"papag" poems
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.
Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.
O, ikaw na iyang may pakpak ng nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.
Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.
Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,
Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.
At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.
Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.
O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:15 AM UTC
36 Ang ikatlong pagsubok ay palamangan
Ng mga lamang-dagat na pahulihan
37 Paramihan sa tingin
Pabigatan sa timbangin
38 Ito ang pagsubok na itinadhana
Para sa magigng prinsipe sa tuwina
39 Sinasabing diwata’y tumutulong
Sa sinumang may pinkamaraming naikukulong
40 Sa kanilang lambat na inilalatag
Sa mga alon na sa dagat papag
41 Magsisimula ang hamon kapag umaga’y lumitaw
Magtatapos sa paglubog ng araw
42 Nang sabay-sabay bumalik ang tatlong lalaki
Si Agus ang may pinakamarami at mabigat na huli.
-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 10:02 PM UTC
#041716
May mga bituing nais abutin,
Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin.
Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim,
Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim.
Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap,
Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap.
At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap,
Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap.
Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari
Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari.
At kanyang saplot, ihahanay nang sandali,
Saksi maging hanging nagtataingang-kawali.
Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon,
Baon pala ang sakit hanggang dapithapon.
Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi,
Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi.
Tila baryang itinapon at nagkakalansingan,
Sa papag na mistulang may sawing kasintahan.
Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman,
At doon ang kandila'y panandaliang tatahan.
Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga,
Hahagkan silang mga busal na walang isang salita.
Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika,
Silang tangan ang pising may kakaibang mahika.
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 9:21 AM UTC
#112915 #12:28PM
Naglisawan ang mga katauhang nakaputi
At siya’y mistulang diwata
Sa kanyang putong at pamato.
*“May kuwit ang Langit *
Siyang puspos sa pangako –
Pangakong may habilin
Sa naudlot na pagtatapat.
At sa pagniningas ng simboryo’y
Ako ang ‘yong katipang sabik,
At may bantayog na pagsinta.”
Paimpit ang tibok ng puso
Habang sayad ang telang puti sa lupa,
Mistulang palamuti ang mga rosas
Sa pulang salawal ng papag.
“Naging maselan ang puso
Sa tagal ng paghihintay.
Bagkus ito’y maiksing ihip ng hangin,
Tanging hiram sa Tagapagbigay ng Buhay.
Hindi mahinuha
Ang bigkas ng bawat pintig,
Ako’y Kanya bagamat inilaan sayo.”
“Paumanhin, pagkat minsa’y naging duwag,
Duwag akong sa bangin ng pagsuyo
Pagkat baka ang huli’y maging pauna.
At hindi sapat ang pagsinta
Kung wala ang basbas ng Ama.”
“O tamang panahon, salamat sa Kanya!
Ito’y ipinagtirapa nang ilang ulit.
Kung ang pagtugon ay plantsado,
Ilang butil ang buhos ng Langit,
Sagot sa nakaluhod na pagnilay.
Siyang Barandila sa pusong tigang –
Sumuyo sa’ki’t bulong iyong ngalan.”
“Anumang dagok sa nakaraan,
Ang ngayo’y walang katumbas.
Minsan hinayaang magpatibuwal
Ang pangakong laan sayo.
Pagkat pag-ibig Sinta’y
Hindi pa hitik sa bunga.
Kaya kahit anong pagpalahaw ng damdamin,
Tinakpan ito’t di nais na magkayabag.”
“Dalpak man ang mga paa,
Damdamin ko nama’y tiyak.
Kanyang isinulat ang pag-iibigan natin,
Siyang patotoo sa tunay na nakapaghihintay.”
Yayariin ang detalye’t estilo
Ang dunggot ng tuldok,
Doon lamang sa ikalawang pagbabalik.
Mula sa Langit na Siyang Tagapagkatha.
