Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mauubos na naman ang mga pahina ng kalendaryo,
Sabay-sabay nating pupunitin
Kalakip ang bawat pangakong
Akala nating matutupad sa kasalukuyan.


Gayunpaman, ang lahat ng ating tinatamasa’y
Tunay ngang may iisang Tagapagbigay ng Biyaya..
Mag-iba man ang anyo ng Kanyang pag-ibig,
Mag-iba man ang ihip ng hangin,
Maging mitsa man ang mga delubyo
Ng saklolo sa pawang dalampasigan at kabundukan,
Ay Hindi pa rin titigil ang ating pagsamba.

Naubos na ang mga taong nagsasabit ng parol
Sa kani-kanilang tahana’y
Patuloy pa rin ang ating pananampalatayang
Matatamasa natin ang mga pangako Niyang
Gaya ng mga bituing
Pahiwatig Nya Kay Abraham.

Ang bahaghari na naging simbolo ng iba’y
May iisa pa ring pangakong ibinabandera
Sa mga totoong may pananampalataya.
Tayo'y nagpapalit-anyo
Sa bawat pagsipat ng mga pagsubok,
Sa bawat pagsirit ng mga tanikalang
Akala ng dilim ay tutupok sa ating mga lampara
Habang tayo’y naghihintay —
Naghihintay sa pagbabalik ng ating Hari
Na Siya ring kabiyak ng ating kabuuan.

Sa bawat araw na lumipas at lilipas pa’y
Wag nating kalimutang
Ito ang taong tayo’y nagpatuloy
Sa ating pakikibaka sa kadiliman.
At tayo’y patuloy na bumangon
Sa kabila ng mga nakatatalisod
Na paghuhukom ng mundo.
Ang Crim. sa puso ko ay parang Hathoria ng Encantadia
Pula ang simbolong kulay nila
Narito ang pinakamaraming lipi sa Encapsudia
Hitik sa mga nais maging mandirigma

Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg sa Starcraft na laro
Pula ang sagisag na kulay ng mga ito
Layunin nila ang magtanggol at magserbisyo
Kung ang Zerg para sa kanilang imperyo – ang mga pulis para sa kanilang estado

Ang Crim. sa puso ko ang nagmulat sa akin
Na ang mga alagad ng batas ay dapat idolohin
Higit sa paggalang, sila ay karapat-dapat huwaranin
Sapagkat nais nila ay maglingkod at prumotekta sa atin

Ang Crim. sa puso ko ay parang Zerg at Hathoria
Dito ko nabatid ang matinding puwersa
Nag-aalab na layunin para sa kapwa, nagpupuyos na mithiin para sa bansa
Salamat sa mga taga-Crim. na aking nakasama!

-10/23/2017
(Dumarao)
*a tribute to Crim. of CapSU-Dumarao
My Poem No. 558
Donward Bughaw Apr 2019
Nalalanghap ko
ang panghi sa nadaanang
eskinita,
napapansin sa sementadong pader ang mga salitang
nakasulat sa malalaking letra,
mga simbolong nagpapabatid ng huwad na kapatiran
marka,
pinta,
guhit
na nakakaakit,
nakakaantig
ang mga pasamano at pagbabating maririnig
na pinatatamis nang labi
pasimulan ang lahat sa beynte
hanggang sa umabot ng siyento-kensi
upang maipambibili ng pulang bote
at yosi
na kukuha nang huwisyo
ng sinumang magpaka bato
at sunod na inilabas,
isang matalim na kutsilyo
na isinaksak
sa sikmura ng kapatid ni Ka Ambo.
Naroroon ako ng matanaw
ang malungkot na pangyayaring ipininta ng gabi.
Isa ang fraternity sa mga pinaka-trend sa kolehiyo. Pero, minsan ba naitanong mo ang kahalagahan ng fraternity sa iyong sarili. May mga fraternity na ang hangad ang tunay na kapatiran at pagkakakilanlan pero may iba rin na ang gusto ay gulo lang. Pero hindi layunin ng isang samahan ang gumawa ng mg kalokohan, bagkus pagkakaisa at katahimikan. Depende ito sa kung paano dalhin ng isang miyembro ng kapatiran ang dinadalang sagisag ng pagkakapatiran.
Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia
Bughaw ang simbolong kulay nila
Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia
Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta

Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro
Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito
Nais nila ang pangunguna at pamumuno
Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging ****

Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin
Kung paano ang pagiging **** ay tangkilikin at mahalin
Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin
Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin

Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo
Dito ko nadama ang pangarap kong totoo
Ang maging tao na makaguro, ang maging **** na makatao
Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko!

-10/23/2017
(Dumarao)
*a tribute to TED of CapSU-Dumarao
My Poem No. 557

— The End —