"sasalo" poems
Ikaw lang, (Pangako)
Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit
Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit
Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik
Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit,
Andito na ang iyong sandalang balikat
Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat
Napakaganda mo para saktan, hindi kita matitiis
Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis
Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti
Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati
Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali
Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi
Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman,
Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan
Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan,
Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang
Hawak ang malambot **** mga kamay
may ibinubulong ang boses **** malumanay
“Andito ka na, di na ko nalulumbay,
di ako sanay na ikaw ay mawalay”
"Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan?
Pinabayaan, at kinalimutan,
Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang?
Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......
Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.
Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?
Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.
Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan
Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa mimahal ko, na di nahahabag
Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,
Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid
Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura
Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Wala nang lumalabas na salita
Di na ako makagawa ng tula
Pinipilit basahin ang sarili
Ngunit walang tugmang mapili
Alam kong dapat walang ganito
Pagpiga ng damdamin para sayo
Diba dapat natural lang daw
At hindi magtutunog mababaw
Pero mahal bakit ganito
Bakit biglaan na lang huminto
Dahil ba nabasag ang ideyalismo
Mga makalumang aspirasyon ko
Pero mahal wag kang mag-alala
Mabubuo ko tong aking talata
Katulad ng Pag-ibig ko sayo
Gumulo lang isip hindi ang puso
Di ito hihinto tumibok para sayo
Nandito lang ako lagi para sayo
Ako nang sasalo sayo mahal
Pipiliting maging sagot sayong dasal
Mamahalin kita ng buong buo
Hinding hindi magkukulang sayo
Kaya tatapusin ko tong sulat ko
Pero hinding hindi ang pagmamahal sayo
Jul 29, 2018
Jul 29, 2018 at 6:14 AM UTC
Ikaw ang pintuang may bukas,
Siyang pag-asang maibsan ko ang taglamig na kalinga.
Ikaw ang bintanang may hangin,
Siyang susulyap sa pangungulila.
Ikaw ang sahig na sasalo,
Siyang saklolo sa pagkahingal at pang-aabuso.
Ikaw ang mesang may hain,
Siyang magbibigay lakas sa panloob na damdamin.
Ikaw ang kutsilyong gagalos,
Sa yugto ng buhay na akala'y perpekto.
At ang tubig na didilig,
Sa uhaw at lantang isip.
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:24 AM UTC
#061616 #AM #SirFrancisHouse
Lumang musika sa bagong umaga,
Nangungulit na insekto, kriminal naman akong ituring.
Kinamusta ko ang kapalaran sa'king palad,
Tila ako'y nabubuwal sa landas na walang kasiguraduhan.
Naging sagrado't taimtim ang pagsuyo ko sa Langit,
Sana'y matamnan ng Kanyang brilyante ang pusong humihikbi;
Gaya ng ulap na kampante, gaya ng bantay na tumatahol
At gaya ng pagbulong ng makina ng sasakyan na siyang tambay.
Naglalaro ang isip -
Nakikipagpatintero sa tadhanang nanglilisik.
Minsan, mas mabuti pa ang Diktatoryal kaysa Demokrasya
Pagkat ang kalayaan ay nakakapanting-hininga
At higit sa lahat, ako'y napapatid ng mga hangal na oportunidad.
Paulit-ulit akong nagbabalot ng kagamitan
Nagbabaon ng mga kailangan sa pagbalik sa piniling saltahan.
Pero ako'y paulit-ulit ding nauuhaw -
Nauuhaw sa tubig na siyang kinasanayan
Ang tubig na wika ng aking kasaysayan.
Hindi ako mag-aatubileng iparada ang sarili sa kalsada,
Na harangin ang mga sasakyan kahit ako'y masagasaan pa.
Kung ganito ang pag-ibig na siyang may martir na ideolohiya,
Nais kong maging luwad na siyang hamak na sasalo
sa pagbusina sa nag-aalimpuyong pagsinta.
Ang kariktan ng sandali'y walang maikukumpara,
Kahit pa ang pagdadalamhati ng bawat oras na may kahati.
Hindi ko man mapisil ang tadhanang nasasakdal,
Pag-asa ko'y ipinipihit sa bahagharing nangako
At siyang hindi mapapako -
Ang huling sandali, nailagak na't naipako.
