Ilang beses mo na akong napatawa Maraming beses na rin tayong naging masaya Sa piling ng isa’t isa Di na rin mabilang ang pagkakataon Na naisip ko na sa aki’y mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita
Sa bawat sandaling kapiling kita Tila buong mundo koy napakasaya Kasi sa harap mo, pwede ang ‘just simply me’ kung baga Dahil tanggap mo ang buong ako, Walang bahid ng panghuhusga Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita
Isang araw nagising nalang ako Naisip ko Na higit pa sa pagpapahalaga ang nararamdam ko para sayo Pero binaliwala ko ito, Sa pagaakalang pansamantala lang to Sinikap kong mawala ang nararamdaman ko Kaya naisip koy pansamantalang lumayo sayo
Pero di ko na namalayan na masyado na palang lumayo Ang dating ikaw at ako Tila nakalimutan mo na rin na naririto pa ako, ang tayo Ngayon ibang tao na ang kapiling mo May pumalit na sa posisyon ko Na dati’y sa tabi mo
Tuluyan na ngang nawala ang mga pagkakataong Tumamatawa ko, masaya ako sa piling mo At saka ko pa lamang nalaman, Na Mahal pala kita
MAHAL KITA. *PERO HULI NA.
Minsan sa buhay nating dumarating tayo sa puntong nagiging tanga tayo.. Minsan masyado **** minahal ang tao kaya nagpakatanga kana sa pag-ibig na yon. Pero minsan din sadyang tanga kalang talaga kasi saka mo pa lang nalaman na mahal mo siya nung huli na