"nanginginig" poems
Boom! Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?
Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.
Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.
at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.
Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod... humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
"Saan ako patutungo?"
"Sa mga pangyayaring ito sino
ang namumuno?"
Sila ba'y mga Muslim o
Kristiyano?"
Ngunit maging sino man sila----
Sila'y hindi santo na may pusong
bato,
Dahil sila'y pumapatay ng kahit
na sino,
at ito'y hindi makatarungan at
makatao.
Ang sakit....Oo ang saklap...ang
bayan na naghahatid ng
kaunlaran,
Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
ng isang malagim na ala-ala,
Nagsisilbing aral sa tuwina at
nagpa-paalala,
Na kinakailangan ng isang may
malinis na adhikain at tapat sa
tungkulin ang namamahala.
Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?
Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,
Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!
Sa mga kinauukulan:
Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y para lamang sa pera at kapangyarihan?
Kapatid... Kapuso.... Kabarkada.... at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:36 AM UTC
sa gabi ito nararamdaman ko
ang lamig kung saan ang katawan ko ay nanginginig
ang gabi na bilang lang
ang natatamaan ng liwanag
ng buwan sa daan
nag lakad ako sa dilim para
magpahangin at mag isip isip ng mga bagay na gumugulo at sumasagi sa utak ko
ito ba mga bituin tinitingala ko
ay totoo bang tinutupad
ang hiling ng mga tao?
o isa lang silang bagay na
palamuti sa itaas ng kalawakan
para maging matingkad
ang mga gabi at mag bigay ng
kislap sa itaas ng kalangitan
para matawag itong maganda
minsan naniwala ako sa kasabihan kapag nakita mo ito
sa kalangitan kung saan
ang pakiramdam mo ay hindi
mo maintindihan.
subukan mo ibulong sa bituin
at pagkatapos sabihin mo
dito ang mga gusto ****
mag bago sa sitwasyon na
naaayon sa kagustuhan mo
at ibibigay at magkakatotoo
sinubukan ko gawin ito ng
mataimtim. sinabi ko na lahat
ng aking hinanakit at sakit
ibinulong ko ito sa mga bituin
na may kasama pang luha
baka sakali sakin ay maawa
hiniling ko na sana ay bumalik ka.
yakapin ako muli at hindi kana aalis pa
hahawakan ang aking kamay
at sasabihin sakin hindi mo
kaya
hiniling ko rin na sana sabihin
**** mayroon tayo pa
ilang gabi pa ang mga dumaan
sinubukan ko mag lakad lakad
sa madilim na daan
at mag isip kung saan na ba
napunta ang mga hiniling
kung ito ba'y pagpapalain sakin
o ito ba ay mababaliwala
at mag lalaho lang din ng bula
kasama ng mga hiling ko
kung babalik ka pa ba
napag tanto ko kaya hindi
sinang ayunan ang aking
mga hiling ay parehas tayong
humiling sa bagay na
ginusto na mangyari para satin
ikaw na gusto **** bumalik sya
at mahalin ka ulit
ikaw na pinapangarap sya
ikaw na sana hindi na ulit kayo
maghihiwalay pa
at ako na umaasa babalik kapa
ako na nag hihintay at umaasa
ako na humihiling pa ng
pangalawang pagkatataon
para mahalin.
ako na sana ay piliin mo rin.
nabaliwala ang lahat ng hiniling para sa ating dalawa.
naisip ko na hindi naman
natin kailangan ang mga bituin
na to para hilingin ng mga bagay
na gusto natin
dahil tayo ang mga bituin
sumabog sa kalangitan pagkatapos ng ating mga hiling
para sa atin ay magpapasaya
tayo ang mga bituin tutupad
sa gusto natin mabago ang lahat
tayo ang mga bituin noon ay
nag ningning at nag sama
pero mali ang tinalikdang daan
tayo ang mga nawalang
bituin sa kalangitan at pinag
tagpo ng kapalaran at
pagkakataon para hilingin
sa bawat isa pero iba ang gustong makasama.
tayo ang mga bituin na yon
tayo ang mga bituin nag ningning noon
tayo yon
tayo ang bituin na yon.