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 1:42 AM UTC
#050116
Nasisilaw ang puso
Sa tangan **** Liwanag
Nayayanig ang diwa't damdamin
Lagpas-Langit ang pasasalamat.
Puno ng hiwaga
Ang pag-ibig **** alay
Hindi matutumbasan
Ang kalinga **** grasya.
Buhay Mo'y isinuko sa Krus
Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa.
Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao
Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo
Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo
Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago.
Sa kahit anong pagkakamali,
Sa kahit anong pintig ng sandali
Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi!
Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari
Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili
Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati.
Madilim ang landas, siyang hindi patas
Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas
Walang tugon, mundong nagmamataas
Tanging Ikaw, daang Mataas.
Hindi madali ang pagbabago
Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo"
Si Hesus lamang, sagot sa delubyo
Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
May 3, 2016
May 3, 2016 at 10:07 AM UTC
#041716
Naakit ako sa linyang pahalang at patayo,
Mga detalyeng pinira-piraso.
Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo
Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako.
Hindi ko alam kung kaya ko,
Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya?
Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw,
Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo
Sasahod at maghihintay.
Masisilayan ko ang pundasyon
Ang mga bakal na kinalawang
Sa bodegang inimbakan.
Pagkat malayo pa ang byahe,
Bagkus sinelyuhan ng langis
Ang may tagas ng pagbabago.
Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado
Nasa hulog ang mga poste
Gaya ng minsang banging tinalunan ko.
Ako'y malaya sa pagsilip
Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado.
Ramdam ko ang gaspang ng kahapon,
Ang kurba ng mga bakal na di patitibag
Sa kaibuturan ng pundasyong timplado.
Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw
Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba
Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa
At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga.
Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad
Isang dipa, dalawang dipa at higit pa
Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan.
Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga
Mga kahoy at bakal na matibay
Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima.
Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta
Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga
At sa gabing hamog ang yakap sa dilim,
Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat.
Tanging kumot ng grasya,
Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat.
Nakakaakit ang plano, maging itsura nito
Kaya nga magtiya-tiyaga ako,
Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo.
Hindi lang ako ang lalaban sa presyo,
Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo
Tataya ako, pagkat kliyente lang ako
At alam kong linya Mo yan,
Ikaw ang aking Arkitekto.
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
#06092021
Ang damdamin ng poot at lambing
Ay mga mekanismong humahalo sa saya
Ng pusong gustong kumawala
Sa diktador na sumara ng lagusan patungo sa liwanag.
Hindi maipinta ang mga sandaling naging hayag
Sa kung papaanong paraan ba hinabi ang sarili
Sa banig ng karamdamang tumupok sa pangarap --
Sa pangarap na masilayan ang araw
At madampian ng liwanag ang buo nyang pagkatao.
Sa mga nanlilisik na matang mapanghusga,
Tila ba ang pagkutya ay naging agahan sa malamig na umaga,
At ang kapeng mainit ay binuhusan ng malamig na tubig
Sa gabing walang pasabi kung lumisan na ba ang araw
O nanatili itong nakatirik sa tanghaling tapat ngunit mapag-usig.
Ang bawat pagtulog nang patagilid
At paulit-ulit na pagbangon ay sadyang nakakasawa.
Samantalang sa kanyang pagpihit sa debateryang may impormasyon,
Ay naghalo ang sining ng iba't ibang kwentong
Sana nga'y kanyang hayag na natatamasa.
Ang mga butil buhat sa sisidlan ng kanyang liwanag
Ay tila ba wala nang lalagyan pang sasalo
Sa mga binasag na oras ng mapanghinang delubyo.
Tila ba nagbibilang na lamang sya
Ng mga yapak na walang mukha,
At mga katok na nanatiling multo sa apat na sulok ng kanyang paghinga.
Maging ang bawat larawan ay nagsilbing alaala na lamang
Na hindi na mauulit pa kung bumukas man ang liwanag
At mag-alok ito ng pagsakay
Sa hamong hindi nya na maaabutan pa.
Tila ba nahuli na ang pintig ng bawat kalabit sa kanyang damdamin,
Tila ba ang nakikinig ay nawalan na rin ng boses sa paligid.
