"pasko" poems
sa gitna ng aking bangungot
ako ay biglang nagising
sabay tapon sa aking kumot
dahil ang teplepono ko ay nagriring
sinagot ang tawag sa ibang lingwahe
sumagot pabalik ang tinig ng babae
akoy nagulat at walang masabe
nang marinig ang pangalan nabuo sa isip ang imahe
imaheng kamakailan ko lang huling nakita
nung isang taon pa ako sa kanya huling nakabisita
ang kinalalagyan niya ngayon ay "not too far"
biglang pasok ang tanong na, "meron ba kayong C.R."?
tinanong ko kung bakit siya napatawag?
ako daw ay kanyang namimiss
pakipot na ako ay hindi na pumalag
gusto kong sanang itanong kung pwede bang pakiss?
nawala ang antok at gising na gising
kahit sa pagkakataong iyon siya ay lasing
walang humpay at nagkwentuhang parang praning
pero sayang naman itinapon niya yung sing-sing ^^
hindi maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman
kagagaling lang sa sakit siguro ay alam mo naman?!
mahal kita at takot akong tayo'y magkasakitan
"i know Were cool" at sobrang close na magkaibigan
ayokong maging bitter ako sa tula
kaya kalimutan mo ung pang anim na stanza
sobrang mahal kita mula noong hanggang ngayon
at kung ikaw ang bumabasa nito ALAM KONG ALAM MO YON!
sa puntong ito, lagi kang nagkakape sa isip ko
nagpapaalala lang, baka abutin ka jan ng pasko?
sobrang init ng kape at hindi mo matapos ng mabilis
kanina ka pa jan wala ka bang balak umalis?
nilabas ko nang lahat ng nararamdaman ko dito sa tula
hindi ko alam kung ikaw ay maiinis o matutuwa
sa aspeto ng pagibig itanong mo kay Amora manghuhula
at ako naman ay sa Magic 8 ball na hugis bola
naiinis ako ngayon sa sarili ko
kung babasahin mo yung tula talagang nakakagago
PERO parang gusto ko ulit pumasok sa puso mo
dahil ako ang U.L.O.L mo! itaga mo yan sa bato!
sana gusto mo akong makita ulit
kahit na ako'y madaldal at makulit
sana magkatotoo ang "Muling Ibalik"
sana matikman ko ulit ang matabang na halik . . .
Jan 14, 2011
Jan 14, 2011 at 10:20 PM UTC
May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan
Na ang dating buo ngayon ay sira na
Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na
Paulit ulit na binubulong ng aking isip
Maraming tanung sakin isip
Paano nga ba ? Anu nga ba?
Wala na bang pag asa ?
O kailangan ko nalang tanggapin
Na aking magulang ay wala na
Wala na??? Wala na ?? Wala na!!
Wala ng pag asa na maging isa muli
O hindi na ba ma bubuo muli
O kailangan kung tanggapin na Aking magulang ko ay may iba ng pamilya
Oo meron ng ibang pamilya !
Aking sambit sapagsapit ng pasko
Sabi ko kahit walang handa sa pasko
Basta buo ang pamilya masaya na ako
Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang
Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama
Ito ang unang pasko na ako lang mag isa.
Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari
Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi
Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't ina
Ako'y nasa tabi mo na
Ako'y mananatili sayong piling
Handang sumagot sayong hiling
Ika'y manatili lamang sakin piling
At ako'y mananatiling sayong piling
Ang mga sinira ay aking bubuoing
Ang mga nawala ay aking hahanapin
Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin
Sakin lamang ay magtiwala at manalig
Buong puso sakin ay isalig
Hindi kita pagkukulangin
Patuloy kitang mamahalin
Ang iyong magulang aking gigisingin
Sa maling mga hangarin
Upang ibalik sa dating nitong layunin
Kung sa tao ito'y impossible
Sakin ay possible
Magkatiwala ka lang sakin
Lahat ay aking gagawin
Diyos ay may layunin.
Sep 28, 2020
Sep 28, 2020 at 6:44 AM UTC
Sana, bata na lang tayong lahat…
Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan. Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”
Sana , bukas ay bakasyon na…
Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na. Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang asawa mo.
Sana, pasko na lang bukas…
Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo? at sana mapasaya ko sila…” Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito. Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.
Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …
Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo. Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.
Sana ikakasal na ako bukas…
Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami. Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali. Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.
Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay. Dapat, paghirapan natin ito…
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
Simulan natin sa katapusan nang taon,
Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon,
Naalintana ang palagiang paglamon,
At uminit ang Pasko nang kahapon.
“Napakaganda nang buhok mo”, aking bati,
Para sa minimithi kong binibini,
Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi,
Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati.
Humingi nang payo kung kani-kanino,
Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko,
Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo,
‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo”
Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero,
Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso,
Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto,
Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo.
Naputol man ang ating koneksyon,
Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon,
Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon,
Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon.
Pinaghigpitan man’y iginagalang ko
Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo,
Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio,
Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”.
Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan,
Ay mayroong napakalaking kahalagahan,
Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan,
Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan.
Kaya nandito ako ngayon,
Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon,
Nanabik sa pangako nang kahapon,
Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon,
Ngayong ika-siyam nang Pebrero,
Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago,
Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod,
Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dala na din ng pagod ako ay humandusay ng walang kaabog abog
Sa bangketang madumi, ang katawan ko ay pinabayaan.
Basa ng ulan, ang pag ubo'y walang alangan,
Hanggang sa muli, hanggang sa makasakay
Dala na din ng pagod sa pagkayod at hanap buhay
At pakikipagtunggali sa mundong walang tigil, puro tagay.
Ang pag aasam maging karaniwan at humanay
ay 'di mawaglit. Hindi parin labis na masanay.
Bakit nananatiling lumalaban sa tamis at pait?
Dala na din ng pagod, ay hindi man lang mkapag ahit.
Ang pagod na wari sa sabog na balbas ay di alintanang lumago,
Buhok na primitibo ay minsan 'di na mailitrato.
Sapagkat napakaraming bagay ang naikot sa isip,
Upang sarili ay ihuli at sadyang balewalain;
Dahil minsa'y di mapigil ang sariling takbo ng ideya,
Sa pagkain ng isip sa puso, minsan ikaw ay madidismaya.
Sapagkat ako ay tumatanda ng paabante
Na walang iniisip kundi ang mabilis at walang kasiguruhang bukas ,
Na walang oras man ang pwedeng malibre at mabakante.
Dala na din ng pagod ako'y biglang natuturete
sa ingay ng maduming palengke, sa mahal ng kuryente,
Sa araw araw na madugong pagbyahe, pamamasahe;
Sa mala sinaunang Kastilang amo. Mga taong may ugaling dyahe.
Ang pakikisamang hinog na alam nating importante.
Dala na din ng pagod, alam nating hindi pasko parati.
Sa ambisyon at oras, ginagawa ang lahat at pilit naghahabol,
Kapag isipan ay nalason. Bilisan at ang oras ay nagagahol.
Dala nadin ng pagod, nagiiba ang pangangailangan
bakit ang dating madali ngayon sa hirap ay saksakan?
ang maliit at lumalaki, ang punong kahoy **** matikas,
ay sadyang binabato sa tuwing ito ay namumunga ng wagas.
Sa kabilang buhay, huwag **** kalilimutan.
lahat ng paghihirap ay sadyang mawawala.
Mga maling desisyon huwag kaagad itulak,
mga iniisip huwag sadyaing ibalak.
Dala lang yan ng iyong saloobin at pagod iho,
matatapos din ang pait sa sa paglaklak ng alak
May 14, 2013
May 14, 2013 at 1:01 PM UTC
Mahal kita
Di ko maintindihan
Ako ay lagi **** iniiwasan
Simula lang noong inamin
ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim
Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik
pati ang puso ko na aking inihati
Nang hindi na sumugpong ang isang piraso
Nalaman ko na kay sakit pala mabigo
Tatlong beses nanalamin
Hinanap ang sariling kapintasan
Buo kong kalooban ay naranasan
na madurog nang lubusan
Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto
Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid
at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit
Mahal, ang una kong salita na magdudugtong ng aking pagsinta
Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa
Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod
at ang ningning ng estrelya
ay susundo sa wikang pampag-ibig
na puno ng mga ninanais
Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog
at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan
Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran
Nais kong kipkipin mo ang mga rosas
na minsan nahiya
Dalawang puso natin na sabik
Nais ko rin basbasan ito ng langit
Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan
Di man matipuno, may galaw sana akong magalang
Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin
Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin
na ang pag-iibigan ay pagpalain
Tulad ng pananalamin ng mga letra
gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan
At ang huling mga salita
Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 5:24 PM UTC
Pasko na naman
Pero gulo ang nararanasan
Ano ang tunay na kahulugan
Ng Pasko sa ating bayan?