Jan 12, 2019
Jan 12, 2019 at 8:24 AM UTC
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.
Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.
Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.
Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.
Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.
Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.
Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.
Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.
Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.
Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
Di niyo ba alam
na nang pasimula ay nilikha ng Diyos
ang langit at ang lupa?
Na ang mundong ito'y
Kanyang binigyan ng hugis at anyo
gamit lamang ang mga salitang
dumaan sa Kanyang bibig?
Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!"
Nagkaroon nga.
Di niyo ba alam
na kaya Niyang humarang
sa agos ng dagat,
ipaawit ang mga bituin,
ipaluhod ang bulubundukin?
Di niyo ba alam
na ang kapangyarihan na ito,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para ibuo ang mga planeta,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para tigilan ang pag-akyat ng buwan
nung lumalaban sina Joshua,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para bigyan muli ng buhay ang yumao
ay nasa
atin
din?
Ito
ang Kanyang pangako:
Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang
tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan
ng ating kaaway
Di
niyo ba
alam na
may kapangyarihan sa pagsamba
sa Kanya?
Di niyo ba alam
na nung ikapitong ikot
sa ikapitong araw,
mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak
ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico?
Sumigaw na tayo sapagkat
nasa atin na ang tagumpay
Sumigaw na tayo sapagkat
sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo
sa Kanyang pangalan,
lumiliwanag ang dilim
sa Kanyang pangalan,
lahat ng takot ay nadadaig
Sambahin natin ang Panginoon
ng buong galak
ng buong puso
nanginginig at mga demonyo
sa pangalan ni Hesus
tumutumba ang mga harang ng impyerno
sa pangalan ni Hesus
Tayo'y magkaisa,
itaas ang mga kamay
tayo'y magkaisa,
itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta
tayo'y magkaisa
Sambahin natin ang Diyos na buhay,
ang Diyos na dakila!
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:56 AM UTC
Sa madilim na sulok ay inaalala
ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela
at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga
Lipos ng rosas ang kapaligiran
Kapag siya'y nakikita sa paaralan
Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan
Hinati na ng imahinasyon
ang daigdig ko na may limitasyon
Itinago muna ang katotohanan
Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan
Sa alon ay nagpapaanod
Sa hangin ay naninikluhod
Ibinulong ang tanging hangarin
na sana sa isang araw kami'y magkapiling
Anong saya sa tuwing pasukan
Singko kong baon ay iniipon
Upang sa pagdating ng tamang panahon
Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan
Bakit ko pa ikinakahiya
ang maging isang dukha
Hindi na nga makakain
Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba
Marupok ang aking katatagan
Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin
Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin
Duwag kapag ako'y salingin
Nanginginig ang himig
Sa gabi'y pinapangarap
si Dessa na nagluningning
Siya'y prinsesa na nakahilig
Sa luklukan
Haring handang pagsisilbihan
Walang mali sa kanyang kagustuhan
Kapag lumalayo na ang araw
na tila pumapa-kanluran
Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan
Sana'y noong nagkakatitigan
Lumapit kapagdaka'y nagpakilala
Kung sakaling ngumiti
Hindi na siya pakakawalan
Sana'y sa simula pa lang
niligawan na ang Paraluman
Kahit tumanggi sa pagmamahal
Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo
Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo
Mahirap man - tumanda nang
nagagalak kahit sa isipan
Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan
Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan
Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, aking inaamin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y di mo magustuhan.
Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.
Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.
Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.
Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.
Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.
Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.
Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.
Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.
"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin lang, mata ko lang ang nakakakita.
Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.
Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.
Ang pinapangarap nyang dalaga.
May 29, 2017
May 29, 2017 at 8:56 PM UTC
Takot ka?
Sabihin mo sakin Takot ka ba?
