"naisulat" poems
Hindi ako marunong tumula
Hindi ako marunong tumula
Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika
Ng tamang pagsulat
Ng may tamang sukat
Ng may tamang sukat ng salita
Ng may tamang salita
Hindi ako marunong tumula
Dahil iniwasan kong gumawa ng isa
Dahil ayoko ng konbensyunal
Dahil ayoko ng sukat-sukat
Dahil ayoko ng bilang-bilang
Dahil ayokong nahihirapan
Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko
Hindi ako marunong tumula
Dahil alam kong ang mga makata lamang
Ang may kakayanang makapagsulat
Silang mga nakapag-aral ng wika
Silang mga matagal nang nagsusulat
Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang
Kasing bango ng mga bulaklak
Kasing tingkad ng langit
Kasing linaw ng mga tubig sa dagat
Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin
Hindi ako marunong tumula
Kahit naririnig ko sa radyo
Ang mga kantang binibigkas
Ng mabibilis na mga bibig
Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula
Hindi ko inibig ang tumula
Dahil alam ko sa aking sarili
Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay
Mga kwentong binibigyan ko ng buhay
Na akala ko sa isip ko lang maninirahan
Ngunit dumating ang araw
Natulala sa isang bagong kwaderno
Blangkong kwaderno
Ni hindi ko alam
Kung ano ang isusulat
Walang maisip ni isa
Maliban sa isa
Ikaw
Ikaw lang ang laman ng isip ko
Nakapaglakbay patungo sa unang pahina
Ang salitang aking hinahanap
Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama
Ng ka-tropa
Ng ka-barangay
Sunod-sunod silang nagsisidatingan
Ikaw lang ang laman ng isip ko
Ikaw na lagi kong kasa-kasama
Ikaw na lagi kong gustong kasama
Ikaw lang
Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko
At nagulat ang nanlalabong mata ko
Tula na pala ang naisulat ko
At nagsulat ako
Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo
Tungkol sa kung paano kita nagustuhan
Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko
Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to
Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat
Dahil magkaiba tayo ng gusto
Nagsulat ako nang nagsulat
Hanggang naisulat ko na pala
Na mahal kita
Hindi ako marunong tumula
Ayaw kong gumawa noon ng tula
Pero dahil sa'yo
Marunong na akong gumawa ng tula
Gumawa ako ng maraming tula
May maikli
May mahaba
May hindi tapos
May walang kwenta lang
Halos lahat ay patungkol sa iyo
Minsan sa buhay ko
Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko
Totoo
Ang sarap palang gumawa ng tula
Akala ko mahirap
Akala ko laging may batayan
Akala ko laging may sukat
Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika
Pero hindi pala
May iba palang paraan
Basta't may emosyon kang nararamdaman
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Malungkot kasi hindi kita nakasama
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat
Katulad mo ako
Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo
Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko
Ikaw na siyang nagmamahal ng taong
Hindi ka gusto
Katulad mo ako na
Nagsusulat ng laman ng puso mo
Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo
Marunong akong gumawa ng tula
Ikaw ang may dahilan ng lahat
Nasabi ko na sa'yo lahat
Hindi pa pala lahat
Marunong akong gumawa ng tula
Pero hirap na hirap ako ngayon
Dahil wala na akong maramdaman
Wala na ang pinanghuhugutan
Wala na yatang dapat paglaanan
Wala na
Habang isinisulat ko ito
Wala akong emosyon
Walang emosyong nararamdaman
Sa'yo
Tapos na ata ako sa'yo
Wala na rin akong masulat para sa'yo
Pero marunong akong magsulat ng tula
Kaya
Maghahanap na lang ulit ako
Ng taong paglalaan ng mga salitang
Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit
Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata
At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko
Maghahanap ako
Ng isang tulad mo
Mahaba-haba na ang aking naisulat
Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat
Pero hindi ako marunong tumula.
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Sa tulang aking naisulat,
Sanay may mamulat ,
Sa kasalana at problemang lagging naiuulat,
Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat.
Mundong puno ng karahasan,
Mga taong makasalanan,
Walang paninindigan,
Mga taong nang iiwan,
Pamilyang nasira sa isang kasalanan,
Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan.
Mga problemang hindi masulusyonan,
Mga batang sa kalsaday naiwan ,
Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan,
Ito’y opinion lamang,
Sa aking naririnig bilang isang mang mang.
Ang suliraning laging nariyan,
Kawalan ng kapayapaan,
Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan,
Walang sawang Kahirapan,
Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan.
Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga,
Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana,
Nasaan ang hustisya ?,
Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala?
Maging sa eleksyon ay may daya,
Pagbabagot pag unlad ang gusto natin,
Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin.
Bakit ganito nasaan ang pagbabago?
Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio,
Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan ,
Ang pagbabago ay laging naririyan,
Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 11:00 PM UTC
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay.
Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan.
Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:32 PM UTC
Ako'y kinakabahan
Saan ko kaya ito u-umpisahan?
Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan
Kaya ako ngayon ay naguguluhan
Pano mo nagawang mang-iwan?
Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam
Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam
Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw
Hanap-hanap palagi ay ikaw
Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin
Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating
Nakatingin sa mga bituin
Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating
Ang nagiisang bituin para sa akin
Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin
Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating
Agad kitang yayakapin
At sasabihin
Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin
Ang tanga mo
Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan
Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan
Siguro nga hindi lang yan panandalian
Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita
Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita
At sa iyong pagbalik
Umaasa na hindi mo na ako ulit
Ipagpapalit.
Ngunit bakit ka'y pait?
Umaasa na makita ka na kahit saglit
Sapagkat
Hindi ko na kaya ang sakit . .
Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Nahahabag sa sinta
Tulad ng dapit-hapon, ang araw ay papalubog na
Ang pangkukulam ay hindi magagawa
Diyos na dakila na ang bahala
Sa bagong paraiso'y maninirahan
kung saan ang bundok ay hinahampas ng alon ng dagat
Ang kalungkutan ay malumanay nang sinasakbibi ng puso na dinuruan ng pag-ibig
Kung sakaling mapunta sa dating tahanan
Ang Liham sana'y mahanap
Sapagkat sa mga naisulat naipapakita
na nasa puso't diwa si Dessa lang ang nilalaman
Ang pag-ibig ay buhay
at ang mga buhay ay nangagsipanaw
Kung gayun ang pag-ibig ay nangagsipanaw na din gaya ng buhay ng takipsilim
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:56 PM UTC
Gusto kong sabihin na masaya akong isinulat ang liham na ito, at ang nais ko lamang ipairating ay ang mensaheng maaring makakapagpabago ng iyong pananaw sa buhay.
Pero bago ang lahat may tanong akong dapat **** pag-isipan ng mabuti bago ka magpatuloy. Una nais ko lang tanungin kung handa ka nabang makinig sa mga katotohanan? Pangalawa handa ka nabang tanggapin ang mga ito?
Kaibigan, alam kung naguguluhan ka parin dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa mundo. Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa paningin natin. At hindi sapat ang mga naririnig natin sa iba, dahil hindi rin natin alam kung alin ang tama sa mga pinagsasabi nila.
Ang dahilan kung bakit naisulat ko ito ay dahil sa mga nasaksihan ko. Maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung saan umiikot ang mundo natin ngayon, kung tama pa bang mabuhay ako sa panahong puro na lamang pasikatan at pagpapabango ng pangalan ang tanging ginagawa ng karamihan. Sa tingin ko marami nang mali sa panahon ngayon ngunit hindi lang natin pansin.
Hindi nga ba pansin? O sadyang alam natin pero di natin pinapansin, tayoy bulag sa katotohanan kahit dilat na dilat na.
Ito na ba ang naging kalabasan ng mga sakripisyo ng ating mga bayani? Kung ako ang sasagot diyan, ang kinalabasan ng mga sakripisyo nila ngayon para sa bansa, ay wala.
Dahil hanggang ngayon marami paring namumuhay na hindi alam kung ano ang pinaglalaban nila. Maraming pang iba jan ang hindi alam kung nasaan na ba sila, iisang bansa tayo ngunit watak watak tayo.