Mga taong nag-aasam
Ng kapayapaan sa kapaskuhan
Hindi man lang nakamtan
Ang kanilang inaasahan
Ang Pasko sa krisis
Hindi namin ninanais
Hindi rin namin inaasahan
Ang mga bilihi’y magsitaasan
Ngunit gaano man kalala
Ang krisis ng bansa
Basta may pagmamahalan
Ang bawat isa
Tiyak na sasaya
Ang ating pagsasama
At kung may pagkakaisa
Malaki ang pag-asa
Kaya tayo na’t umpisahan na
Pagmamahalan, pagsasama
Pagkakaisa’t kapayapaan
Para sa pag-angat ng ating bayan!
-12/25/2000
(Dumarao)
*a project/assignment
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 1:33 AM UTC
Tuwing nalalapit na ang pasko, darating si itay mula sa kanyang opisina na may dalang kahon. Ang kahon ay naglalaman ng hamon. Ang hamon na mutlong taun-taon na lang sumusulpot. Ito yung hamon na hindi na pinapansin ng karamihan kasi lagi na lang andyan. Pabulong na sasabihin nila, "Ay sus. Pwedeng iba naman?" pero dahil nga sa nakasanayan na, ang hamon ay mananatiling nariyan kahit nilalampasan.
Lilipas ang selebrasyon at mag-uuwian ang mga bisita. Mananatili ang hamon na wala man lang gumalaw. Naubos ang macaroni salad, graham, kahit ang kaldereta ngunit ang hamon ay nanatiling tahimik, mistulang kawawang bida sa isang maaksyong pelikula.
Taun-taon, sasabihin ni inay na bakit hindi na lang ipamigay? At taun-taon akong hihindi at sasabihing sayang.
Hindi ko naman paborito ang hamon. Sadyang ayoko lang sayangin ang lahat ng nakahain. Kaya't kahit paulit-ulit, kahit nakakasawa, kahit minsan gusto ko na lang ipamigay, pilit ko pa ring kakainin ang bawat hamon na nakahain. Pilit ko pa ring lalasapin ang cholesterol, magpapataba, magpapakatanga, magsasawa hanggat sa maubos.
Feb 8, 2016
Feb 8, 2016 at 1:37 AM UTC
Humahagibis ang hangin sa dalampasigan
Kaya ang mga dahon nagsisipagaspasan
At kung tumila ang simoy ng Amihan
Alaala'y bumabalik nang walang pakundangan
Mahamog na ang kapaligiran
Malamig na rin ang kaparangan
Sa pagtaas ng alon sa aplaya
Ay sumasabay ang pagbubuntong - hininga
May saliw ang karoling
Himig ng pasko'y umaadya sa damdamin
Ngunit pansamantala ang dulot na aliw
Sa maghapong pangunguyumpis
Hindi na bumubuka ang bulaklak
Ng itinanim kong Rosas
Hindi na gaano maliwanag ang kislap ng tala
Dahil ba sa hukluban na't yumuyukod
O nasisiphayo ng pag-ibig
Ang pangakong hindi maghihiwalay
ay kanyang tinalikdan
Ngayon nag-iisa na humihimlay
Kasama ang yakap ng lumbay
Hindi ko kailangan na manimdim
Sapagkat tunay at wagas siyang inibig
Bakit taliwas ang bawat wakas
At maunsiyami sa mga hiraya
Saan-saan na lang ibinaling ang paningin
At iniba ang hilig
Ngunit sa paghinto ng paghalakhak
Hindi ko maiwasan ang umiyak
Nalugami sa pagmamahal
At kung mabuksan muli ang puso
Malaman niya sana na siya ang dahilan
Ng paghibik sa pasko
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 11:43 PM UTC
Nagsisimula na namang lumamig
ang dampi ng hangin sa aking pisngi,
Parating na ang panahon ng Kapaskuhan
na taun-taong ating hinihintay at tinatangi.