Hindi tayo isang pelikula na ginawa para mag paiyak ng batang madaling mapaniwala.
Hindi tayo pag susulit sa matematika na gustong iwasan ng lahat sa takot na bumagsak sila.
Oo takot ka.
Ako din naman.
Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kahit piling piling mga salita ang gamitin ko ay mali parin ang aking maisambit.
Hinagpis.
Hinanakit.
Kapit.
Kaya pa ba?
Sabihin mo sakin kaya pa ba?
Ipagpapatuloy pa ba nating ang pag tupad sa mga pangako.
Pagtupad sa lahat ng mga "Itaga mo sa bato..."
O, iiwan nalang natin itong nakabinbin sa dating tayo.
Tayo.
Meron pa bang tayo?
Nasaan na yung ikaw at ako.
Nasaan na ang mga salitang "Hinding hindi ako magsasawa sa iyo".
Napagod ka na bang punan ang mga pagkukulang ko?
Kailan ka kaya makokontento.
Takot nakong tumingin sa karimlan ng langit na baka may isang bulalakaw ang mapadaan at hilingin kong tayo nalang palagi.
Hindi naman maari.
Napapagod din ang damdamin.
Hindi na alam ng tadhana ang gagawin.
Pagod ka na ba?
Sabihin mo sa akin pagod kana ba?
Kasi ako Oo.
Ayokong katakutan ang bukas.
Ayokong manghinayang sa kahapon.
Ngunit Mahal pagod na ako.
Pagod na ang puso matakot.
Nahihirapan na ako huminga sa hindi mo pag pansin sa patuloy kong pagkapit.
Gusto ko ng matapos ang pag hikbi.
Ano pa ba ang silbi.
Ako nalang ang natitirang sundalo.
Wala kahit na anong baril na dala.
Sugatan na tumatakbo.
Tama na.
Talo na.
Pagod na ako sa pagiging hindi sapat.
Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat.
Patawad mahal sa pag suko.
Pero eto na ata.
Tapos na ang gera sa isip at puso.
Tapos na tayo.
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:46 PM UTC
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, sa aking aaminin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y baka di mo magustuhan.
Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.
Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.
Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.
Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.
Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.
Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.
Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.
Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.
"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin nalamang, mata ko lang ang nakakakita.
Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.
Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.
Ang pinapangarap nyang dalaga.
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Mga daliri’y nanginginig
Aking mga labi’y sumisigaw ngunit walang tinig
Buong katawan niyayakap na ng lamig
Nang siya’y tumalikod para bang walang naririnig
Kailan kaya matutunaw,
Singlamig ng yelo, mga matang aking natatanaw
Kahit ganoon, isang bagay parin saki’y malinaw
Oo, puso ko’y iyong nabihag at paulit-ulit na ninanakaw
Sa mga nasisilip na bihirang ngiti mula saiyo
Ako’y mapapangiti, tatawa parang baliw ng totoo
Minsan ngiti mo’y kasing init ng araw
Ngunit tuwing ika’y nalulumbay, o luha ko’y umaapaw-apaw
Lubusang nagugulumihanan, nakakabaliw
Bakit itong nararamdaman ni minsan di nagmaliw
Paulit-ulit na binubulong sa sarili walang pag-asa
Ngunit sa loob looban di maiwasang patuloy na umaasa
Tinig ng puso ko’y hinding hindi mo napapansin
Di bale patuloy kang mamahalin ng palihim ng aking damdamin
Hihintayin ko ang pagtunaw ng yelo lumipas
Kahit abutin ng walang hanggan ang lamig ng pag-ibig na dinaranas
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:34 AM UTC
Unang Kurap
Nagising ako sa isang tahanang walang dingding, haligi o kasangkapan.
Tanaw ko ang mga ulap sa kalangitan at dinig ko ang mga ingay ng mga nagdaraan.
Ninais kong tumayo kaya’t iniangat ang aking ulo
ingat na ‘wag masagi ang mga nagdurugong sugat.
