Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Randall Dec 2020
Kumusta ako, kumusta ka,
Anong naaalala mo sa ating dalawa?
Kumusta ako, kumusta ka,
May tanong ka bang mahalaga?

Kumusta ako kumusta ka,
Anong naaalala mo pag tayo'y magkasama?
Kumusta ako, kumusta ka,
Nakita mo na ba akong nakangiti at masaya?

Kumusta ako, kumusta ka,
Anong kwento ng buhay ko na ba ang alam mo?
Kumusta ako, kumusta ka,
Aling kwento ng buhay ko ang nasasabik ka?
Kumusta ako, kumusta ka,
Aling kwento ng buhay ko ang nasasaktan ka?
Kumusta ako, kumusta ka,
Anong kwento ng buhay ko ang natawa ka?

Kumusta ako, kumusta,
Nag kausap na ba tayo nang may alak sa harapan?
Kumusta ako kumusta ka,
Narinig mo na ba ang sigaw ng pusong walang masandalan?

Kumusta ako, hindi ko rin alam,
Pinipilit ang damdamin na maging manhid,
Inaasam na may mata ring sisilip,
Sa taong may madilim na hangganan.
-
Randall Apr 2020
Tagpi-tagpi ang mga tanong sa isipan,
Walang kahit anong bakas sa palaisipan.
Mahuhulaan ko pa kaya?
O tatakpan nalang ng itim na tinta.

Unti-unting naglalakad palayo,
Ang mali kong pag trato mula sayo.
Pero bakit ang nararamdaman ko,
Tila nananatiling pa ring sa iyo.

Oo nga pala at may naiwan ka palang bakas.
Bawat ugat sa katawan ay tuluyan **** nilaslas.

Dugo ay nag mantsa,
Puso na patuloy na nagdudusa,
Damdamin kong di mailuwa-luwa,
Kaluluwang hinahangad nang mawala,
Nakagapos ako sa dating matatamis **** mga salita,
Sumisigaw, lumuluha, nagmamakaawang makalaya.
Masakit aking sinta,
Bawat araw, dibdib ko'y ngumangawa.

At oo, tsaka ko na lang nalaman
Na maling pag ibig pala ang nilalaman.
-
Nisekoi means (false/fake love)
Randall Apr 2020
Gulong na supot, pintura'y pudpod
Sa aparador nananatiling nakalagay
Ang itsura ay tila ba nakikibagay
Sa ilalim palagi may nakasalalay

Gagamitin sa tuwing kailangan
Paikot ikot akong pinag lalaruan

Naglalakbay at hindi alam kung saan
Bahala na ang kamay kung saan nya idadaan
Paiba iba, paliko liko saan ba tayo tutungo
Kagustuhan mo kung ako ay hahantong sa dulo
-
Is fate is in your hands? Or in His hands?

— The End —