"pagsisikap" poems
Mahal
Salamat, salamat sa mga araw
na nakasama kita
Salamat sa mga araw
na naramdaman kong ako'y mahalaga
Salamat sa mga araw
na ako'y iyong napasaya
Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon
na makilala ka
Mahal
Alam kong hindi ako,
yung taong makapag-wawasto sa'yo.
Alam kong hindi sapat,
ang mga bagay na nagawa ko
Alam kong kailanman,
hindi magkakaroon ng tayo
Alam kong mali ako,
masyado akong umasa sa mga salita mo
Mahal
Patawad kung umabot na sa
puntong napagod na 'ko
Patawad kung hindi ko na tinuloy
ang paglaban at bumitaw na 'ko
Patawad kung masyado akong
naging mapaghangad sa pagmamahal mo.
Patawad kung ika'y laging
mali sa paningin ko.
Mahal
Sana lagi **** tatandaan,
kung paano kita minahal.
Sana lagi **** ingatan ang
'yong sarili, san man magpunta
Sana sa mga panahong wala ako,
ika'y maliwanagan na.
Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo,
iyong pahalagahan na.
Mahal
Huwag kang mag-alala,
kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama
Lagi ko parin ipagdarasal
na sana ika'y maging masaya.
Hindi ka pa man humihingi ng patawad,
napatawad na kita
Sa lahat ng aking pagsisikap
na iyong binalewala.
Mahal
Wala akong ibang hihilingin
sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan
Wala akong ibang hahangarin
kundi ika'y matauhan na
Mahal na mahal kita,
higit pa sa sobra.
Mahal na mahal kita,
pero siguro tama na.
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 7:07 AM UTC
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.
Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.
Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.
Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.
Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.
At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.
Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.
Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.
Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.
Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.
Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.
Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.
Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.
Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.
At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.
Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?
At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.
At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.
©Raffy Love Canoy |March 2020|
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Pinas na minamahal
Lugar na aking sinilangan
Bansang kayraming yaman
Ngunit buhay ang kapalit
Nang sumigaw upang marinig
Pagkat nanlaban kaya dugo ang kapalit
Laban nga ba sa droga o laban sa bayan?
Ang tanging tanong na binabatid
Ang tanong na di mawala sa isip.
Ang yaman ng bayan naglalahong parang bula
Sa bulsa ng pamahalaan makikita
Bilihin na nagmamahal
Sa bibig na lang ng presidente ang mura
Sa atin pa ba ang bayan?
O kabilang na sa mga estado ng tsina at amerika
Mga kababayan na lumuluwas sa bayan
Makamit lamang ang kaginhawaan
Dugo, pawis at buhay ang naging kapalit
Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
Pagkat sila’y sa selda makikita imbis na sa paaralan
Sambit nila’y kulang daw sa disiplina at pagsisikap
Habang sila’y nagbubulag bulagan at nag-bibingi-bingibingian
Ano na nga ba ang katotohanan?
Saan na nga ba nakabase ang tama at mali?
Susunod ba sa pamahalaan o sumigaw para sa ating kinabukasan?
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:17 AM UTC
Palagi kitang pinag-mamasdan sa bawat araw dna dumaraan,
lahat ng kaya kong gawin upang iyo'ng bigyang pansin aking ginawa
ngunit kahit anong pagsisikap ang aking gawin, nasa iba pa rin ang iyong mga mata
bakit ba ang hirap kunin ng iyong pansin, di ko naman hinihinging maging tayo
gusto ko lang sana'y magi kitang kaibigan
kase alam ko'ng wala kang maibibigay sa aking pagkakataong maging tayo
ika'y prinsesa at ako'y dukha
sabi pa nga nila'y nangangamo'y akong sukha
ikaw nama'y amoy rosas kahit na ika'y pagpawisan
nung una kitang nakita, sa isang tingin mo lang, nabihag mo na ang aking puso
sana'y bigyan mo akong pagkakataon na maipakita sayo na di ako isang halimaw
alam ko naman ikaw ay isang prinsesa na nakatira sa isang kastilyo na tad tad ng diamante,
at pinag kakaguluhan ng mga prinsipeng maskulado at handang ibigay ang mga luho at kayamanang gugustuhin ng kahit sinong babae,
ang maibibigay ko lang sayo ay ang aking buong pusong pagmamahal at katapatan na mamahalin kita hanggang sa katapusan ng ating mga araw.
