Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
Jose Remillan Sep 2013
Hayun ang duyan ng paulit-ulit na ikot ng mga salot
Pumapaimbulog sa tatsulok na moog;
Hinubog ng gilingang kasaysayan
Bayan ng kabalintunaan.

Matagal nang yumao ang ating mga anak
Nariyan parin ang mga tabak at alingawngaw ng Balintawak;
Kanlungan ng mga supremong baguntao
Sumisigaw ng pagbabago habang iwinawasiwas
Ang watawat ng mga ismo —komunismo, sosyalismo
Sa rebolusyon ng mga sikmura at makina.

Hayun ang duyan ng nagpapatuloy na kasaysayan
Patuloy na kumakanlong sa nakaraan;
Sa mga dayuhang minsang yumurak at nagwasak
Sa kultura at kakayahan.

Kalimutan natin ang pangakong paraiso
Ang tinatangkilik ng bawat tao,
Ang kasakiman ng lumang simoy
Halika, umahon tayo sa kumunoy

Mga minamahal ito ang kapiraso kong entablado:
Walang ibang daan kundi tayo
This poem was first published in the literary folio of the University of Makati, the BAHANDI, 2005
Matias Dec 2018
Sisimulan natin ang storya sa tatlo kami,
Siya, Si iyun at Si ako
Tinitimpla mo parang kape
Siya, siya Yung nagmimistulang asukal sa buhay mo
Siya, diba tapos na siya? Bakit bumabalik ka pa?
Siya?, siya na pinapaasa mo at ginagamit mo.
Siya, yung nagiging pangraos mo kapag nangngati ka.
Paano naman si iyun?
Si iyun yung nagmimistulang creamer sa buhay mo.
Isang palamuti kumbaga.
Isang nagbibigay kulay sa mata ng karamihan
Paano naman si ako?
Ako yung mapait, ako yung bitter kung tatawagin.
Ako yung pinaka-importante yun ang iyong sabi.
Anong sabi? Bitter ako?
Oo bitter ako, kasi hindi mo alam na mas better ako.
Eh paano kung ang siya ay nawala?
At yung si iyun ay wala naroon?
Pwede bang gampanan ni ako yung dalawang yun?
Pwede ka naman magkape kahit barako lang
Walang creamer, walang asukal
Pero may pait para magising ka naman.
Pero diba ang kape ngayon ay mas tinatangkilik
Kung mas matamis at mas makulay?
Dahil ang kape ngayon ay halos wala ng kape.
Pero babaliktarin ko ang epekto ng kape sayo
Magigising ka kapag wala ng ako
Kabahan ka na kapag wala ng ako

— The End —