Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilaanan" poems
Hindi ba ko karapat dapat ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan. Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang. Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan. Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y nasasaktan. Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam. Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip. Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka. Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka. Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’. Kung hindi ng aking sarili.
0
Jul 10, 2019
Jul 10, 2019 at 7:13 AM UTC
Hustisya
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan