Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mga daliri’y nanginginig Aking mga labi’y sumisigaw ngunit walang tinig Buong katawan niyayakap na ng lamig Nang siya’y tumalikod para bang walang naririnig Kailan kaya matutunaw, Singlamig ng yelo, mga matang aking natatanaw Kahit ganoon, isang bagay parin saki’y malinaw Oo, puso ko’y iyong nabihag at paulit-ulit na ninanakaw Sa mga nasisilip na bihirang ngiti mula saiyo Ako’y mapapangiti, tatawa parang baliw ng totoo Minsan ngiti mo’y kasing init ng araw Ngunit tuwing ika’y nalulumbay, o luha ko’y umaapaw-apaw Lubusang nagugulumihanan, nakakabaliw Bakit itong nararamdaman ni minsan di nagmaliw Paulit-ulit na binubulong sa sarili walang pag-asa Ngunit sa loob looban di maiwasang patuloy na umaasa Tinig ng puso ko’y hinding hindi mo napapansin Di bale patuloy kang mamahalin ng palihim ng aking damdamin Hihintayin ko ang pagtunaw ng yelo lumipas Kahit abutin ng walang hanggan ang lamig ng pag-ibig na dinaranas
0
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:34 AM UTC
Malamig

patL
Written by
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:34 AM UTC
Request permission to use this poem