Nanginginig ang buo kong katawan at nanlalambot ang mga kalamnan.
Hindi ko halos maaninag ang kulay ng aking paligid sa itim na usok na nagkukubli nito.
Iginala ko ang aking mga kamay sa pag-asang baka may iilan pang piraso ng tinapay na natira mula kahapon.
Ginalugad ng mga daliri ko ang bawat sulok ng kawalan at bawat supot ng pangarap
ngunit ako’y bigo.
Isang sisidlang kalawangin ang aking nadampot
isang sisidlan ng pira-pirasong awa ng mga taong kahit na papaano’y nakauunawa sa kalagayan kong aba.
Inuga ko ng ilang ulit ang lata ngunit walang ingay ng barya
walang musikang magpapaligaya.
Magsisimula akong humikbi ng paunti-unti na para bang malalakas na kulog sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan.
Pipigilan kong maigi ang mga luha hanggang sa mayroong magkamaling sumagi sa aking mga sugat,
saka ko lamang sisimulan ang isang marahang pagluha na magtatago sa tunay na sanhi ng pag-agos nito
kasabay ng pag-inog sa aking isipan ng mga katagang
"sana, hindi na lang ako nagising."
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:38 PM UTC
isang musmos na lahi
isang munting nasyon
parang itinanim na buto
itinakdang
sumibol at lumago
sa paglaon ng panahon
nag-aabang, naghihintay
puno nang sabik
pero kay tagal dumating
tayo ay nainip
tadhana nating tagumpay
kailan kaya makakamit
kasi
apat na raang taon
hanggang ngayon
lulong pa rin sa putik
nangangapa, nadadapa sa dilim
mga butong nanginginig sa lamig
mga isla
pitong libong isang daan at pito
ito
ang ating lupang sinilagan,
tahanan ng ating lahi
pero nga bahay ba ito o burol?
mga pangarap na
masilayan ang mga sinag ng araw at
mahagkan ang malayang langit
mananatili lang bang panaginip dito
sa bayang natutulog
o kaya namang natutulog lang kunwari
tanggapin mo na lang na
humikbi, humagulgol,
ibuhos mo man ang iyong luha
walang darating
kumayod ka man at magdamag magsikap
diligan mo man ang lupa ng pawis
wala
pa ring mangyayari
kasi
dugo
dugo lamang na dumaloy
mula sa mga palad ni Hesukristo
kung ang Kanyang pag-ibig ay
babaha sa lupa
ng parang delubyo
ito ang nag-iisang paraan
ang nag-iisang sagot:
dugo
dugo lamang na ibinuhos
ang tanging
makakatubos
makakaahon
makakaligtas
sa atin
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
kaakit-akit ang katahimikan ng gabi
habang tinitingnan kita, hindi gumagalaw
ako'y nanginginig sa ibinalik **** titig
yinakap mo ako sa liwanag mo
pero kataka-takang hindi man lang kita
nahawakan
sana pwede kitang mahaplos kahit sandali
lang
mahulog ka sa aking mga braso
pero nakakalungkot
ang katotohanan ay hindi magpapalaya sa
akin
nandyan ka lang
parang hari nakatanaw sa kanyang mga
alipin
parang pinta na nakasabit sa dingding
para sa mata lamang
sana balang araw mahulog ka
para masalo kita
oh, aking mahal na bituin
©IGMS
Aug 31, 2015
Aug 31, 2015 at 8:12 PM UTC
sa tunog ng tambol,
iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay
at sa gayo'y mapawi
ang damdaming puspos sa dalamhati
ang bawat pagtibok
aba'y mistulang pulso dala ng aking puso
kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap
kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 9:45 PM UTC
Puno ay tumatanda
Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga
Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa
Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo
Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto
Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga
Espiritung gala, isipin ang kalagayan
ng katawang lupaypay
Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan
Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan
Hawakan ang kamay na nanginginig
Matamlay na anak Niya'y sa aruga salat
Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat
Habaan ang sandali na may hininga't sarap
Pawis na nakabilad sa hamon ng buhay
Mararanasan ang init at pait
Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais
kaakibat ay lumbay
Paruparong itim magkatambal sa paglipad
May babala man huwag isaisip
Pusang tumawid sa harapan
Ibaling ang paningin
Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 6:04 PM UTC
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Maisusulat, halimbawa:
“Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul,
ang mga tala sa dako pa roon.”
Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya.
Sa mga gabing tulad nito,
niyakap ko siyang mahigpit
at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Isipin lang: Hindi ko siya kapiling.
Nawala siya sa akin.
Dinggin ang gabing malawak,
mas malawak pagkat wala siya.
At ang tula’y pumapatak sa diwa,
parang hamog sa parang.
Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling.
Iyon lamang.
Sa malayo, may umaawit.
Sa malayo.
Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.
Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling.
Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos.
Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.
Sa iba. Siya’y sa iba na.
Tulad ng mga dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan.
Mga matang walang-hanggan.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot.
Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit,
diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala.
Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin,
at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.
“Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda
sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Binabati ako ng umaga ng mga imaheng tila sayo lamang,
Hinehene ako ng gabi ng himig **** matamis lang.
Sa bawat oras sa bawat minuto ikay nasa isip ko
Marinig mo kaya ang harana ko sa kabila ng gulo?
Ikaw ang salamin sa mata kong malabo
Ikaw ang hanging sa buhay ko'y bumubuo
Ngunit sa kabila ng lahat wala ka paring kibo
Ano pa ba ang gagawin upang tayoy mabuo
Hawak ang mikropono akoy aawit
Para lang ang damdamin ko sayoy sumabit
Hawak ang gitara akoy kakanta
Iiyak ako para sa akin ikay mapunta
Ang sining ng araw ay tila yelo kung ikumpara sa yakap mo
Ang sanang pakiramdam na gusto kong matamo
Ang init at lambing ng ating pagmamahalan
Yun lang ang aking tanging kailangan
Ngunit ano itong pader sa pagitan natin?
Anong sigaw pa kaya ang aking gagawin?
Oh irog ko alam kong hindi ka manhid!
Sumigaw ka lang! ang pagmamahal koy ihahatid!
Katahimikan, katahimikan, katahimikan lamang
Segundo minuto oras, bilang, bilang bilang
Katahimikan katahimikan katahimikan nanaman
"Ako ba'y nagkamali at siyay nasaktan"
Tinawag ko ang kanyang ngalan "O irog O aking irog"
Katahimikan katahimikan sa tenga koy bumugbog
Sinigaw ko ang kanyang ngalan lalamunan ay nagdudugo
O irog O irog ko! isang saglit may bumungo.
O mahal ko bakit ngayon lang kita narinig
O mahal ko ako ngayon ay masaya at nanginginig
O irog ko maghintay ka lamang, ang pader ay sirain
Tatlo dalawa isa, tila nawala ang hangin
O irog ko kay tagal kong hinintay ang araw na ito
O mahal ko akoy nagsise sa ating hindi pagtanto
O irog ko ang matamis na yakap na hanap ko
O mahal ko ako narin ay tanging sayo
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:01 AM UTC
Naglalakad ako pauwi nang makita kita sa isang tabi.
Umiiyak.
Humahalakhak.
Lumalaklak.
May hawak na bulaklak.
At humihiling sa bawat talulot na pipitasin ay sana hindi ka niya iniwan nang wasak.
Nilapitan kita agad at tinabihan.
Dinamayan ka sa lamig.
Ang mga binti **** sa sobrang tagal nang nakaupo ay namimintig.
Walang salita o tunog na lumabas sa aking bibig.
Kundi ang mga tenga lamang para makinig.
Sa pagkwento mo habang ang boses mo'y nanginginig.
Sabay nating pinanood ang pagbaba ng araw.