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:10 AM UTC
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko.
tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda.
pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin.
naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako.
nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin.
namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko.
nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda.
ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid.
malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala.
alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko.
kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay.
hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right
si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:48 AM UTC
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay.
Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan.
Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw.
Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi.
Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim.
Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan.
Inakala **** madali.
Hindi pala.
Kailangan **** suungin ang init.
Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan.
Inakala mng magaan.
Hindi pala.
Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa.
Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na.
Nagawa mo pa ring makaalpas.
Ilang beses ka na ba dapat na sumuko?
Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo?
Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo?
Kaya mo pa ba?
Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan.
Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige.
Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi.
Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan.
Isipin mo sila!
Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila.
Ikaw ang kanilang tinitingala.
Magpatuloy ka sa pagngiti.
Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating.
Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila.
Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan.
Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan.
Balang araw ay magtatagumpay ka!
Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba.
Pagsisikap.
Pagtitiis.
Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila.
Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa.
Magtiwala ka!
Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap.
Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap.
Alam naming kaya mo!
Sa iyo uusbong ang mga batikan.
Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat.
Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino.
Alam naming kaya mo!
Magtiwala ka sa kakayahan mo.
Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito.
Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento.
Nasa iyo ang aming papuri.
Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal.
Ang laban mo ay laban naming lahat.
Kayanin mo.
Kakayanin mo!
Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga.
#IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:31 AM UTC
Marahil ikaw ang mabisang gamot
Na laging naka ngiti at ang noo'y naka kunot
Sana'y lagi kang ganyan at hindi malungkot
At sa dibdib ay wag magtanim ng anumang poot
Pagkat bakas sa iyong mata ang kalungkutan
Na tila dulot ng nakaraang paglisan
Ako'y nagagalak dahil sa iyong katapangan
Na para bang kaya **** harapin ang kinabukasan
"Galingan mo pang lalo" yan aking sambit
Dahil alam kong pangarap mo'y malapit mo ng makamit
Pag aaral ng ukol sa ngipin ay hindi madali
Pero pag-papangiti mo sa ibang tao'y talagang wagi
Para sa ilang araw na walang tulog
Para sa isip **** determinado't may pagsisikap
Kapit lang.
Dahil balang araw ikaw'y makaka ahon
Sa lula ng pasan **** panahon
Nais kong malaman mo'y ako'y galak
Sa ugali **** taglay at sa mga tawa **** walang humpay
Asahan **** sa iyong paglalakbay na lagi akong naka gabay
At unang ngingiti sa iyong tagumpay
At para sa puso **** marupok na minsan ng nauntog
Nawa'y mahanap na nya ang sariling tuldok
Dahil ang nais ko lang naman ipabatid
Ay kung gaano kasarap mahalin at magmahal ng solid
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:12 AM UTC
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.
Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.
Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.
Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.
Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.
Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Mahal kong Margaret,
Patawad
(Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa
Hanggang ngayon di pa maunawa
Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa
Nasaktan ko ng di sinasadya)
Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari,
Away bati sa mga bagay na kahit na simple.
Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili,
Nagseselos ako bawat sinong makatabi.
Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw.
Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw
Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw
Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw
Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula
Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra
May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala
Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan ko sa letra.
Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig
Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig
Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig
Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig
Alam mo namang lahat ay aking gagawin,
Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin,
Sa panong paraan ba ako patatawarin?
para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN.
*ps. hintayin kita duun lagi 。
1-4pm kada meirkules
Makatang humihingi ng tawad,
August E. Estrellado
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:33 AM UTC
PWEDING MALA SUTLA O MAGASPANG NA TELA,
GANYAN ANG MGA ALA-ALA,
MINSAN MALALA MINSAN NAWAWALA.
MGA PAGTITIWALA AT PANINIWALA,
LAHAT AY DAPAT NA MASALA,
GANITO HINAHABI ANG HIBLA NG MGA ALA-ALA,
PARA MERON KANG MAPALA.
NAGBABAG ANG DALAWANG KUMAG,
MGA KUTONG LUPA NA PURO HAMPAS LUPA.
HAMBUGAN ANG DAHILAN NG UMBAGAN,
PAREHONG DUGUAN MATAPOS ANG BUGBUGAN,
ITO ANG HIBLA NG KABATAAN.
