"panibago" poems
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.
Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.
Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?
Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.
Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.
Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.
Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”
At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.
At nahanap mo ako.
Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.
... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.
At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 1:35 AM UTC
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.
May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.
Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.
Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.
Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.
Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.
Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.
Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.
Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.
Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.
Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!
(6/28/14 @xirlleelang)
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Sa pagdating **** napabalita
Unang sulyap palang namangha na
Gayak na sinauna
Sa paningin mahalina
Musikang kaytanda na
Sa pandinig mahiwaga
Mahalaga ang gabi
Simula ng pagsaksi
Kwento kong inabangan
Hatid niyang kasaysayan
Sa aking talambuhay
Gabing iyon may saysay
Nasa pagtitipon
Mga kaklase noon
Kapitbahay inuman
Masaya ang kwentuhan
Subalit ako’y saglit
Umuwi sa malapit
Iyon ay dahil batid ko
Simula na ng kwento
Ng kanyang unang yugto
Gabing Trenta ng Mayo
Mula nang araw na ‘yon
Pagsubaybay tradisyon
Naging makabuluhan
Likhang pampanitikan
Subalit ‘di naglaon
Nawalan telebisyon
‘Di hadlang gayunpaman
Sa radyo’y pinakinggan
Mula pagkabinukot
Hanggang aliping tulot
Babaylang naging ****
Mandirigmang pinuno
Nilupig at nanlupig
Inusig at nang-usig
Natulig at nanulig
Inibig at umibig
Nagtago at naglakbay
Namatay at nabuhay
Tinanggap at nagpanggap
Naghirap at nilingap
Sakay ng karakoa
Tinungo ibang banwa
Naghanda sa pagbalik
Upang ganti’y ihalik
Sa mabagsik na raha
Na pumatay sa ama
Sa pinunong baluktot
At sa harang nanalot
Mangubat at Angaway
Mga rahang kaaway
Lamitan na ninanay
Nais siyang maging bangkay
Sa kahuli-hulihan
Lahat sila’y talunan
Sa babae ng tagna
Walang iba – Amaya
Salamat, umalagad
Maging hanggang sa sulad
Salamat, kapanalig
Laban sa manlulupig
Salamat, Uray Hilway
Mga tinuran gabay
Salamat kay Bagani
Pag-ibig nanatili
Salamat sa Banal na Laon
Diyos ng mga ninuno noon
Kina Amaya’y panginoon
Tagapagpala ng kanilang nayon
Ang dulo ng epikong kapapanaw
Akala’y ‘di na matatanaw
Salamat sa unang Christmas bonus
May TV na bago taon ay matapos
Mahalaga rin ang gabi
Katapusan ng pagsaksi
Huling yugtong tinunghayan
Ang kamatayan ni Lamitan
Sa aking talambuhay
Gabing iyon rin ay may saysay
Nasa huling burol at lamayan
Bago at matapos subaybayan
Iyon ay kakaibang alaala ko
Sa katapusan ng kwento
Ng kanyang huling yugto
Biyernes – Trese ng Enero
Nagbrown-out pa nga
Habang oras ng balita
Buti nalang at umilaw
Sa tuwa ako’y napahiyaw
Sa pagtunog ng huling musika
At paggalaw ng katapusang eksena
Bukas TV at radyo
Sa makasaysayang mga tagpo
Ngayong gabi ng paglikha
Ng tulang handog sa programa
Unang gabing kapani-panibago
Dahil wala na sa ere ang paborito ko
Subalit ang Alaala ni Amaya
Mga gayak, musika, tauhan at kultura
Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya
Mananatiling buhay sa aking diwa!
-01/16-17/2012
(Dumarao)
*missing my favorite program
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Sa irarum ku kanimong
matam-is na pagrukot
naintindihan ko
kung uno ibig sabihon
ku pagkapot mo
ku kanakong kamot,
ku mga text ****
malang siram
ulit-ulitong basahon,
ku magrani ka
mga labi mo
sa labi ko,
guru-gab-i ko
nababayad a magayon
**** mga mata,
maganting talaga a mga bituon,
pigdara ko kanimo
ku panahon na nauuda ako,
diri kabisado a lugar nag tangad
sana ako tapos tig sundan paiyan kanimo.
