Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
George Andres Jun 2017
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama.

sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko.

nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin.  ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang.

ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan
sa noo.
ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil
takot ako.
lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan.

ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya.
hindi na ako bata.
tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
121816
Xeril Zapanta Sep 2019
Mama wag mo’kong iwan
Gusto ko pang makita ang totoong mundo
At malaman ang katotohanan.

Mama wag mo’kong bitawan
Ang lahat ng ito ay hindi ko kasalanan.

Mama pahinging buhay
Gusto pa kita makita at mahaling tunay
Kalimutan mo na ang sakit at galit

Mama ako’y iyong mahalin
Gusto ko pong maranasan
Ang totoong pagmamahal.

Kaya pakiusap ako’y iyong palabasin
Hayaan mo’ko alagaan kita
At makasama habang buhay.

Pero kung hiling ko ay di kayang tuparin
Sana isipin mo munaang desisyon mo bago ito gawin
At sana isipin mo rin ang akong kinabukasan.

— The End —