Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Gaano man kamahal ang suot **** bestida Mahal, lalapag at lalapag pa rin 'yan sa sahig, Bilang tanda ng pagpapaubaya sa hapag ng Paglikha. Aakuin mo ang lambong ng kahubaran, lilisaning Tiyak ang kamusmusan. Lilimutin ang dasal ng Mga ninuno, sasambahin ang buwan bilang lantay Na liwanag ng buhay. Ibibilang mo ang mga patak ng pawis sa kumpas Ng paghinga, habang ang indayog ng papag Ay paulit-ulit **** iaakma sa ritmo ng bisig, Sa pintig ng Puso, Sa init ng titig, kahulugan at pag-ibig.
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:19 AM UTC
Sayaw sa Nunal

jose-remillan
Written by
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:19 AM UTC
Request permission to use this poem