Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan, Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan, Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan, Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan.
Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan, Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan, Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa, Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na.
Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit, Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit, May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon, Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo.
Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon, Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan, Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin, Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."