Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakakasalan" poems
Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 6:43 AM UTC
Walang Hanggan
43 Mula sa hanay Ng sa mga pagsubok nagtagumpay 44 Pinili ang nangunguna Sa palakasan, pabilisan at pangingisda 45 Bilang prinsipe ng bayan Prinsesa’y pakakasalan 46 Si Agus wala nang iba Ang hinirang na prinsipe ng bayan nila 47 Ngunit hindi ito natanggap Ng pumangalawang humagilap 48 Sa parehong pangarap na matayog Na sa sikmura’y bubusog 49 Anong pait sa pumangalawa Ang ‘di mapanalunan ang prinsesa. -06/25/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 10:02 PM UTC
Daragus 7 -Panibugho ng Talunan-
71 Sa gabi ng kapalaluhan Mga salarin isinilid sa kulungan 72 Pinahirapan at inusisa Kung bakit nila iyon ginawa 73 Ang sabi ng dalawa Napag-utusan lamang sila 74 Ang utak kanilang ikinumpisal Iyon ay ang talunang karibal 75 Sa katatapos na paligsahan Para sa prinsesang pakakasalan 76 Pagkaraan ng tatlong araw Mundo ng mga salarin nagunaw 77 Sila’y pinugutan ng ulo Mga kaanak nanlumo. -06/27/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:44 PM UTC
Daragus 11 -Kaparusahan sa Pangahas-
29 Oh anong hinagpis ng pinili Pinaslang lahat ng kasamang lalaki 30 Sa mga diyus-diyosan inialay Sa karagatan inihimlay 31 At nang si Tarok nalang ang natira Isang responsibilidad iniatas ng reyna 32 Na siyang pakakasalan At marapat anakan 33 Sa loob man ay masakit Reyna sa kanya’y ipipilit 36 Pagsapit ng ikatlong pagbilog ng buwan Idaraos na ang ritwal ng kasalan 37 Walang magawa itong si Tarok Na pag-angal sa mga babaeng mapusok. -07/24/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:04 PM UTC
Tumatarok 5 -Nakatakdang Kasalan-