon"
ay may mapupuntahan.

Pero mali pala yung takot
na namuo saking pagkatao.
Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y
bigla na ring naglaho.
Lumapit ako sayo
pagkat kinakain ako ng emosyon ko,
Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo.

Sinambit mo sa aking tumigil na ako --
Sa pag-aalala sa mga bagay
na ikaw mismo ang aareglo.
Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay
sa mga walang katapusang kahinaan ko
At doon ako natutong:
wag ka nang ipilit ang kakayahan ko.

Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago
At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako
Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo.
Ama, sa aking pagpapasakop,
Pwede bang yung buong ako
Yung yakapin **** may pagkalinga?

Napagod na kasi akong mag-isa
Gusto ko nang sumilong --
Sumilong sa tangi **** presensya.
Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.Β Β - Juan 13:7
The Poetic Architect
Written by
The Poetic Architect  F/PPC Palawan, Philippines
(F/PPC Palawan, Philippines)   
4.9k
   1
Please log in to view and add comments on poems