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 8:03 PM UTC
Inaantay ko ang takipsilim
kung kailan nagtatagpo ang araw at ang karagatan
at unti-unting lumalabas ang buwan at mga bituin
inaantay ko ang dilim
kung kailan mararamdaman ko
ang marahang paghalik ng balat mo sa balat ko
kung kailan inuungkat ng mga daliri mo
ang lahat ng sikreto ng katawan ko
Dito
sa maliit na papag,
sa ilalim ng mga dahon,
at mga tagpi-tagping kahoy,
sa tabi ng dalampasigan
isinayaw mo ko
isinasayaw mo ako
at sana isayaw mo ako
Ituro mo muli sa akin
ang bawat hakbang dito sa indayog
na walang musika kundi
ang dwelo ng ating mga dila,
ang mabibilis na paghinga,
at mga impit na sigaw.
wag **** tapusin
dalhin mo ako sa isang paglalakbay
kung saan mas kailangan ko ang mga kamay at mga mata mo
kaysa sa aking mga paa
at pag narating na natin ang rurok ng kaligayahan
mahal,
halikan mo ang aking mga balikat
iparamdam mo sakin ang init na hindi naibibigay ng mga tela
ibulong mo sakin ang mga bituin at buwan
at ipikit natin ang ating mga mata sa muling pag-ahon ng araw.
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 3:46 AM UTC
#112615 #9:55PM
Nakaadya ang pares na sisidlan
Tangan ang kalasag na paparaan
Bibigkis ang kapagalan
Isasaplot at pasasalamatan.
Ni walang maitulak-maikabig
Pagkat sumamo'y patungong Langit
Siya'y isasantabi,
Sa papag isasalig ang sarili.
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 8:56 AM UTC
Sa tahanang walang hagdan
sa loob ang papag ay upuan
tahasang lantad at kinalulugdan
yaring higaan na minsa'y hapag-sulatan,,,,,
sa aking paggising
tila ba ako nalasing
nang mabasa ko sa napkin
katanungan mo sa akin
halika dito sa aking upuan
at sa iyong kapaguran
sasamahan kita sayong kanlungan
habang dito ka sa aking kandungan
bagamat di kalawakan
itong aking tasalitaan
napalalim mo naman itong aking kaibuturan
bilang kaibigan sa mas mabuting pagkakakilanlan
sa iyong pagkakaupo
ako nga ay napatango
replika ng iyong damdamin
nababanaag at sumasalamin
nagkaroon man ng eksistentesya
mga rima ko sayong independensya
at kung ano man ang naging esensiya
nawa'y wag ibasura,nalamang intelehensiya
nang sa iyo ay aking ipaarok
yaong nais **** matumbok
sagot sa "gaano nga ba kadalas ang minsan?
BIHIRA ang siya kong naging katugunan !
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 10:57 AM UTC
082021
Inuusig niya ang mga talang kumikinang
At tumatabon sa mga parating na bulalakaw.
Ang mga mata ng santelmo’y
Hindi na lagim ang ibinubuntong hininga
Kundi liwanag na humahabol
Sa bawat paghikab nang nakatihaya.
Hati-hati sila sa papag
Sa kung sino ang taya sa pagsilang ng araw
At sa pinintang dilim
Na hindi na bangunot ang pasalubong
Kundi pag-asang makapagsalu-salong muli
Sa hapag-kainan sa panibagong kalendaryo.
Habang nagniningas ang mga baga’y
Guguhitan nila ang pisngi ng bawat isa
Gamit ang bawat kwentong agimat ng kahapon.
At mapupuno ng halakhakan ang bawat kurtina
Na para bang sila’y nasa entablado
Ng sarili nilang istoryang sila rin ang nagbigay-buhay.
Ang bawat butil ng bigas
Ay katumbas ng pawis na alay nila sa palayan
Habang ang kirampot na tuyong walang sawsawan
Ay sining na makulay sa kanilang mga mata.
At sila’y magtatampisaw
Sa putikan ng kanilang hanapbuhay
At ni isa sa kanila’y ni minsa’y
Di ginambala na ang bukas ay magiging sakuna.
Isa, dalawa, tatlo..
Sunud-sunod ang mabibilis na butil
Na ni isa’y di mailagan.
Ang mga butil ng palay
Ay nagmistulang mga basura sa lansangan
Na nilalangaw at pinag-aagawan
Ng mga itim na ibong gahaman sa kapangyarihan.
