Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinid" poems
Aniversari ng Mag-jowa Mansari ng Mag-jowa, Valentayns Dey Sa loob ng bartolina. May wan en onli, Kahapon kaututan ko si Bebot, Nakaposas ang mga kamay at 'di makakilos Nakatali ang mga paa sa kadenang May bolang bakal, Si Bebot ay matitigok na. Nagkaututan kami sa gawing madilim, Tangan ang Gud Morning, Pamunas ng luha. Humahagulhol dahil kay Dok Puti, Hinahanda na nito Ang kanyang kahahantungan, Said na said ang mga hikbi; Pinid na pinid ang mga kagalakan, Gustong pahintuin ang bawat saglit. Di mapigil ang hatol, Nasa dulo ng karayom Nakasalalay ang lahat; Unti-unting naniningkit si Bebot, Ginagapos na siya ni Dok Puti sa katre; Walang sinuman ang makakaampat Sa naturang likido. Kahapon, kaututan ni Dok Puti si Bebot. "Lav, sapitin mo nawa ang iyong katahimikan." Sa Valentayns Dey, kahit sinong mag-jowa. - Juan Dela Cruz, M.D. P.S. Alay sa bawat magkasintahang pinagtagpo't pinaglayo ng pagkakataon.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:06 AM UTC
Lav Leter (Isang Malayang Taludturan) Ni: P.T. Simon
Hinahanap kita, Kaibigan . . . Tinatawagan kita, Kapatid . . . Sabay tayong nanghiram ng aklat, sa Aklatan ng Pag-asa, Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko ang talaan ng buhay mo’y binawi na Pilit pinapawi Ng paroo’t paritong mga alon at ihip ng hangin Ang mga impit naming pahatid Na iniukit Ng mga palihim na hikbi Sa tila natutulog na buhanginan Sa dalampasigan Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba aming Kasama? Hindi mawawala ang iyong pangalan sa harap ng pinid na pintuan Ng kani-kanina lang Ay dambana Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat At tabernakulo Ng namimitig na mga binti Ng nagtalumpating tinig. Namamahinga ka na kapatid. Ngunit hindi mapipipi ang batingaw Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag Ng mga kapanalig, Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig. Sumisilip na ang araw. Mamamaalam na ang mga tala. Patuloy na nagliliwanag ang bituing Ikaw, oo, ikaw, maningning. Hihimlay kang tahimik sa puntod at bantayog ng mga hindi namin malilimutang Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala. dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka at maraming salamat na ikaw ay nakilala at aming nakasama.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 11:34 PM UTC
Hinahanap Kita, Kapatid