Kaiba ko ika sa irarum ko mga bituon,
nakatangad sana kita tapos
pigsisilngan su bulan na malakabilog,
nag ayat sa pabor
na sana...
sana...
bayaan na su nangyari ku kadto,
mig puon sa panibago,
gibohon na sanang ekpersyensya
su dating nangyari
ku kanatong mga deperensya.
Utro, puon sa uno,
nguwan diri ko na tutugotan
na mabayad ta ulit su puro.
Isi mo dawa kadakol na buwan
su naglipas diri nagbago
su tiwala ko kanimo.
Lang siram na payabaon ka,
Ika sana, uda na iba.
Kanakong Prinsesa
na diri mig uban magiging Reyna.
Nov 23, 2017
Nov 23, 2017 at 11:34 PM UTC
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.
Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.
Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.
Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?
Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.
Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.
Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.
Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.
Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.
May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.
Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?
Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.
Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.
Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.
Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Dec 13, 2017
Dec 13, 2017 at 10:01 AM UTC
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay
Pero di pa ganoon kabihasa,
Di gaya Mo.
Posibleng maiguhit ko ang langit
Pero paiba-iba ang istilo nito
Nagbabagong bihis ang ulap
Pagkat hinihihipan siya ng hangin.
Kukuha ako ng litrato
Para lamang makuha ang detalyadong anyo
At saka ko titingnang muli
Unang tingin, pangalawa, pangatlo
Ako'y nabibighani.
Maaaring magaya ko ang mukha
Pero pag ako'y titingala't sisilip
Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit.
Itatapon ko ang lahat
Maging mga mamahaling kagamitan
Pagkat hindi abot-langit
Itong istilong tila pangmakasarili
Hindi pasado sa panlasa ****
Panglangit din ang batayan.
Ako'y bilib Sayo
Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y
Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit
Panibago araw-araw,
Mula ulo hanggang paa nito.
Walang kupas, walang katulad
Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining.
Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa
Ihahain ang palad
Hanggang sa kalyo na ang mga ito
Pagkat ginagamit Mo na,
Gamit na gamit Mo.
Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay
May lungkot at saya ang timpla
Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay,
Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi.
At markado Mo ang araw,
Saulado Mo ang lahat,
Pagkat Ikaw ang Tagalikha
Oo, Ikaw, Ama.
Gusto kong magmana Sayo,
Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha,
Sa istilo **** walang katulad,
Pagkat iba ang Iyong paningin,
Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay,
Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin.
At ako'y isang hanging bula,
Maglalaho't liliparin ng bukas,
Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo,
Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:28 PM UTC
Pagbabadiya sa panibagong giyera
Ako ay alipin na ng kaba
Sa iyo ba ay mahalaga na
Ako na naghihikahos sa dusa?
Yugtong panibago, babago sa mapait na buhay
Sugal sa kapalaran, pambili ng matatag na gabay.
Bago pa man sarili ay ilisan
Ako ay iyong na ring hagkan
Mahina pa ang aking damdamin
Na kaya pang itaboy ng hangin.
Mahahalagang salita na bulong mo sa akin
Hindi malilimot ang boses **** malambing.
Sa aking pagkakasala, lahat ay iyong patawarin
Magulong sanlibutan lang ang gumagambala sa'kin.
Ako na hirang mo, mapa~gabang
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 12:12 PM UTC
ikaw lamang ang nakaganito ko
sana’y pakinggan mo
mga dahilan kung bakit kita gusto
hindi ka man yung tipong lalaki na pinapangarap ko
pero ikaw yung umakit sa damdamin ko
madaling tawanan pero seryoso ang pagtingin ko
alam kong isang katoto mo lang ako
pero bakit mas higit pa dun ang nararamdaman ko
nag simula sa pang aasaran hanggang sa may nag kagusto
ilang araw akong nagmasid at nagisip kung paano
paano ako humantong sa ganito
hanggang sa sinabi ko sa isa rin nating katoto
naging tayong tatlo hanggang sa dulo
pero nag tapos din pagkatapos ng kaarawan mo
isang gabi humiling ako
sa oras na ika’y makita ko
pero yun din pala ang simula ng tukso
humakbang tayo sa isang grado
unang araw ngingitian mo ako
at dun na nag tapos ito
pero hindi ako nawalan ng pag asa
na maibabalik pa natin ang tayo
at nangyari ilang beses ito
pero malabo pa rin ang mga ito
masakit pero gumaan ito
takot akong kausapin baka ako’y mabigo
hanggang sa dulo etong relasyon ay naging malabo
at humantong na naman ulit sa panibago
eto yung dati ko pang hinihiling sayo
at hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwala sa sarili ko
nananaginip na ba ako?
kasi dati hiniling ko lang ito
pero ngayon nag kakatotoo
sana ay hindi na maputol ang kasiyahang ito
at sana’y mag patuloy tuloy ito
salamat at ikaw ay naging insipirasyon ko
salamat dahil kung hindi dahil sayo
hindi mangyayari sa akin ito
ang insipirasyon ko
salamat at dumating ka sa buhay ko
May 13, 2019
May 13, 2019 at 7:47 PM UTC
Isa kang manunula na karapat-dapat
magmahal at maging masaya.
Isa kang tula
Na may angking ganda
Na minsan ay hindi maintindihan
Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan
Minsan pinupuna ng iba
Dahil hindi sila nito pinapasaya
Hindi nila alam
Paano mahalin ang tula
Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito
Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago
Wag kang makinig sa kanila
Ikaw ang tula at manunula
Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya
Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza
Yakapin mo ang sarili **** ganda
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba
Ako’y tanging nagbabasa lamang
Nagmamahal at nagsusuporta
Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin
Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin
Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating
Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:58 AM UTC
Kailan ba ako huling nagsulat?
Matagal na ata
Kinain na rin ba ako ng sistema?
O talagang walang salita
Para maihulma ang mga katagang
“Mahal Kita.”
Ilang beses bang Ikaw ang naging paksa?
O sadyang ako na lang hanggang sa huli
Ang gagawa ng panibago?
Pahiram —
Pahiram ako ng salita
Pahiram ako ng MGA salita
Pahiram —
Ayoko na lang manghiram
Pagkat ang pag-ibig
Ay di pwedeng pahiram.
Mar 11, 2018
Mar 11, 2018 at 9:06 AM UTC
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maaamoy ang pabangong paborito ko
Sa tuwing hahalo ang amoy ng sigarilyo sa kamay
Sa tuwing sisimoy ang hangin papunta sa kanya,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maririnig ang dating awitin
Sa tuwing tatama ang mga lirikong dating para sa akin
Sa tuwing ang kanyang mundo ay napapaloob sa isang kanta,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing dadapo ang inspirasyon
Sa tuwing hahanapin ng kamay niya ang isang lapis
Sa tuwing lilikha ng isang larawang iguguhit sa malinis na papel,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing pipikit ang mga mata
Sa tuwing kadiliman na lamang ang nakikita
Sa tuwing lilipad ang isipan
Bago makatulog ng tuluyan,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing mumulat ang kanyang mata sa bukang liwayway
Sa tuwing ang isipan ay pumupungas pa pagkatapos ng panaginip
Sa tuwing babangon siya sa panibagong araw
Sa panibago na namang umaga na ang kami ay wala na,
Naaalala kaya niya ako?
Kasi ako, oo.
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 10:51 PM UTC
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.
Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos
Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.
Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:58 PM UTC
Ang oras ay tumatakbo,
Ito ba'y hinahabol mo?
Baka iba yung direksyon mo?
Ikaw ba'y nakakasigurado?
Baka malingat ka?
Ika'y napang-iwanan na pala,
Baka di mo mamalayan,
Ikay matagal na palang iniwan.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba?
Baka masayang mo lang oras mo,
At mapangiwanan ulit ng panahong panibago.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Naisipan mo bang muling mag-umpisa?
Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago?
Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago?
Huli na ba para sa panibagong pagkakataon?
Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon,
Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba,
Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:25 PM UTC
hindi ko rin alam kung kailan ko ba ito matutuldukan
dahil sa totoo lang natatakot ako na baka ito maging tutuldok-tutuldok
o baka madagdagan pa ng napakaraming tandang pananong
at akalain ko na tapos na ang lahat ngunit masusundan pa pala ng kuwit
o ng panibago pa ulit na tudlok-kuwit
aaminin ko na hanggang ngayon naman umaasa pa rin ako
na baka sakaling magamit mo rin saakin ang panipi
sa tuwing may ikukwento ka, na baka tungkol na saating dalawa
na kahit man lang sa pamamagitan ng panaklong
maranasan ko ang mayakap mo kahit papaano sa storya mo
na maidugtong man lang ng gitling ang pangalan mo sa pangalan ko
o kahit siguro malagyan lang ng kudlit ang pangalan ko
na para bang inaangkin mo ako
na dumating sa punto na magamit mo ang tandang padamdam
pero alam kong hanggang dito nalang dapat
na kahit kailan hindi ito magkaroroon ng tutuldok
upang maipaliwanag kung bakit hindi
o kahit sagot kung paano ito matatapos
na hindi ito ganoon kadali tulad ng pag-ubos ko sa mga bantas
sa pag-ubos ko sa nararamdaman kong ito
upang matapos ang piyesa na ito
tulad ng pagtapos ko sa naiisip kong 'to.
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:35 PM UTC
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya?
hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala.
tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin
ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata.
napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa.
sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa.
sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising
at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin.
ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok.
ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos.
Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . .
na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong.
ang mga oras at panahon ay tila naging saglit,
ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit
na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok"
pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok
marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa,
alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana.
inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa
--at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala.
kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko.
'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo.
hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo
at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 9:38 AM UTC
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan
Mula sa bagyong dito ay dumaan
Kapani-panibago ang tanawin saanman –
Ang bundok sa silangan at sa kanluran
Maging ang natatangi naming simbahan
At iba pang malalayong kabahayan
Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan
Sapagkat mga puno ay kinalbo niya
Marami rin dito kanyang pinatumba
Mga poste ng kuryente ay kasama
Mga palayan ay naging dagat na
Ilog ay halos umapaw sa kalsada
Kahit malalaking bahay ay giniba
Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!
-11/09/2013
(Dumarao)
*due to super typhoon Yolanda that hit our town
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:53 PM UTC
Ganyan ako nang lumapit sayo
Umasa akong pupunan mo ng tinta ang bawat espasyong nakikita mo,
Ngunit mahal,
Masyado palang madiin ang pagkakasulat mo
Nabutas ako't nasugatan,
Ngunit hindi mo Ininda ang bawat pagtangis ko,
Hindi mo ininda ang bawat parteng nilukot mo sa aking katawan, habang mahigpit **** hinahawakan ang mismong "Ako"
At ng magsawa ka na sa pagsira mo
Kumuha ka ng panibago ngunit hindi katulad ng saakin ang ganda nang pagkakasulat mo sa bagong papel na hawak mo
At alam mo ba yung mas masakit?
Yung katotohanang pinalitan mo ang salitang "AKO" para lamang sa panandaliang "KAYO"
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 12:59 PM UTC
Patapos na ang taon!!
Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito.
Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ―
Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan;
Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto.
Nasabi mo na din to dati!!
Magbabago na ako!!
Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄
Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan;
Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang.
Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa.
Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin.
Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina.
Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos.
Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 7:18 PM UTC
animo'y bulak ang pagdampi
'sing lambot ng kumot sa gabi
sa likod ng mga labi'y nagkukubli
magkasingkahulugan na ba ang iyong luha at ngiti?
nalilito ang aking mga mata
bakit nananatiling blangko ang mga pahina?
hindi ba't ang bawat pagtatapos
ay panibago ring simula?
May 8, 2020
May 8, 2020 at 9:28 PM UTC