Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bryant Dec 2018
Pag ikaw Ay kasama lahat ay parang kay bilis,
Panahon at oras na mayron tayong dalawa Ay parang lobong umi impis...

Lumiliit ng lumiliit, pa iksi ng pa iksi,
Oras na maka kasama ka ay parang pinuputol na tamsi...
Parang isang napaka gandang panaginip ang sa akin Ay iyong hatid,
At ang maka sama ka Ay mawawala na lamang ng hindi natin batid....

Oras Ay gustong kong pigilan,
Dahil kung anung meron tayo Ay ayaw kong mapunta sa kawalan....
Ngunit mahal ko, ayaw kong maging sagabal at pa bigat,
Maluwag na tatangapin ang iyong pag lisan kahit ang puso ko’y mawawarat...

Ang hirap isipin, mukha **** maganda’y di na muli pang makikita,
Mga mata at labi ng isang anghel na aking sini sinta...
Oh aking anghel san ba pupunta??
Ang langit ko bay mag sasara
na??
Eugene Sep 2018
Kuntento na akong hanggang sa mga text na lamang ko maipaparamdam
na mahalin ka kahit alam kong kabundukan at karagatan ang sa atin ay namamagitan.
Kuntento na ako na kahit hindi tayo nagkikita nang personal,
alam ko sa sarili kong minahal kita kahit distansiya ang naging malaking hadlang.

Ngunit...

Bakit tila ba ang pagiging kuntento ko ay may kaakibat na kaba sa aking kaibuturan?
Nagsasabi ka ba ng katotohanan o ang mga hinabi **** salita ay pawang walang katotohanan?
Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing ikaw ay nag-aalinlangan
sa mga tanong kong naghihintay lamang ng iyong mga kasagutan?

Bakit hindi mo sabihin na lamang na ikaw at ako ay hanggang dito na lang?
Bakit hindi mo sabihin ang mga katagang wala namang tayo kahit noon pa man?
Bakit hindi mo sabihin sa akin na ako ay bahagi na lamang ng iyong nakaraan
at pinuputol mo na ang ano mang sa atin ay namagitan?

— The End —