enerhiyang muntik nang maubos dahil sa pagkakagapos sa sarili kong isipan
nawalan ng interes sa mga bagay na dati saakin' ay nagbibigay kasiyahan
wala na ring maramdaman, kung sakaling mayroong lumisan
rekta konekta sa kalikasan at magbabakasakaling mabigat na pasan ay gumaan'
sanayan nalang talaga lumangoy sa sariling mga luha
hindi na para ibahagi pa, ayokong makaabala
huwag mag-alala na baka lumala, kaya to' ng saglit na pahinga
at sa muling pagkikita, nais ko ang yakap na mahigpit bilang pampagana
nahirapan akong tuklasin sa kung saan nga ba ako magaling
sinubukan ang lahat ng hindi ko pa kayang gawin at napansing dito nga pala lumalabas ang angking galing
ekspresyon na nanggagaling mula sa isip maging sa salita
mga damdaming ipinapahayag sa pamamagitan ng mga likhang tula
hanggang ngayon pinapalawak pa rin ang aking kakayahan
sumusubok sa mga bagay na hindi sigurado kung may patutunguhan
subalit wala naman masama kung iyong susubukan
sabi nga ng karamihan kung hindi ngayon, ay kailan?
buti nalang hindi naligaw sa pag-aakalang wala nang araw na matatanaw
unti-unti lang pala nawala para handa sa panibagong araw na nakakasilaw
lahat ay nagsisimula sa pagiging hilaw
huwag ka lang bumitaw ayos lang kung hindi mo pa saklaw balang araw makikita mo ang sarili **** bersyon na 'ikaw'.
06/22/23