Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paghawak" poems
Ilang oras na akong nagsusulat Ilang tinta at papel na ang nasayang Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya Ano pa ba ang dapat gawin? Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo? Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin Hindi ko alam kung ano at paano Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan? Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit? Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na Wala ng dahilan para magpatuloy Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon Hayaan ang sariling humilom Hindi ko alam kung gaano katagal Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
0
Dec 24, 2016
Dec 24, 2016 at 8:51 AM UTC
26

Continue reading...
26
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat At sa sandaling panahon na mata'y idinilat Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat At mga katiwaliang di man lang maisiwalat At kaya nga nabuo ang una kong tula, Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha sa kahabaan tila ba naging dula, Dalawampu't limang berso:pawang may tugma Hindi ko alam kung bakit at paano Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon, Biglang gumagana itong imahinasyon Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy, Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga Tunay na nagmumula sa puso ng makata
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 2:14 AM UTC
Makata ng Makabagong Henerasyon
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan, tinutukan ng baril, tinakot bago pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit sa gatilyo. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay isang pamilya ang ninakawan ng kaaway. Anong motibo mo sa pagpatay? Anong gusto mo bakit ka pumapatay? Nasa posisyon ka pero bakit mali ang paggamit mo sa kapangyarihan mo? Ikaw ang naaangat pero bakit ikaw pa tong namiminsala sa bansa mo? Nasa mas mataas kang upuan at kalagayan pero bakit tingala ka pa rin ng tingala? Halatadong di mo pinapansin, ay mali, halatadong wala kang pake sa mga taong nahihirapan sa baba. Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Ilang pamilya na ba ang nabawasan mo ng bilang? Ilang sanggol na ba ang hindi naisilang ng tama dahil sayo? At ilang pangarap na ba nagnawala kasama ng nangangarap nito? Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa bansa ng pilipinas? Matagal na tayong nahihintay ng kapayapaan pero kasabay rin nito ang paghawak ng baril sa kanang kamay. Pakiramdam ko ang kalayaang mamili ay nawala na sa kamay nating lahat Dahil mismong kagustuhang mabuhay di natin makuha. Wag nang hintayin na bumaliktad pa ang bandila ng Pilipinas Bangon Kabataan Gising Kababayan itigil na ang patayan paki-usap subukan naman nating magmahalan.
0
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 11:30 AM UTC
Pasadyang pagpatay
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
Baka sakali lang naman na alam ko ang tinutukoy mo Nag-iba bigla ang sinasabi ng mga mata mo Noong sinabi **** _'alam mo na yon'_ Pasensya dahil hindi ko kayang kumonekta ng ganon kabilis Natatakot pa akong magtanggal ng damit Natatakot pa akong ipakita ang tunay na ako Patawarin mo ang kahangalan ko Siguro hanggang paghaplos Hanggang pagkapit mo sa mga braso ko At ang manaka-nakang paghawak mo sa mga pulso at kamay ko Paghawak mo sa ulo ko at sabay ang paghaplos sa buhok ko, At ang pagkawala ng mga 'to Dahil madalas na ang pag-iwas mo sa mga mata ko. _Pero saglit,_ May tradisyon pa tayong gaganapin Magkasamang haharapin ang sakit _Saglit_ Sana maabutan pa natin ang buwan na mahahaluan ng mga ngiti At pagsambit ng mga lihim Sana interesado ka pa dahil ganon kabilis nagbago ang isip Walang wala sa bilis ng paglakad mo sa susunod na destinsyon Bakit ganon kabilis? Kaya saglit, Ngayon lang ako magpapahintay kaya sana 'wag ka munang mainip.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 11:38 PM UTC
Saglit
Hindi ako naghintay nang pagkahaba-habang panahon upang sa huli ay wala akong ibang gawin kundi ang maghintay muli hindi ako narito upang tumambay lang nang sandali dahil sa una pa lang ay balak ko nang manatili hindi ako umibig upang maging masaya kung ang pagmamahal sayo ay pagsaksak sa aking sarili, walang bahala kong itututok ang kutsilyo nang dali-dali ganoon kita mamahalin Sana'y sigurado kang mananatili ang 'yong paghawak pang matagalan.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 9:47 AM UTC
Hindi.
Gusto kong pahintuin ang oras Ngunit hindi ko alam kung paano magagawa. Hihiling ba ako sa nasa itaas? Muli ba akong maniniwala sa himala? Hindi ko kayang pahintuin ang lahat Kaya mahal, Sa oras na ito Pakinggan mo ako ng husto Kakalimutan ko munang maging makata Kapalit ng muling pagdadaop palad nating dalawa. Kakalimutan ko muna ang mga bolpen at papel Kapalit ng paghawak sa mukha **** mala anghel. Mahal pabigyan mo ako sa oras na ito. Kakalimutan ko muna kung paano tumula, Kapalit ng kaligayahan at saya kahit na may iba ka na. Mahal, kakalimutan ko lahat ng matalinghagang salita Kapalit ng ilan segundo muli kang makasama. Susulitin ko ang segundong ito Hihintaying muling umikot ang relo Tapos kakalimutan na kita. Kapalit ng pagbabalik ng ngiti sa aking mata.
