Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
theivanger Jun 2019
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin

Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin

Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot

Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha

Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.

Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan

Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa

Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam

Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan

Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.
kingjay Feb 2019
Ang iniwan,
niloko ng liyag
kimkim ang galit sa kaibuturan
ay di madaling mapa-ibig

Ang masaya na pakisamahan
nakalulugod na kaibigan
ay di makapagsalita
sa harap ng hirang

Sa hindi natuto pang umibig
ay parang sanggol na
madaling umiyak,
kailangan akayin

Pagkat ito'y hindi maipipilit
tulad ng pag-awit ng mga pipit

Dalawampung araw na singkad
sa yaong buwan ay ang kaarawan
na di sa taong bisiesto

Kapag may dugong malabnaw at malinaw
ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat

Oras na ipagdiwang
ng mga buo at biyak
Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
JulYa04 Aug 2018
Mali ba ako?
Ang salitang palaging gumugulo sa isip ko.
Ang katagang paulit ulit namumutawi sa akin kahit hindi manggaling sa bibig ko

Mali ba ako?
Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko?
Pagkakamali ba lahat ng nagawa at naging desisyon ko
Mali nga ba ang mga bagay na sinabi at pinadama ko sa isang tao

Mali ba ako?
Mali nga ba sabhin ang laman ng puso at isipan ko
Dapat nga bang di ko na inamin ang totoong nararamdaman ko
Dapat bang iniwasan ko na ang mahulog at pahalagahan siya sa maikling panahon
Dapat bang hindi na ako ngtiwala at umasa na mamahalin at papahalagahan din ako

Mali ba ako?
Mali ba na magalit ako sa mga salitang binitawan mo
Na ang maikling panahon na kasama ako ay ako lamang ang may gusto
Na napilitan ka lang pakisamahan ako
Na ang pilit **** ipinadama sa akin ay pawanag kasinungalingan lahat


Mali nga ba?
Mali naman tlgang nakilala kita ang pilit kong sinasabi sa sarili ko
Na tayo ay hindi pwede at ng panahon na yun ay kailangan mo lng ako
Na ngayon maayos kana at basta mo nalang ako iniwan sa isang tabi.

Mali lahat ng bagay na naramdaman na pilit tinatanong ang madaming bakit sa sarili ko
Na bakit ikaw pa ang pinili ng puso na mahalin
Kaya ngayon kay hirap mabuo ang sarili ko na pilit na sinira ng taong binigyan ko ng importansya

Mali talaga. I admit it. Its my mistake to assume things are meant and we have the same feelings as what couple usually do. It’s my mistake to fall for you when all you want is just a friend who will understand everything and will remove all the sadness your feeling right now.
#mistake

— The End —