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:11 AM UTC
100221
Nauuna pa tayo sa mga alitaptap
Sa paggayak patungo sa dilim,
At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop
Ang ating mga paang napuno na ng alikabok
Para lamang mag-“indian sit.”
Ang ating mga halakhaka’y
Nagmistulang musikang humihele
Sa pandinig ng ating mga magulang
At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang
Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit.
Tunay ngang payak ang ating pamumuhay —
Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay
Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya,
Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo
Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.”
Nais sana nating hindi kumurap
Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan
Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy.
At ito ang liwanag na aasahan nating
Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim
At magkukulob sa nasasakupan
Ng sinag ng ating mga paningin.
Hindi na natin alintana
Ang init na dumarampi sa ating mga balat
At tayo’y mapupuno ng pagkamangha
Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga —
Mahiwaga sa ating mga matang
Walang ibang nais kundi magliwanag na.
Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas,
Maging ang mga dahong kumukupas
Sa paghimlay nito sa ating mga paanan.
Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim;
At panahon din ang susukli
Sa mga alaalang nais nating manatili.
Oct 2, 2021
Oct 2, 2021 at 10:22 PM UTC
Gaano man kamahal ang suot **** bestida
Mahal, lalapag at lalapag pa rin 'yan sa sahig,
Bilang tanda ng pagpapaubaya sa hapag ng
Paglikha.
Aakuin mo ang lambong ng kahubaran, lilisaning
Tiyak ang kamusmusan. Lilimutin ang dasal ng
Mga ninuno, sasambahin ang buwan bilang lantay
Na liwanag ng buhay.
Ibibilang mo ang mga patak ng pawis sa kumpas
Ng paghinga, habang ang indayog ng papag
Ay paulit-ulit **** iaakma sa ritmo ng bisig,
Sa pintig ng Puso,
Sa init ng titig, kahulugan at pag-ibig.
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:19 AM UTC
nakilala mo na ang dilim
sa paglipad ng bawat segundo
at ng bawat minuto sa iyong puso
hindi naman dulot ng gabi ang lagim
sadyang nakakagambala lang ang kanyang ingay
sa mga tenga **** naghihintay ng walang humpay
narinig na niya lahat ng iyong lihim
sa mga paghikbi
at mga luha na bilisang pinapawi
sa bawat aliw, poot man, o panimdim,
ika'y humiga at magtimpi sapagkat ito'y hiram lang
manatili kang payapa, at ang iyong isipan.
manalangin ka na lamang ng taimtim
baka bukas aawit sayo ang mga puno't halaman
makakarating kana sa patutunguhan
Feb 5, 2021
Feb 5, 2021 at 11:48 AM UTC
iginuhit kita sa piraso ng papel,
gamit ang lapis na tinasahan ng talim
ng mga katagang hindi masambit
matapos ay nilagdaan,
ng pangalang hiling na minsa'y marinig
sa muling pagbuka
ng iyong mga labing kay rikit
kapagdaka'y inilagay sa kwadro
ang larawang nilikha
ipinatong sa lamesitang tabi ng papag
upang kahit na ika'y 'di abot-tanaw
ay para ring kapiling na
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:30 AM UTC
Bumalikwas ang madaling araw
Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw
Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi
Isang paos na tilaok pinilit magsabi
Tila inutil na tuod ang unan at papag
Walang tugon ni tikhim man lang
para sa likod at ulong lumapat
Mapagkunwari ang kulambo
Lamok pala’y kalaguyo
Akala ng balana’y karamay
Sa magdamag na paglalamay
Batang ipinaglihi sa Sto Niño
Ibebenta pala sa demonyo
Naglaga ng kape ang among kapre
Butil daw ay hinirang ng musang na tumae
Galapong pala’y napanis na sapal
Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal
Bang-aw na ang panatikong tagasunod
Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:
Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!
Copy-paste-post - sige pa!
Ang perang kikitain ay mas mahalaga
May paburger pa sina konsi at mayora
O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa?
Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga
Kinain na ng anay ang papel at pluma.
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 4:41 PM UTC