At ang kahon na kanyang tirahan
Ay pansamantalang naging palamuting
Binudburan ng mga nagsasayawang bulaklak
At naglalagasang mga dahong walang nagwawalis.
Jun 8, 2021
Jun 8, 2021 at 10:36 PM UTC
Parang ako yung nag-aabang sa kanto
Yung ang tagal makasakay
Yung umulan, umaraw makapaghihintay
Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin.
*Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating?*
Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin?
Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala?
Kaya nga ayoko ng laro
Minsan madaya kasi
Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa?
Hindi laruan ang puso
Na pwede may mag “Time First”
Pag na-checkmate na ang isa.
Pilit ko mang ikubli sayo
Pero sana hindi na lang
Tinanggap ang hamon
Ang hirap pala mag-move on
Tutulak ka nga
Pero may pasan pa rin.
Walang pasintabi,
Katapusan na pala.
May nabibigo pala talaga sa laban
Hindi man lubos na maintindihan
May istratehiya pala
Pero sa bawat laban, bawat laro
May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan.
Titingin pa rin sa Kalangitan
Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan
Ang pahinang walang saysay
May maisusulat pa rin pala
Kahit sa pusong naging sugatan.
Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa
Patuloy na iibig nang tunay
Pagkat simula pa lang nang pagsagwan
Hindi ko alam kung kailan hihinto
Pero alam kong may mararating ito.
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 11:45 PM UTC
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus
Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.
Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag **** ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.
Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya **** mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.
May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain **** mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.
Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira **** kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 11:30 PM UTC
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo
Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado
Meron na kasi akong napupusuang isang tao
Pero teka lang, atin-atin lamang to
Di ko alam kung paano sisimulan
Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman
Kung sino nga ba ang aking naiibigan
Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan
Sya'y isang mananayaw
Napaka astig ng kanyang mga galaw
At talagang siya'y mahusay
Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW!
Ako'y lalo pang humanga
Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala
Pero hindi ng feelings ah!
Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa
Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya
Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya
Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa
Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga!
Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon
Di ko akalain na magkakaganon
Kasi dati pinapangarap ko lang yon
Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon
Marami na pala syang naka fling
Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling
Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin
Ang ganda kong walang kadating-dating
Lungkot lang dahil di nya pansin
Na ako sa kanya'y may pagtingin
Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin
O kaya'y akin na lamang ililihim
Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin
Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin
Pero maiba tayo
Sa mga oras na to,
Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto
O magkukulong na lang dito
At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao
Malamang nabasa na to ng mga magulang ko
Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko
Pagkat mamaya pag nakita nila ako,
Sasalo ako ng gabot, hampas, palo
Hanggang dito na lang,
Damay-damay na to!
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
Alam mo ba
Sobrang hirap malaman
Ang isang karamdamang
Hindi
Mo
Maintindihan?
Akala mo ba
Mas mahirap mahulog mula sa bangin
Na alam **** lupa ang sasalo sa 'yo
Kaysa
Sa mahulog mula sa bangin na
Hindi
Mo
Alam
Kung anong mahuhulugan mo?
Hindi ganyan eh.
Apr 9, 2015
Apr 9, 2015 at 1:27 PM UTC
May mga bagay na kahit gusto mo
hindi mo makukuha.
Hindi sa lahat ng oras
Nakaayon sa'yo ang panahon.
Kaya kahit masakit mas pinili kong lumayo
Dahil 'yon ang mas ikabubuti na'ting dalawa.
Kaya lalayo na ako kasi masakit na.
Lalayo na ako dahil alam kong 'yon ang tama.
Lalayo dahil sa'kin ay 'di ka na masaya.
Dahil alam kong 'yon
ang mas ikatatahimik nating dalawa.
Oo, ang tanga ko.
Ang tanga ko dahil nahulog ako sa'yo
Kahit alam kong sahig lang ang sasalo sa'kin.
Ang tanga ko kasi patuloy kitang minahal
Kahit na alam 'kong may mahal kang iba.
At mamahalin ka kahit na sa kabila ng lahat
nang ito'y nagmumukha lang akong tanga.
Oo, mahirap kang kalimutan nang basta-basta.
Kaya mas madali sigurong layuan ka na lang
Kesa naman manatili ako sa isang relasyon
Na walang kasiguraduhan.
Wala na. Tapos na.