Kasama sa paglubog ang galit na umaapaw.
Napatitig ako sayo at napabulong na wag ka sanang matunaw.
At nagtataka na bakit mayroong tao na sayo ay umayaw.
Biglang tumibok ang puso ko ng laktaw-laktaw.
Nagpapasalamat na natanaw kita at ako ay naligaw na parang langaw.
Kinalaunan ay napatahan ka kahit saglit lang.
Napasaya kahit saglit lang.
Nabawasan ang sakit kahit saglit lang.
Nakalimot sa problema kahit saglit lang.
Nakasama ka kahit saglit lang.
At naging parte ng mundo mo kahit saglit lang.
Hinatid ka para ligtas na makauwi at nagtanong ka kung paano makakabawi.
Makita ka lamang ngumiti, ang abala ay mapapawi.
At sana, kung okay ka na talaga.
Kapag natulog ka at ipipikit na ang mga matang namamaga.
Ay malaman mo na ang iyong tunay na halaga.
At matuklasan ang pagmamahal na pang-sayo lamang ng buong buo.
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:37 PM UTC
111422
Namumuo ang pawis sa kanyang kamao
Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo.
At dali-dali nyang sinarhan ang silid
Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan,
“Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,”
Aniya sa kabilang linya.
Kinuha niya ang lapis
Buhat sa luma nyang aparador —
Puno ng alikabok
Na kahit ilang pagpag na’y
Hindi naririndi sa pagbuga
Ng umaalingasaw nitong karumihan.
Naupo sya’t napapikit na lamang
Inaalala ang bawat detalye
Ang bawat katagang kanyang narinig
Ang bawat imaheng nais nyang takasan.
Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod,
At nangangalay ang kanyang mga kamay.
Habang tumatagas ang pawis nyang
Kulay itim sa malagim na gabi.
Naghihintay ng sagot
Sa mga katanungang saksakan ng ingay
Sabayan pa ng sunod-sunod na putok
Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon.
At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw
Sa bintanang walang kurtina’y
Nabaling ang kanyang tingin
Sa buwang napakaliwanag
Tila ba may taglay itong kung anong elemento —
“Mahiwaga,” wika nya.
Ang mga larawan sa kanyang balintataw
Ay unti-unting gumuho
At napalitan ng imahe ng buwan .
Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito,
Akala nya’y ito na ang huling kathang
Kanyang maililimbag sa kanyang kwento.
Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y
Hindi nya maipaliwanag
Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay
Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang
Bigkasin ang mga pangungusap
Na hindi nya ninais na sambitin.
Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay
Sa lapis na guguhit at tutuldok sana
Sa kanyang masalimuot na nakaraan.
At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan
Hindi na buhat sa sarili nyang bintana
Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin.
Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan
Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan —
“Sayang, ngayon lang Kita nasilayan…
Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
Nov 15, 2022
Nov 15, 2022 at 11:11 AM UTC
Sa totoo lang
ako'y nabigla
hindi ko inaasahan
ang biglaang
pag galaw mo
na halos
pakiramdam ko
sasabog ang puso
sa sobrang bilis
ng pag pintig nito
na tila ba'y para akong
mawawalan ng malay
sapagkat hindi ko alam
kung ano ang gagawin
sa biglaang pagyakap
para akong idinuduyan
at pinapanalangin na
sana'y tumagal at
wala nang katapusan
ang pagkakataong ito'y
kay tagal kong inaasam
pero bakit kahit anong
hiling ko na tumigil
ang mundo pansamantala'y
tila ba mas bumilis pa
ang bawat patak
ng segundo sa relo
nababaliw na ata ako
sana naman naramdaman mo
ang nanginginig kong mga
kamay habang dahan dahan
kang kumakalas ang
puso ko'y unti unti
din napipigtas
at sa iyong paghakbang
paalis at pagtalikod mo
na sadyang ka'y bilis
wala din akong nagawa
kundi ang hayaan kang
umalis at sa aking paghakbang
paalis sa lugar na kung saan
naging saksi ng iyong pagyakap
at nakarinig ng mumunting
dalangin ko sa maikling oras
inaasahan ko na ako'y
iyong tatawagin uli
hanggang sa pagtulog
mamayang gabi
sana ay kahit sa panaginip
pinapanalangin ko
na mayakap kang
muli
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 10:21 AM UTC
baka ika'y madapa
pero wag magalala
kung sakaling matuluyan nga
andito mga kamay kong
siguradong ibabangon ka
sa aspaltong magaspang na iyong kababagsakan.
