Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ganyan ako nang lumapit sayo Umasa akong pupunan mo ng tinta ang bawat espasyong nakikita mo, Ngunit mahal, Masyado palang madiin ang pagkakasulat mo Nabutas ako't nasugatan, Ngunit hindi mo Ininda ang bawat pagtangis ko, Hindi mo ininda ang bawat parteng nilukot mo sa aking katawan, habang mahigpit **** hinahawakan ang mismong "Ako" At ng magsawa ka na sa pagsira mo Kumuha ka ng panibago ngunit hindi katulad ng saakin ang ganda nang pagkakasulat mo sa bagong papel na hawak mo At alam mo ba yung mas masakit? Yung katotohanang pinalitan mo ang salitang "AKO" para lamang sa panandaliang "KAYO"
0
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 12:59 PM UTC
Blankong Papel (Blank Page)

Takas
Written by
21/Manila, Philippines
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 12:59 PM UTC
Request permission to use this poem