Nagtapos tayo ng hindi nagsisimula.
Tama na. Ayoko na.
Ayoko na dahil ako'y pagod na.
Kaya ako'y lalayo na.
Lalayo upang ika'y tuluyang makalimutan.
Sadyang nakakapagod lang magmahal
Lalo na kung pakiramdam mo hindi ka naman pinapahalagahan.
Pero sa huling pagkakataon
gusto ko lang na sabihin sayo—
Mahal kita.
Mamimiss kita.
Magiingat ka palagi,
Pero tanggap ko na.
Pagod na akong umasa at masaktan
sa parehong dahilan
at parehong tao.
Kaya ngayon,
pinapalaya na kita
kahit hindi ka naman talaga naging akin.
Salamat sa lahat ng alaala.
Hindi ko ito makakalimutan
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:14 AM UTC
Malarosas **** labi't matamis **** ngiti,
Maari bang masilayan ko sa bawat sandali?
Ang sining ng kagandahan **** walang kapantay,
Maari bang pagmasdan ko habang buhay?
Sa bawat minuto, bawat sandali,
Makapiling ka o sinta ay ang aking mithi.
Kung maari maialay sayo ang tala at buwan,
Madama mo lang ang pag ibig ko sayong walang kariktan.
Walang hanggan, magpakailanman..
Sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran..
Sa isipan ko'y ikaw at ikaw lamang
Ang puso ko'y sayo't sayo lang ilalaan.
Malabis man hingin ka sa maykapal
Hindi mag aatubili pagkat ikaw ay aking mahal..
Na sana ikaw ang ulan ng langit at ako ang lupa ng mundo.
Mahulog ka man ay ako't ako ang siyang sasalo.
Ngunit kung hindi mo kaligayahan ay hindi ipagpipilitan,
Hindi dadamhin kahit iyo mang masaktan..
Mahal kita ibig ko lang iyong malaman..
Kahit pa itong sandali ay iyo ng paalam.
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:06 PM UTC
Nakakapagod din pala maging ako.
Nakakapagod din pala maging ok araw-araw kahit minsan ang bigat-bigat na.
Nakakapagod din palang ipakitang kaya mo kahit ang totoo nanghihina ka na.
Nakakapagod din palang ikaw lagi ang nagbibigay kahit walang wala kana.
Nakakapagod din pala salohin lahat kahit alam **** pag ikaw ang bumagsak walang kusang sasalo sayo.
Nakakapagod din pala iparamdam yung pagmamahal kahit alam **** d ito nasusuklian ng sapat.
At higit sa lahat Nakakapagod din pala ang mapagod na hindi mo alam kung san o kanino ka magpapahinga!
May 14, 2022
May 14, 2022 at 9:21 AM UTC
Isa dalawa tatlo
Mag unahan tayo sa dulo
Kung May mahuhulog
Ay Walang sasalo
Apat Lima anim
Nagiiba na ang takbo ng mundo
Nahuhulog na yata ako sa iyo
At Unti unti ko ng ginugustong sumuko
Sa laban na ito
Na nakakalito
Ano ba ako sayo?
Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako
Dahil habang lumalayo
Mas lalong lumalabo
Mas lalong nagiging komplikado
Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo
Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko
Natatakot ako
Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin
Na bawal mahulog
Dahil hanggang kaibigan lang tayo
Pito walo siyam
Nagiiba na ang ihip ng hangin
Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin
Kaya ko pa ba?
Kasi yung taong gusto ko
May gusto ng iba
Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan
Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan
Para nadin mawala ang mga “Baka sakali”
Na gumugulo sa isipan ko
Para nadin matauhan At matuto na ako
Sampu
Paalam
Ito ako ngayon sa harapan mo
Nagsasabing ako na’y susuko
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:14 AM UTC
'di mo na kailangang mangamba pa
kung sinong sasalo sa'yo
pag ikaw ay nadapa;
aakapin kita,
hanggang handa ka nang
bumangon muli.
ako'y naririto,
mula pagsikat ng araw,
hanggang sa pagtanaw ng buwan --
sa pagtatampo't
pagbuhos ng tubig ulan,
mahal,
hindi kita iiwan.
Jul 18, 2019
Jul 18, 2019 at 1:24 PM UTC