SA ESKUWELA KAILANGAN MO RIN MAGING MAKUWELA,
KUNG AYAW **** MAGMUKHANG GUMAMELA.
HINDI LAHAT NG MATALINO AY PINO,
MERON DIN MAASIM NA PARANG PIPINO,
AT HINDI PORKE BOBO AY PARA NG LOBO,
GANITO ANG BUHAY ESTUDYANTE.
UMIIBIG HABANG UMIIGIB?
PWEDE NAMAN SABAY,
DEPENDE SA ARTE,
KAILANGAN LANG NG DISKARTE.
WALA PANG INTERNET SA TINDAHAN NI ALING NANNETH,
WALANG CELLPHONE PERO MAY MEGAPHONE,
PWEDE **** ISIGAW NA MAHAL MO S’YA.
KUNG MALUPIT KA EDI LUMAPIT KA,
KUNG TORPE KA EDI SUMULAT KA.
GANITO ANG LABANAN NOONG WALA PANG FB AT CP,
HIBLA NG KASIBULAN.
GRADUATE NA,
KAYA TRABAHO NA,
APLAY DITO APLAY DOON,
WALANG HUMPAY ANG PAGSISIKAP.
HAPAY-KAWAYAN,
KAHIT SAAN SUMASAMPAY.
HIBLA NG BUHAY EMPLEYADO.
TILA ITLOG NA ESTRALYADO NANG MAGING PAMILYADO.
PAKIRAMDAM KO BUO NA AKO,
SINTAMIS NG KAHEL ANG DULOT NG DALAWANG ANGHEL,
ITO HIBLA NG KASALUKUYAN.
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:57 AM UTC
Ito na ang aking huling awitin,
Awiting sa iyo'y kakantahin,
Sa tono ng mga alaalang kinalimutan,
Kandirit ng mga luhang pinakawalan,
Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa,
Sa araw araw na ako'y naghahanda,
Sa bawat gabing aking inaalay,
Sa bawat umagang ika'y hinihintay,
Pasan ko sa bawat yapak,
Ilang galon ng alak na nilaklak,
Upang limutin ang ligaya't galak,
Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak,
Na kahit saan pumunta'y di na mahanap,
Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap,
Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap,
Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap...
Sa ganda ba naman ng ating simula,
Sino ba naman ang mag aakala?
Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita,
Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula?
Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala:
Saya,
Lungkot,
Ligaya...
Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot,
Pagdududa,
T4ng*, di na dapat pa akong sumagot!
Nag-kaaway--
Upang magkabati lahat inialay,
Ngunit muli nanamang nagpasaway,
Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay...
...
Kamusta ka na?
Pasensya kung nasaktan kita,
Patawad sa mga galos at pasa,
Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka,
Sana marinig mo huli kong mga nota,
Kahit sintonado kong kinakanta--
Kung maglaho na ako, babalik ka ba?
Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita?
Di ko naman sinasadya...
Na ika'y bigla na lang mawala.
Tulad mo rin ba akong nababalisa?
Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
121622
Mga pangarap ay nasa alapaap pa,
Susungkitin gamit ang pagsisikap
Pag-asa at pananampalataya.
Minsan, hinahanap ko pa rin ang sarili —
Habang sa mga mata ng iba'y
Doon pa rin pala ako nananalamin.
At baka sa paligid ay naroon ang ligaya
Kahit alam ko namang
Isa lamang itong patibong.
May mga katauhang nagpapaalala saking
Gusto ko ring marating kung nasaan man sila.
O makihati man lang sa mga bituing
Nasa kamay na nila ngayon
Habang ako’y naghihintay pa rin
Sa sarili kong panahon.
Binabalot ng dilim ang aking puso
Bagamat ako’y lumalantad sa liwanag.
Naghihikahos at nangugusap
Ang damdaming namahay na sa parang.
Nakakapagod palang mangarap
Na tila ba ako’y pinaglipasan na ng panahon.
Tila ba wala nang tala para sa’kin.
Akala mo ‘yun na,
Kaya ibibigay mo ang lahat
Ngunit uuwi ka pa ring luhaan
Pagkat paulit-ulit ka na ring nasaktan.
Saan na nga ba ibabaling ang tingin?
