Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Shem Nov 2018
Lumaki ako na sanay sa mga larong pambata,
Yung mga tipo ng laro na kapag nalalaro ko ay sobra akong sumasaya,
Yung mga tagu-taguan,  habol-habulan,  agawan base at marami pang iba.
pero habang tumatagal,  hindi na ako nagiging masaya pa.

Ang dating saya ay napalitan ng sakit.
Ang dating mga ngiting kay tamis ay napalitan ng mga ngiting kay pait.
Ang dating mga tawa sa mukha ay napalitan ng simangot,
Ang dating mala anghel na boses ay nabahiran ng galit at poot.

Nagsimula lahat yan nung minahal kita,
Simula nung minahal kita,  sineryoso ko lahat.
Pero ikaw ginawa mo lang laro lahat ng yon.
Teka lang ah, pero ang pagmamahal kasi hindi isang laro.

Hindi isang laro na parang habol-habulan,
Na kung san sa simula nag eenjoy ka pa,
Pero pag pagod ka na sasabihin mo "taympers muna"
Pero yung taympers na yon, mauuwi sa "pagod na ko,  ayoko na"

At hindi rin ito parang isang agawan base,
na kung saan onting layo mo lang sakin,  may iba nang susungkit sayo,
O kaya,  yung kahit anong higpit ng hawak ko sayo,
Ikaw yung kusang nagpapahatak mapunta lang sa kabilang grupo.

Hindi rin ito parang isang tagu-taguan,
Na pagkabilang kong tatlo,  nakatago ka na. Nakatago ka na, at may kasamang iba.
Isa,  dalawa,  tatlo, anjan ka lang pala sa likod ko, hawak ang kamay niya
Para lang sabihin na, "salamat sa lahat,  pero pasensya na may mahal akong iba"

Mas lalong hindi toh isang pantintero,
Na sa kabila ng lahat ng paghihirap ko para mapasakin ka,
May nag iintay na pala sayo sa kabilang banda.
Edi bale wala din yung pinaghirapan ko.

Siguro, para sayo,  isa itong langit lupa.
Saksak puso tuluan dugo,
wala kang pakialam kung gano mo nasaktan yung puso ko,
Basta sabi mo, "pwede umalis ka na sa pwesto mo sa puso ko, kasi may pumalit na sayo"

Yung pagmamahal ginawa **** laro,
Ako yung naging lata sa tumbang preso,   na tinamaan dahil sayo,  pero hindi mo man lang tinayo.
Ako yung tipong nilaktawan mo sa luksong baka, para lang makapunta sa iba.
Wala eh,  yung pagmamahal ko sayo,  ginawa mo lang lahat na isang biro at laro.
Pero kahit papano hinihiling ko na sana isang mobile game nalang ako,
Para naman kahit papano,  mahalin at seryosohin mo rin ako.
Gael loyao May 2020
isa
isa kang alamat sa pagkanta
parte ka na ng aking kultura

dalawa
dalawang taon na
mahal pa din kita

tatlo
Minahal kita ng buo
Minahal mo nga ba ako

apat
akoy naging tapat
ngunit di naging sapat

lima
panglimang talata
nasa isip pa din kita

anim
mundo ko'y dumilim
nang umalis ka sa aking piling

pito
ika'y aking sinalo
hnd pala ako ang hinihintay mo

walo
di pa ako natututo
at hnd na matututo

siyam
Matagal mo nang alam
aking nararamdaman

sampu
ako na ba ang dapat sumuko
sa labang umpisa pa lng ako na ang talo

tapos na ako magbilang hanggang sampu
natatakot pa din ako

ikaw ang mundong hnd naging akin
at hnd na magiging akin.
Ms Oloc May 2020
Tagutaguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo
Kakalimutan na kita.

Isa, dalawa...
Pero teka lang
Pagkabigkas ko ng isang numero
Yung masasayang alala hanggang litrato nalang ba

Pagkabigkas ko ng pangalawa
Siguro tama na, ang sakit sakit na.
Pagkabigkas ko ng pangatlo sapagkat...
Teka lang wala pala akong numerong sinabing tatlo

Uulitin ko ang pagbibilang
Dahan dahan ipipikit ang aking mga mata
At kakalimutan kana
Sasandal sa pader para di na lalong mahulog pa

Paano kita mahahanap aking mahal
Kumay nahanap kana palang iba
Paano kita matatagpuan
Kung may natagpuan ka ng iba

Anong silbi ng pagbibilang ko
Kung sa panaginip ika’ Namamasid
Hindi na kita iniisip
Sapagkat ikaw ang hinahanap ng kaluluwa ko sa aking panaginip

Eto na itutuloy kona ang pagbibilang
Mahal
Isa, dalawa...
Nabigo nanaman ako

Kahit ituloy ko ang pagbibilang
Kahit umabot ako ng bukas
Kahit umabot ako sa kamatayan
Kahit umabot ako sa kinabukasan

Hindi parin pala kita
Kayang kalimutan
Hayaan mo  darating din ang panahon
Na makakalimutan din kita

Sa mga binitawan na pangako
Bat parang ako nalang
Yung kumakapit dito
Asan kana?

— The End —