Palagi ko’ng hinihintay ang Disyembre
para sa kasiyahang dala ng Pasko,
Ngunit sa isang banda ri’y
pinangangambahan ko ito.
Dahil tuwing Pasko ay may kakambal na lungkot din
ako’ng nadarama sapagkat naiisip kita,
At natatandaan ko pa ang mga huling sinabi natin
sa isa’t isa nang huli tayong magkita.
Pinaghaharian tayo ng poot at panunumbat noon
kaya’t nabalot ng pait ang ating mga salita;
hindi natin napagtanto na minsan isang kahapon
marubdob nati’ng minahal ang isa’t isa.
At hindi ko mapagtanto kung bakit
tuwing magpa-Pasko, ito ang aking naaalala—
Marahil sa aking kaluluwa’y may panghihinayang pa rin
na ang malamig na hangin ang siyang nagpupunla.
(c) emeraldine087
Nov 27, 2016
Nov 27, 2016 at 10:43 PM UTC
i.
Tis, tis, the first Christmas
With mine queen;
Tis, it is, mi amour
And her king.
ii.
Tis, though distances
Shalt separate;
Verily I sayest
Mine Reyna,
Thou art
Right in mine
Heart and soul.
Tis this is ourn
Fate.
iii.
Soon O' soon, we shalt
Hath a dinner date;
With yellow roses to
Wrap thine neck,
And mine kisses
To become to thee,
As peaceful sedate.
iv.
As tis, I wilt wait
In death, or in life
To bow on one knee,
To court thee mine queen;
To maketh thee in person
v.
Mine queen and mine wife.....
©Brandon Nagley
©Lonesome poet's poetry
©Earl Jane Nagley dedicated ( Filipino rose)
Dec 25, 2015
Dec 25, 2015 at 4:16 PM UTC
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa.
nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan.
ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre.
matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey.
katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:32 AM UTC
Lola una kong nasilayang maging tunay na nanay.
Pagmamahal sayo'y tunay na naramdaman.
Mabuting Pangaral ay sayo unang natutunan.
Minsan mo mang napapagalitan at napapalo ito'y sa ikabubuti ko naman.
Katuwaan ay nakakamtan pag ikaw ay nasisilayan lalo't makita sa mga mata at labi ang iyong kasiyahan sa twing kami sayo ay dumadalaw.
Mga anak mo at apo ay nakukompleto para pangungulila mo ay maibsan.
Sa twing pasko ay paparating pananabik sa puso ay walang mapaglagyan dahil sa ikaw at ibang pamilya ay makakasalo.
Lola ikaw ang una kong naging tunay at tapat na kaibigan.sa tuwing ang puso ay may dinaramdam ikaw ang unang sinasabihan.mga pangaral na ibinibigay mo ay malugod kong pinapakingan.
Ngunit isang araw kami ay nagimbal ikaw daw ay may karamdaman,pilit ang oras ay hinahabol upang ikaw ay masilayan at makausap man lang.
Ngunit tadhana ikaw ay ipinagkait at damdamin ay sinaktan,nang malaman na ikaw ay tuluyan ng namaalam.
Masakit ang yong paglisan,kirot sa puso hangang ngayon ay nararamdaman.
Pasko ay paparating na ngunit ikaw ay wala na
Sabi nila tangapin na lang ang yung paglisan,ngunit paano tatangapin kung ang puso ay hindi pa handa sayong pamamaalam.
Puso ay hindi parin matangap na kami ay tuluyan mo ng nilisan.
Pangungulila sa puso sana ay iyong maibsan,sa panaginip ko sana ikaw ay dumalaw.
Dec 12, 2020
Dec 12, 2020 at 11:05 PM UTC
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa
Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa
Walang iniisip na problema
At may mga ngiting walang katumbas
Na nakikita sating mukha.
Isang umaga ang hindi ko nalimutan
Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala,
Tumingin ako sayo
Napatingin sa mga ngiti mo
Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko
Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko
Mga mata natin ay nag tagpo
Diko alam aking sasabihin
Gusto ko itanong sayo kung bakit ako,
Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko.
Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw
Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning
Iniisip kung ikaw ay makikita.