0
Mar 26, 2017
Mar 26, 2017 at 11:59 AM UTC
Oras
#110315 Binilang ko ang rosas na akala ko'y Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito. Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati, Pero tila nagkakamali pala ako Sa paghimay-himay ng pahiwatig. Hindi ako manhid Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik Sa paghawak sa ubod ng rosas. Pero iniinda ko ang sakit Pagkat ganoon naman talaga, Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya. Pag pinagmamasdan ko ito, Alam kong hanggang tingin lang ako. Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta, Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito. Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan Pag kasama ang mga katulad niya. Muli, hanggang titig na lang, Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero. Alam ko ring iba ang tipong klima nito, Medyo sensitibo kahit na Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa. Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya. Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan, Kahit na alam kong iiwan niya rin ako Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa. Pag kinunan ko siya ng larawan, Kaya ko siyang titigang muli, Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali. Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga, Iyan, wala na puros dahon na lamang, Maghihintay na naman sa tamang panahon Nang muli ko siyang masilayan.
0
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 6:04 AM UTC
Rosas na Alaala
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira" dug dug dug Bubuksan mo ba to o hindi? Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok! Tatlong katok muli Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa. Pagkapasok agad, Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo. Patay ang hinihinalang druglord sa kanto. Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap. Isang maling pagpatay nanaman ang naganap. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay. Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay. Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon. Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon. Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat. Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba. Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso. Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito. "Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito." Palakpak Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas? Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod. At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas. Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal. Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala. Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak. Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas? Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas. "Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?" Pinapatay sila....
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Makabagong Istilo

46
Ilan taon na din ang nakaraan Noong huli tayong nagmahalan. Mga batang sabik magmahalan Kahit ayaw ng magulang. Naaalala ko yung mga lihim natin Paghawak kamay sa silid aralan. Mga tinginan kasing tamis ng candy. Sulat na punong puno ng pagmamahalan. Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan, Ganoon din kabilis ang katapusan. Ilang taon na din ang nagdaan, Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan? Sa ating muling pagkikita, Ang mga puso'y sugatan. Takot magmahal dahil sa sugat na Iniwan ng iba. Handa na ba tayong suungin ang Pag-iibigan naudlot? Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito? Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 11:32 AM UTC
Handa
nakita mo ako noon na umiiyak may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak hinawakan mo ako noon sa balikat nakita mo sa mga mata ko wasak ang mundong kinatatayuan ko ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo Kinupkop mo ako. pinasilong sa iyong payong pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako hinagkan mo ako pinangalanang "tapat" tinanggap ko ang alok **** payong nananabik sa pagtanggap pagtanggap isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala Nananabik ako. kinilala mo ako binasa na parang librong daladala mo araw araw naging interesado sa kada buklat ng pahina Naiintindihan mo na. lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa nananabik akong matapos mo kilalanin mo ako ng buo itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot bigyan mo ako ng rason. ayan na, malapit ka na sa kabanata kung saan bumitaw sila tatlong pahina na, magtiyaga ka sana dalawang pahina na lang, huminga ng malalim isang pahina--- saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina? "magpapahinga muna", yan ang sinabi mo ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko Maghihintay ako at naghihintay pa rin ako nakatunganga ako sa labas ng kawalan hinihintay ang pagbabalik mo ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko hindi mo ba ako nakikita? hindi ka na bumalik hindi mo na sinubukang bumalik wala ka pa nga sa kadiliman ko hindi mo na kinaya ang kwento ko
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 7:46 AM UTC
Untitled
Siguro lasa kang langit E, paano ko malalaman, Papunta akong impyerno? Masarap igapang ang kamay ko, Sa malambot **** balat Masarap amuy-amuyin, Ang madulas **** buhok Masarap yakapin ng mahigpit, Ang nakakaakit **** katawan Katabi ng nagbabagang lampara, Ako’y pawisan na nagsasamantala Ikaw na umuungol sa tainga kong manhid At alam nating walang makakarinig Mabango **** damit na punit-punit, Sa matindi **** paglaban Mabango **** katawan na nagkapasa Sa mahigpit kong paghawak Mabango **** hininga na dumaraan Sa aking mismong lalamunan at baga Siguro lasa kang langit E, paano ko malalaman, Papunta akong impyerno?
0
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 5:44 AM UTC
Paano ko Malalaman?
Kinuha ako sandali upang malaman ang magagandang salita palakihin ang ulan sa aking bintana at seksing ngayon ay nasa tub ako na pinipigilan ang on-sale na Bordeaux na nagkukunwaring upang maiayos nang maayos ako ay nasa totoong iyon jazz **** minsan tumatakbo ako sa mga kalye minsan pinapatakbo nila ako ako ang katawan ng reyna ng aking hood napunan may masamang alak masamang gamot mu shu baboy sakit beats ano pa ang masasabi ko sa iyo Binubuksan ko ang aking mga naka-istilong binti Nakukuha ko ang aking swagger pabalik hayaan ang mga lalaking may gintong ngipin na yumuko sa aking mga suso at ang mga paltos sa aking mga paa ay nagiging kuryente ako Ako ay isang patch ng damo ang mga mahigpit na ugat tumawag ka sa bahay o kapatid kung nais mo Maaari kong guluhin ang iyong mga mata na gumawa ng hip-hop na mamatay muli Nasa babaeng babaeng **** ako bago ako mag-break ang leeg ng bote ay ibinuhos ko ng kaunti: Nabagsak ako
0
Dec 1, 2020
Dec 1, 2020 at 1:59 PM UTC
paghawak ng negosyo ko
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy