Kung sisimulan ko man sa umpisa ay parang sobrang haba At baka abutin man ako dito ng umaga Kaya sisimulan ko nalang nung pinili mo siya
Oo tama! Oras narin para ilabas itong simpleng tula na matagal ng nakatira dito sa puso ko Na mas pinili mo yung taong sinayang lang ang oras mo Kay sa dun sa taong nandiyan lang sa tabi mo Handang ibagay ang buong araw sa iyo Pero mas pinili mo yung taong sinayang lang ang ang pagmamahal mo Kay sa dun sa taong nandiyan lang sa tabi mo Na handa kang mahalin ng totoo Pero mas pinilo mo yung taong yun kay sa dun sa taong naghihintay lang ng matamis **** Oo
At bago matapos ang aking simpleng tula na matagal ng nakatira dito sa puso ko Ako'y nagpapasalamat sayo Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko Salamat dahil kahit sa unting oras na ibinigay sa ating dalawa ay naramdaman ko ang pagmamahal mo Salamat sayo.