Kaya't dali daling papasok sa eskwela
Tingin doon, tingin dito
"Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka.
Tuwing tayo ay nag kakasalubong
Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo.
Ngingiti tayo sa isa't isa
Na parang mga batang binigyan ng sorbetes
At natuwa sa kung gaano ito katamis.
Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa
Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata.
Limang taon na ang nakalipas .
Feb 27, 2016
Feb 27, 2016 at 10:43 AM UTC
#122514
Mensahe
Katanungan
Palaisipan pala.
Sampung prutas
At iisang mensahe
Walang istorya,
Tapos na ang usapan.
Lumisan na naman.
Dec 27, 2014
Dec 27, 2014 at 7:43 AM UTC
Kahapon, hinintay kong
Lumatag ang liwanag sa
Parang. Parang kahapon
Lang, ganitong oras din
Hinintay natin ang huling
Patak ng hamog ng Disyembre.
Habang ang marami ay abala
Sa kusina ng Pasko, tayo ay
Nasa Pebrero kasama si
Balintino. Tunay ngang iba ang
Kalendaryo ng ating mundo.
Ngunit ang himbing ay hikbi,
Kagaya
Kahapon, hinintay ko ang
Paglatag ng dilim sa parang.
Parang antok na hindi dumating
Dahil walang dahilan ang bukas
Na darating.
Dec 17, 2015
Dec 17, 2015 at 9:32 AM UTC
Tuwing sumasapit ang Setyembre,
Ako ay kinikilig.
Makikita ko na ang mga parol
At mga christmas tree.
Napakagandang masilayan.
Bumabalik ang aking pagkabata.
Ako ay natutuwa
Makita at matanaw
Ko lamang.
Nang sumapit ang bisperas,
Kinabahan na ako,
Baka hindi na dumating
Ang bukas.
Umaga, kinabukasan.
Dali-Dali akong pumunta
Sa sinabit kong medyas.
Wala ka na doon.
Sa tingin ko,
Ako ay tumanda na.
At naintindihan
Na hindi si Santa Klaus
Ang naglalagay ng mga regalo.
Kayo pala
Inay at Itay.
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 8:59 AM UTC
Palamuti ng pasko
Pawang mga puso
Sumayaw sa alapaap
Sabay sa pag kurap
Pag-ibig sa tabi
Hawak na sandali
Huwag mawaglit
Handog na ligaya
Sa'kin ay ipaubaya✒
Feb 3, 2018
Feb 3, 2018 at 7:40 AM UTC
072924
O kayraming pangarap na binuo —
Binuno sa sariling salamangka.
May ibang nagwawaging nakangiti,
Habang ang ila’y nalalagas kamamadali.
Nakamamangha nga sa umpisa
Pagkat ito ang batayan ng karamihan
Sa tinatawag nilang “makapangyarihan.”
Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik
Bagamat sa mga sandaling iyo’y
Gusto ko na lamang mapaos
Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan.
Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan
Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan.
Ngunit sa patımpalak na ito’y
Wala naman pala akong ibang kalaban
Kundi ang sarılı kong anino,
Ang kumunoy ng aking nakaraan.
Madilim —
Madilim ang paligid saanman ako dumako.
May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag?
Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko.
Mahiwaga —
Ganyan nila ituring ang mga alitaptap
Na para bang may isang diwatang
Umaaliw sa kanila,
Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng
Wala naman palang kabuluhan
Kaya’t sabay-sabay silang mauubos
Na parang mga paupos na kandaling
Wala nang balak na sindihan pa.
Sino nga ba?
Sino nga ba ang aking susundan?
Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap
Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan
Nang mabaon na rin sa limot
Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan.
Tinatanong ko ang sarili
Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan?
Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito?
Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari?
At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag?
Ako at ang kadiliman
Ako at ang liwanag.
Sino nga ba ang pamato?
Sino nga ba ang tunay na kalaban?
Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang,
Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan.
At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y
Sigurado pa rin akong
May liwanag pa rin sa aking sinusundan.
Ikaw, Anong tantya mo?
Makararating ka rin ba sa dulo?
Ikaw, anong pasya mo?
Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa.
Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada.
Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa.
Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss!
Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat!
Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 2:05 AM UTC