Magingat ka
baka kako ika'y madapa
pero wag magalala
kung sakaling matuluyan nga
andito mga kamay kong
siguradong pupunasan
mga luhang manggagaling sa'yong mga mata.
Magingat ka
baka kako ika'y madapa
pero wag magalala
kung sakaling matuluyan nga
andito mga kamay kong
siguradong pagagalingin
mga gasgas sa tuhod **** ngayo'y nanginginig.
Magingat ka
baka kako ika'y madapa
pero wag magalala
kung sakaling matuluyan nga
andito mga kamay kong
siguradong handang
buhatin ka kung sakaling di na kayang maglakad pa.
Hindi ako magsasawang paalalahanang
magingat ka
na baka ika'y madapa
pero wag na wag magalala
kung sakaling matuluyan nga
andito ako hindi lang mga kamay ko
handang saluhin ka sa tuwing ikaw ay madadapa.
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:54 PM UTC
Sumisigaw at
Sumisipa ang mga
Awit at tulang
Nilalabas ng iyong
Daliring nanginginig.
Ganito ang pag-
Ikot ng mundong ito:
Tuloy-tuloy lang.
Nov 1, 2014
Nov 1, 2014 at 8:11 AM UTC
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago
May motibo pero mabilis ding sumusuko
nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura
Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita
katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw
makakamit kaya lahat bago pumanaw?
ika-29 ng Oktubre
Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali
may oras pa bago maputulan ng tubig
Nov 29, 2022
Nov 29, 2022 at 10:00 PM UTC
Ang mga bati mo
Ay laging may ngiti
At ang bawat bulaslas ng iyong labi
Ay may kasamang tawa
Na kay tamis sa pandinig
Pero
Nung tiningnan ko
Ang iyong mga kumikinang na mata
Aking napansin na ang mga ito'y sanay
Na pala sa luha at nung
Hinawakan ko
Ang iyong mga matipunong kamay
Naramdaman ko na ikaw pala'y
Nanginginig
Sa takot at galit
*Ewan ko sa 'yo pero
Hindi ko na matiis ang iyong hinagpis.*
Lumabas ka na sa iyong pagtatago.
Walang ikabubuti
Ang iyong makasariling pagsasarili
At
Higit sa lahat
Huwag na huwag
**** kakalimutan
Na ako ay para sa iyo at
Nandito lang ako palagi.
Jun 4, 2014
Jun 4, 2014 at 10:18 AM UTC
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan,
Umaga na naman.
Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip.
Ang hangin ay umihip--
Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga.
Pumipihit na naman ang oras.
Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan,
Bagay na 'yong kinaiinggitan.
Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa.
Tapos maliligo ka,
Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam.
Sana kumukulo rin yung tubig.
Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha.
Paano pa nila nagagawang ngumiti?
Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong,
Sa pagkaubos ng oras.
Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad.
Pagkakataon na naman ng buwan.
Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay,
At dahan-dahan mo itong tinulak.
Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan,
Isinara mo ang pintuan.
Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili.
Bumuhos ang iyong mga luha.
Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan--
Ng 'yong pagkatao.
Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses,
Tumatawag si Mikoy.
Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot.
Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
Aug 2, 2017
Aug 2, 2017 at 5:04 AM UTC
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan
Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan
Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 5:00 AM UTC