Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy May 2017
Sapagkat ako'y bigo,
Bigo na mailarawan ng buo,
Di ko alam kung paano,
Sa palagay ko'y di tama ang masasabi ko.

Sabihin mo mang ako'y nagbibiro,
Sa kasamaang palad, ika'y mabibigo,
Dahil wala akong balak magpatawa,
Nasa tamang katinuan, alam ang tama.

Talagang may nagbago,
At namangha ako,
Alam na kong meron nga talaga,
Ngunit bakit huli na nang aking nakita?

Ako ba noo'y nakapikit?
Di ba kita natitigan kahit saglit?
Nasa ibang mundo ba ako?
Noong mga taong nagkasama tayo.

Bakit di ko agad napansin,
Kaya ngayon, di ko akalain,
Ang paglitaw ng iyong ganda,
Ginulantang ang aking mga mata.
A weird confession
George Andres Jun 2016
Nanaginip akong hawak ang mga kamay mo
Nagising akong hawak ang akin lang pala
Natitigan ko ang mga mata mo
Nangungusap, sana kilala mo rin ako

Nawala na ang kaba kung ika'y nababasa
Pero ikaw ay iniisip parin sinta
Isang araw sana kita'y makita
Nang di na malito, nararamdama'y makumpirma
62716
shy soriano Feb 2019
Salamat dahil hindi moko hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya
Hindi moko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang.
Sa matatamis na ngiti na hanggang ngiti lamang
Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang
dahil duwag ako.
Dahil andyan ka andito ako pinag dugtong lang ng isang mesa na para bang libo-libong distansyang mahirap abutin.
Dahil hindi ko kayang tawirin dahil duwag ako
oo duwag ako na harapin ka
nakakapagod maniwala sa isang panaginip na baka balang araw mag dikit din ang ating mga daliri  at mabatid ko sayo ang nararamdaman
duwag ako pumaroon sa espasyong walang kasiguradohan pero napakatapang ko hinarap ko ang katotohanan nakakabit sa akin na andyan ka andito ako
malayong-malayo itong paang pumipigil sa akin sa kaligayahanng hatid mo.
hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo  o na malaya kong natitigan ang mga mata mo.
lagi ako nakapikit na hindi kayang imulat ang mga mata dahil duwag ako at ito ay isang pekeng pangarap.
#Para sa mga hanggang tingin lang ki crush.
Sa ‘twing mauuntog ako't magbabalik ang ulirat,
hahalikan ng oras sa pisngi
na parang pinapamukha na sa hindi mabilang na muli,

nag-iisa 'kong...

nangangarap ng dilat sa lumalangitngit na kama.
kumakain ng nilutong laing para sa dalawang sikmura.
naghahanap-buhay.
naghahanap ng buhay.

Hindi ako naghahangad ng labis.
ng titulo o karatulang nagsasabing itinadhana tayo
dahil hindi naman.
Hindi naman talaga sa bahagi ng mundo ko.

Pero,

natagpuan mo'ko,
nakasayaw sa Maginhawa,
naduraan ng iyong mga biglaang tula,
natitigan habang hinaharana mo,
napasaya sa mga munting biro,
nayakap habang nagpapaalaman.

hindi man sa habang panahon,
bagkus sa miminsang mahabang magdamag.
mga minsang hindi tayo saklaw ng oras.

At sa bahagi ng mundo ko,
iyon ay sapat na.

hinga

— The End —