Masaya ako kung sasabihin mo saakin kung ano ang naging bunga ng paghihirap ng ating mga bayani. Dahil yun din ang gusto kong malaman dito sa aking sulat.
Ang ating mga bayani ay hindi lang basta mga bayani dahil lumaban sila para sa bayan. Naturingan silang mga bayani dahil isa silang sundalong handang mamatay sa ngalan ng pag-ibig.
Pag ibig sa Diyos at sa Bayan,
naipangak sila hindi dahil magiging parte sila ng mundo, kundi naipanganak sila para sa isang pangarap na gustong matupad ng lupang sinilangan.
Ito ay ang tahanan ng ating lahi kung saan kinukupkup tayo at tinutulungan.
Kayat kapatid gusto kong malaman mo na hindi pa huli na muli kang mag umpisa, dahil ang lahat ay wala pa sa huli.
Maraming salamat dahil binasa mo ito ng may puso at pag-intindi. Umaasa ako na magiging mabuti kang tao hanggang sa huli.
-PC
Apr 27, 2020
Apr 27, 2020 at 2:08 PM UTC
Salamat sa'yo, kaibigan
Pagkat ikaw ay laging nariyan
Kung dumating man galing kung saan
Laging magpapapansin, magpapatipa
Humihingi ng dispensa
Kung minsa'y hinahayaan kita
na makulong sa iyong tirahan
na parang walang ng pakinabang
Pasensya muli kung minsan
Nasa kalagitnaan tayo ng pagsasaya
Ay aking kitang bibitawan
At ako'y titingin sa iba
Salamat kaibigan dahil
kahit na ganito't ganito
ang nangyayari sa akin,
handa mo akong paligayahin
Salamat sa musikang iyong
ibinahagi, ating ikinasaya
Mga lirikong naisulat ay
may sariling tono na
Salamat kaibigan pagka't ikaw
ay laging nariyan
magpakailanman.
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 6:29 PM UTC
Mahal na mahal kita
kahit ilang tula na naisulat ko
o ilang tala nasa langit
di sila papantay
sa pagmamahal ko sayo
*eng trans:
i love you so much
even with the number of poems i've written
or with the number of stars in heaven
they can never equate
to the love i have for you*
Jan 19, 2017
Jan 19, 2017 at 5:20 AM UTC
Huminga ulit ako nang malalim
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha
Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon
Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.
Wala na, pumatak na ang unang luha
Di ko na maalalang sinulatan kita
At na sa bawat salita ay naiisip ka
Nalimot ko na ang masasaya.
Pumatak ang pangalawa
At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata
Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin
Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.
At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma
Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala
Masakit na wala na akong mabalikan
Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.
Mahirap ang makalimot
Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan
Mahirap ang...
Bakit ko ba sinusulat ito?
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 4:35 PM UTC
Sabay nating isinulat
ang ating kwento.
Ngunit 'di mo sinabi
na lapis lang pala ang iyong gagamitin
Habang naisulat ko na ang panimula sa matingkad na tinta.
Nang dumating na
ang inasahan kong wakas
ng ating istorya,
Madali **** binura
ang lahat ng ala-ala
Sa akin lamang ang natira
ang sira-sirang pahina
na may tagpi-tagping parirala
at kulang kulang ng salita.
Nang subukan burahin
ang kwentong alanganin
mas mabuti na lang sana
na ito'y gusutin
At nang ito'y nauwi sa gupitin,
ako'y humiling sa mga bituin
na sana'y may panibagong kwentong
kinabukasang bubuuin.
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 2:24 PM UTC
Umurong man ang aking dila ng ako ay nilikha,
Bukas naman ang aking mga mata sa inyong pangungutya.
Pangungutyang hindi kailanman ay kaaya-aya,
Bagkus ay naging tinik sa aking araw-araw na pag-asa.
Pag-asang milagro na lamang ang hinihintay,
Pag-asang masabi ko rin ang bawat letrang nakahimlay,
Pag-asang maibibigkas ang katagang sa dugo ko ay nananalaytay,
At pag-asang, ika'y naririyan upang sa akin ay umalalay.