Kung ang lahat ng pinto ay kusang sumasara…
Kung ang lahat ng balik ay pait at hagupit…
Kanino na nga ba magtitiwala pa?
Sa sarili ba o sa kanila?
Sa kabila ng bigat ng aking mundo'y
Nariyan pa rin ang Liwanag
Ni hindi Sya natitinag
Kahit ako mismo ang mang-iwan…
At kung ang Liwanay ay walang kapaguran,
Ay baka 'yun na rin ang dahilan
Kung bakit mas nararapat ko pa ring piliin
Ang pag-usad kahit pa nasasaktan.
At baka sa dulo ng Liwanag,
Ay naroon ang gantimpala
Na kahit ang mundong ito'y
Hindi makapagbibigay.
Dec 5, 2022
Dec 5, 2022 at 9:11 PM UTC
Para sa bansa, sila ay naghihirap
Upang makamit ang bunga ng pagsisikap
At para na rin sa kani-kaniyang pangarap
Ating tularan at bigyang ng lingap.
Manlalaro ng bayan na dapat tularan
Bigyan ng pansin at dapat tulungan
Nagsisikap ng lubusan at nahihirapan
Ating tularan at ating parangalan.
Huwag kalilimutan at ating tandaan
Mga atleta ng baya na naghihirap nang lubusan
Dapat tangkilikin at ating tularan
Nang pagdating ng panahon tayo ay pumalit
Sa mga manlalaro ng bayan.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:39 AM UTC
Lugod akong nagtitiwala
Sa bawat yapak mo prinsesa
Wari mo'y ulap sa iyo'y nakayakap
Para sa pighati **** naranasan sa bawat pagsisikap
Halik na tila'y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Sa pisngi mo'y dadampi na walang kapantay
Pasakit ma'y puno sa nakaraa't kinabukasan
Ako sayo'y kailanman di lilisan
Umagang darating ma'y puno ng tagdilim
Kalangitan ma'y maging kulimlim
Sana'y wag na wag kang bibitiw
Pagka't bawat pighati'y lilipas aking giliw
Aking kama'y naririto
Kung kailangan ma'y sambitin mo
Dumaan ang panahon
Sa anumang pagkakataon
Sa isang tula ako'y nanalangin
Dasal kong ito'y sana'y dinggin
Sa iyo'y ipagkaloob nawa ng maykapal
Kay gandang paraisong puno ng pagmamahal
Jul 31, 2022
Jul 31, 2022 at 7:19 PM UTC
"Distansya"
Alam mo ba kung ano ang pinakamalayong Distansya sa dalawang taong magkasintahan,Partner,mag Asawa O ninyong Dalawa?
Hindi ang lawak ng karagatan,
Hindi rin ang tayog ng himpapawid sa kalangitan,
Hindi rin ang nadistino ka sa ibang lugar
at lalong hindi rin ang pagitan ng bansang pinuntahan para maghanap buhay.
Kundi ang Distansya sa pagitan nyong dalawa.
Yung tipong Kasama mo sya,nahahawakan mo pa at kinakausap mo ng harap harapan,
Pero hindi ka nya naririnig.
Parang wala ka lang sa paligid nya.
Hindi nya nakikita ang Prisensya at pagmamahal mo kahit magkadikit lang naman Kayo.
Kahit anong gawin **** pagsisikap para maging mag kaugnay kayo,
Kung yung taong pinag-aalayan mo ng pagmamahal mo ay d na nakikita o hindi na napapansin ang halaga mo.
Baka naman kasi,abala na sya sa mga bagay na malayo at wala sa tabi nya.
At prisensya na ng iba ang hanap nya.
Ikaw,anong Distansya ang meron sa inyong dalawa?
May 3, 2024
May 3, 2024 at 4:57 AM UTC
Sa unti-unting paglaho ng pangarap… Kasabay ang pagguho ng pagsisikap… At sa bawat paghusga na tinatanggap… Ang hapdi ng katotohanan ay ganap.
Ang ngiti at kasiyahang nagpapanggap… Katulad ng pag-asa sa hinaharap… Ang sagot ay patuloy na hinahanap… Sa nawawalang pag-ibig at paglingap.
Ano ang kabuluhan ng paghihirap… Kung wala ang bituin na kumikislap… At kahit anong gawin na pakiusap… Sa pagmamahal ay lamig ang kayakap.
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:00 PM UTC