Ito.. Magkatabing nakahiga, nakatingala. "Kay ganda ng aking nakikita." Ako sayo'y napatingin, Kay ganda talaga.
Mga bituin. Patuloy na nagbibigay buhay sa gabing walang kakulay kulay
Sinasabi nila na ang mga bituin lumalabo kapag lumalayo. Ngunit nakikita parin ang kanyang ganda Kanyang liwanag, patuloy kaming namamangha.
Sinasabi nila na ang mga bituin, ginagamit upang mahanap mo kung saan ka paparoon Isang instrumento ng direksyon Mawala ka man, tumingin ka lang sa kalangitan tutulungan ka nitong mahanap ang inaasam na daan.
"Bulalakaw!" Hinawakan ang aking kamay. Pumikit. Humiling.
"Anong hiniling mo?" Wala. Wala na akong kailangan pang hilingin. Ika'y tinitigan. Hindi ko na kailangan ng mga bituin at mga nagliliparang bulalakaw Araw man o gabi mahal, Tanging ikaw. Oo. Ikaw. Ang aking naging pinakamamahal na bituin Na nagbibigay ilaw saking buhay Na tila isang gabing pagkadilim dilim.