Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nagsisimula na namang lumamig    ang dampi ng hangin sa aking pisngi, Parating na ang panahon ng Kapaskuhan    na taun-taong ating hinihintay at tinatangi. Palagi ko’ng hinihintay ang Disyembre    para sa kasiyahang dala ng Pasko, Ngunit sa isang banda ri’y    pinangangambahan ko ito. Dahil tuwing Pasko ay may kakambal na lungkot din    ako’ng nadarama sapagkat naiisip kita, At natatandaan ko pa ang mga huling sinabi natin    sa isa’t isa nang huli tayong magkita. Pinaghaharian tayo ng poot at panunumbat noon    kaya’t nabalot ng pait ang ating mga salita; hindi natin napagtanto na minsan isang kahapon    marubdob nati’ng minahal ang isa’t isa. At hindi ko mapagtanto kung bakit    tuwing magpa-Pasko, ito ang aking naaalala— Marahil sa aking kaluluwa’y may panghihinayang pa rin    na ang malamig na hangin ang siyang nagpupunla. (c) emeraldine087
0
Nov 27, 2016
Nov 27, 2016 at 10:43 PM UTC
SIMOY

emeraldine087
Written by
Nov 27, 2016
Nov 27, 2016 at 10:43 PM UTC
Request permission to use this poem