Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Miss Emma Writes Jul 2019
Pusong sugata'y naging sunud-sunuran,
Inakalang ito ang gusto ng kapalaran,
Ang pag-ibig kong lubos,
Unti-unting naubos at natapos.

Nagbago ang ihip ng hangin,
Itinaboy ka papalayo sa akin,
Ngunit masisisi ko ba ang hangin?
Kung ayun din naman pala ang iyong hangarin.

Hangganan ay nakalimutan,
Sapagkat wala nang patutunguhan,
Marahil ang alaala'y babalik,
Ngunit hindi na muling mananabik.


Kaya aking sinta,
Malaya ka na.



7/19/20
15 Subalit si Prinsipe Sibo
Naitali na ang puso

16 Sa tulad din niyang maharlika
Na isa namang prinsesa

17 At ‘di magtatagal
Sila na’y ikakasal

18 Kahit pawang walang nadarama
Na pag-ibig sa isa’t isa

19 Sila’y sunud-sunuran lamang
Sa batas ng mga ninuno’t magulang

20 Ganoon talaga kapag maharlika
Ang pag-aasawa’y mariing itinatakda

21 Upang mapangalagaan
Dangal at riwasa ng angkan.

-06/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 129
Jhun Tiongson Jul 2020
Dalawang salita, na maraming pinaluha
Maraming bagay, na hindi nagawa
Pinangakong habang buhay tayo ay magsasama
Mga pangarap natin unti unting nawala

Ako ay umasa, sa buka ng iyong bibig
Masarap sa tenga, masakit sa dibdib
Sinabi **** ako lang wala ng iba
Pero sa likod nito’y kayo na palang dalawa

Akoy parang tanga, na naniniwala sa iyo
Ako’y sunod sunuran na para bang aso
Hindi ko mawari, bakit nagtitiis ako
Ganito ba ang umbig sa isang tulad mo?

Kahit akoy niloloko na ng harap harapan
Sinabihan ng tanga at nagbubulag bulagan
Hindi ko parin magawang iwanan ka
Dahil kumapit ako sa salitang sinabi mo “mahal kita”

Sinabi **** Mahal kita wala ng iba,
Yan ay tanda ko pa, sa aking ala-ala
Ngunit ang totoo ay hindi naman pala
Dahil hindi lang ako marami pang iba

Mahal kita yan ang salita
Na ang tao’y madalas pinaglalaruan
Wag **** sabihin kung hindi naman bukal
Dahil masakit umasa sa isang MAHAL KITA
#mahalkita #masakitnasalita #umasa
yndn Apr 15
Hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam kung alin sa mga bumabagabag sa isipan ko ang dapat kong unahin. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon—kailangan ko itong himayin.

Magsisimula ako sa tanong na:
“Si Ate na lang ba talaga palagi?”

Si Ate na lang ba talaga palagi ang mag-a-adjust?
Ang utusan sa pamilyang ito?
Kesyo ganito, kesyo ganyan—mga rason na hindi ko na alam kung valid pa ba o hindi. Pero sige na nga, i-aagree ko na lang. Para matapos na ang usapan. Para hindi na humaba pa ang diskusyon.

Si Ate na lang ba talaga palagi ang magsasakripisyo para sa pamilya?
Si Ate na lang ba ang mag-iisip kung paano magtitipid, kung anong dapat unahin—hindi ang luho, hindi ang sariling kapakanan—kundi kayo?
Kayo na lang muna. Ako, mamaya na lang.

Si Ate rin ba palagi ang kailangang magpakumbaba at magpatawad?
Ang aako ng responsibilidad, ang gagawa ng gawaing bahay?
Alam ko naman—may mga kapatid ako. Pero ako na lang ba palagi ang kikilos?
Ako na lang ba ang laging may kusa?
Ako na lang ba ang mag-iisip kung anong ulam ang lulutuin?
Maglalaba, maghuhugas ng pinggan, maglilinis ng bahay?

Kabisado ko na lahat ’yan. Hindi niyo na ako kailangang pagsabihan. Hindi ko na kailangan ng utos.
Pero paano kayo?
Paano kung wala na tayong mga magulang?
Paano kung ako na lang ang natira?

Si Ate na lang din ba ang laging magtuturo at magdidisiplina?
Noong ka-edad ko pa lang kayo, namulat na ako sa responsibilidad.
Pero ngayon, anong nangyari?
Halos lamunin na kayo ng cellphone. Wala nang kusa. Wala nang malasakit sa paligid.

Baka nakakalimutan ninyo—tao rin si Ate.
Hindi ako robot. Hindi ako ginawa para lang sumunod sa utos.
Marunong din akong mapagod. Marunong din akong masaktan.
May damdamin din ako.

Sana maintindihan ninyo ’yan. Na may sarili rin akong buhay na kailangang atupagin. Hindi ako utusan na sunod-sunuran lang. Hindi ako kailangan bigyan ng sahod para gawin ang iniutos ninyo, walang barya o walang pahinga ang makakapagbigay sa akin ng pahinga na hinahanap ko.

Pagod? kaya kong tiisin, kaya kong matulog nang ilang oras lang, kaya kong pagsabayin ang trabaho ngunit anong nangyari sa akin? nagkasakit ako in return. Walang halaga ang bawat barya na binibigay ninyo sa akin, kapalit ng nawala kong adrenal gland.

Puyat at pagod, ipagsabay mo. Instant noodles at walang masustansyang pagkain ang makakapatay sa akin. Coke at kape na ginawang tubig. Pagbantay sa lola kong maysakit ang naging libangan.

Hindi sa hindi ako marunong magpasalamat o baka isipin ninyo hindi ako grateful at wala akong utang na loob sa ginawa niyo para sa akin. Ang utang na loob na habangbuhay kong pagbabayaran ay hindi katumbas nang pilak at ginto o salapi, kundi habangbuhay na karangalan at respeto ang ibibigay ko sa inyo sa pagsilang sa akin sa mundong ito at dahil binuhay niyo ako at hindi pinabayaan.

Hindi niyo ako narining na nagrereklamo, hindi niyo ako nakikita na nagmamaktol, hindi niyo ako naririnig na nagpapaliwanag at nagrarason dahil alam ko sa sarili ko na sarado ang isipan at taenga ninyo kung sakali man na ako ay magpapahiwatig nang aking saloobin sa inyo.

Alam ko, naiinitindihan ko na napapagod rin kayo, iba rin ang pagod na nararamdaman ko. Hindi kumpletong tulog, hindi unan at kama ang lunas nito, dahil kung minsan kung ako ay tulog na ay sadyang nag-iingay rin ang aking isip. Ang tanging lunas na gusto ko sa pangungulila ko sa pahinga ay kapayapaan, katahimikan at dalampasigan. Iyon lamang.

Hanggang dito nalang,

Nagmamahal,
                               Ate :)

— The End —