Aalalay at maging tagapagsalita sa aking harapan.
Isasatinig ang aking naisulat na mga banghay-aralin.
Upang malamang nila ang aking mga saloobin,
Saloobing tatatak sa puso at isipan ng bawat mamamayan natin.
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:16 PM UTC
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin,
silàng may kanya-kanyang hinanaing,
Huwag mo akong yayakapin.
Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.
Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.
Naniniwala ako na sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas.
sapat nang natuto táyo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang káya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan,
ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa.
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing,
"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.
Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.
Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,
Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak
dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos
kalilimutan ko na.
---
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 4:55 AM UTC
Ako'y nagsusulat ng librong lahat ay patungkol sa kasakitan
Mga pinagdaanang puro kapaitan
Mga alaalang pilit mang kalimutan
Hindi magawa gawa dahil nakatatak na sa aking kaisipan
Kaya naisipang isulat nalang at gawing topiko
Mga karanasang balak gawing libro
Bawat kabanata sa buhay kong hindi ko alam kung wasto
Ngunit lahat ng ito'y isusulat ko
Sinusubukang ibahin ang bawat kabanata
Ngunit tila lahat ng ito'y kusang naitugma
Mga pangyayari sa'king buhay na gustong iwasto
Sana balang araw ito ay maitama ko
Ngunit isang araw kapalaran ko ay tila nagbago
May nakilalang tao na dahil sakanya ay gusto kong magbago
Kadiliman sa aking isipan na kanyang binigyang ilaw
Buhay ko'y kanyang binigyan ulit ng saysay at linaw
Bagong kabanatang sana'y kasama ka
Librong sinusulat dahil sayo ay nag-iba
Mga kabanatang nagdaang kay pait
Kasiyahan kasama ka ay gustong ipalit
Bagong kabanatang gusto kang makasama hanggang sa pagtanda
Makalimutan man ang librong naisulat na
Hinding hindi ang rason kung bakit nagbago ang paksa
Ngayon, ikaw lang ang gustong makasama sa lahat ng bagong kabanata na aking isusulat pa.
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:12 AM UTC
Pasensya ka na
Pasensya na kung natagalan
Pasensya na kung natagalan ang aking pagtahan
Pasensya na kung matagal na panahon kitang hangad
Pasensya na kung medyo mabagal ang pag-usad
Dahil hindi ganun kadali
Matagal na panahon ang kailangan
At hindi lang isang sandali
Pinagpapaguran ko ang prosesong ito
Hindi ito madali dahil kasali dito ang pagpilit sa sarili ko
Pero kahit mahirap, kakayanin ko
Para sa ikalalaya mo
Akala ko nga huli na yung naisulat kong tula dati para sa'yo
Ngunit ako mismo ang sumira sa paksa
Na akala ko'y yun na ang magiging huling tula
Hindi pa pala
Hindi ko kayang yun ang magiging huli
Hindi pala madali
Dahil napagtanto kong nakapagsusulat lamang ako kapag ito'y tungkol sa'yo
At dahil nagkamali na naman ako
Lulubusin ko na ito
Pakinggan mo ako
Hindi ko sasabihing ito na ang huli
Kasi baka masira ko na naman uli
Kaya eto na, pakinggan **** mabuti
Sa muling pagkakataon,
Sasabihin ko ito sa'yo
Mahal kita
Pero sawa na ako
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:56 AM UTC
Sa pagitan ng mga panahong hawak mo ang aking kamay at inialay mo ang iyong bisig upang maging tahanan ko, minahal kita.
Nang ilapat mo ang pangalan ko sa lirico ng isang awitin at ginawa itong atin, minahal kita.
Noong tinupad mo ang pangakong samahan akong panoorin ang paborito kong palabas sa sine, minahal kita.
Noong binago mo ang kulay ng pag-ibig at gawin itong bughaw, minahal kita.
Nang maging laman ako ng mga isinulat **** awitin, minahal kita.
At maging hanggang sa mga oras na tapos ka nang umibig, minahal pa rin kita.
-
Sa pagitan ng awang ng aking mga daliri, ramdam ko pa rin ang init ng kamay mo.
Tumitigil pa rin ako sa tuwing sumusulpot sa radyo ang awiting minarkahan na ng pagmamahal mo.
Nasa dulong bulsa ng pitaka ko ang tiketa ng bawat palabas na pinanood natin nang magkasama
At kahit pagkatapos ng lahat ng tula at kantang naging supling ng parehong pagmamahal at pighating dulot mo, bughaw pa rin ang kulay na idinikit ko sa pag-ibig.
Marahil hindi tagumpay ang sumalubong sa atin nang lumubog ang araw at mag-isa kong hinarap ang umaga, sapat na siguro ang mga naisulat na tula’t awitin upang maging pananda ng hindi natin pagsuko
At nais kong paniwalaan na sa pagitan ng mga linya at lirikong ito, minsang nanahan ang pag-ibig.
Buong pagkatao kong tinatanggap na ang pagmamahal ko na minsang naging rason mo ng pananatili ang mismong nagtulak sa’yong bumitaw.
Marahan mo sanang isara ang pinto sa’yong paglisan.
sa tangis at ligaya,
-P
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 12:54 PM UTC
nakakatakot
na sarili'y kilalaning lubusan
dahil kasa-kasama'y pagkatao kong
maitim pa sa balahibo ng uwak;
dahil kaakibat nito'y
kausapin siya
at dinggin ang kanyang pakiusap
na siya'y isulat
kahit ayoko'y
ayoko na, ayoko na
ayoko na
ayokong isulat sadyang kataga
ngunit heto ako't sinulat pa rin siya
ayoko siyang pakinggan
ayoko na, ayoko na
ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita
naririnig ko aking mga sinusulat
malinaw pa sa'king mga mata
di kaya siguro nga'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala?
baka nga kaya'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala
kontrolin ang buhay kong tutal nama'y
lagi niyang pinapakialaman
siya nalang ang bahala
ayoko na, ayoko na
siya nalang ang bahala
kahit mapagpasiyahan pa niyang
mawala na kaming parehas
kung sa pagkawala sarili'y mahanap
at ayos lang ako ay malimutan ng lahat
naisulat ko naman siya.
May 25, 2018
May 25, 2018 at 1:52 PM UTC
KU
MU
HA,
Ang aking kamay ng blangkong papel,
Ngunit ano nga ba ang nararapat isulat?
Tungkol sa'yo nalang nga ba ang lahat?
Kailan kaya ang panahon na ako ay makakamulat?
GU
MA
LAW,
Ang aking mga kamay,
Ngunit ikaw pa din ang nasa isip,
Tila na naman ako gising na nananaginip,
Naway magising na ako sa aking pagkakaidlip.
DU
MI
KIT,
Na ang tinta sa papel,
Ngunit ang tula'y tungkol na naman sa iyo,
Kailan ko kaya maihihinto,
Ang oras na kung saan ikaw sa isip ko'y tumatakbo.
HU
MIN
TO,
Ang aking kamay sa pagsusulat,
Naliwanagan na nga ba ako?
Oh isa na namang imahinasyong nabuo?
Naway hindi sana ito magkatotoo.
MU
LI,
Na namang gumalaw ang aking kamay,
Ngunit ako na naman ay mali!
Kulang pa ba ang lahat at hindi mo maisukli?
Bakit napakahirap hanapin ng iyong kiliti?
TUL
DOK,
Na ang aking naisulat,
Nagtatapos na nga ba ang lahat?
Nawa'y mapapawi na ang sugat,
At ito na nga ang huling hudyat.
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 10:08 AM UTC
➖ My status said "read me"
Sa dami nang magandang babaeng nakita ko,
mukha mo pa rin ang paborito ko.
Kahit saan ako tumingin,
hindi ko maiwasang hindi ka isipin.
Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan,
tsaka ko isusulat ang iyong ngalan.
Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan,
ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan.
Para sa tuwing titignan nila ang buwan,
at sinabing ito'y maganda? makikita nila
ang iyong pangalan.
Kaya para narin silang humahanga
sa iyong katauhan.
Gusto ko din nakawin ang bahaghari,
isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari.
Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao,
na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko.
Pinili kita hindi dahil sa maganda ka,
Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka.
Potensyal na gawin **** maganda,
ang buhay kong puno ng granada.
Sumaya ako nung nakita kitang masaya,
ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya.
Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo,
tulad mo na hindi mareklamo.
Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin.
andito naman ako, hayaan mo lang
akong gawin.
Gawing magaan at masaya ang buhay mo,
sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo.
Lahat nang babae ay mahalaga sa akin,
ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin.
Kung gusto **** umiyak,
sasabayan kita sa pag iyak.
Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa,
dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa.
Nung may makita akong bulaklak
na kulay kahel,
ikaw agad naisip kong bigyan
dahil mukha kang anghel.
pasensya na mahal ko dahil
nahihirapan ka na sa mundong to,
hayaan mo mahal ko dahil
lagi lang akong nandito.
Sa pamamagitan nang mga salitang ito,
pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo.
Pumangit ka man o tumaba,
para saken ikaw parin ay naiiba.
Hindi ko sasabihing
"handa akong mamatay para sayo''
Dahil mas gusto kong banggitin ang
"mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo"
Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay,
ngunit mahirap manatiling mabuhay.
Kaya mabubuhay ako para sayo
hanggat kaya ko.
Sa magulong mundong ito,
po-protektahan kita pangako.
kaya sana wag ka nang malungkot,
dahil ang puso ko'y kumikirot,
Pag nakikita kang nakasimangot
Jun 21, 2018
Jun 21, 2018 at 8:51 AM UTC
At marami na akong naisulat.
Mga salitang hinubog ng kawalan.
Hinugot mula sa kaila ilaliman.
Mga salitang bumuo at bumubuo sa ating kasarinlan.
Naisulat ko na.
Naisulat ko na ang mga bagay na gustong ipamulat.
Naisulat ko na ang mga bagay na gusto kong iparinig.
Naisulat ko na.
Ngunit hindi mo pa nababasa.
Hindi mo magawang mabasa ang mga kataga.
Pikit ang iyong mga mata.
Sarado na ang iyong diwa.
At mas ninais **** tapusin na
Ang aking mga talata.
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 7:47 AM UTC
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko,
ito ang aking paborito,
ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok;
at gusto ko sanang samahan ng ritmo,
hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo,
o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako,
oo,
inaamin ko,
ikaw ang tulang ayaw kong matapos,
gusto kong sulitin at ubusin
ang pantig,
hanggang sa maghikaos;
hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat,
ikaw ang bituin na aking tititigan
hanggang sa lumubog ang buwan,
ikaw ang aking nanaising mahawakan-
habang natatakot,
habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi,
na baka bukas ay nasa ibang bisig-
o sa iba na nakalapat ang 'yong labi.
ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi,
ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap,
at kapag nakagapos na'ko;
asahan **** hindi ako bibitaw,
aantayin ko ang muling pagsikat ng araw,
para mapanatag ang aking isip,
na sa aking paggising,
ay hindi ka pa nakabitaw.
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC
Paano matataho ang kanyang damdamin
Sino ang tinutukoy niyang minamahal
Bakit niyakap bigla
Malalim na ang gabi nang nagpaalam
Tinutugis ng kalituhan
Isang dapit-hapon, habang naglalakad
Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada
Ngunit walang sinuman ang nakapuna
Buong aparisyon nga ba
Sa bulaklak ng gumamela,
dalawang paru-parong itim ay nakita
na dumapo at lumipad nang sabay
Sino kaya ang susunduin ng kamatayan
Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam
Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan
ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan
Ang mga nailimbag ay
" Lupa't langit ay nakahanay
Tila'y magkarugtong parang itong
buhay"
Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim
Minamasdan ang ama na humihilik
Hawak-hawak ang panyong itim
Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:07 PM UTC
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano
sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya,
hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula.
parang naubusan ako, para bang naubos ako.
pilit kong sinusubukan,
ngunit napagod lamang ako.
napagod piliting may maramdamang malalim,
sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano.
ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako.
sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
Apr 5, 2021
Apr 5, 2021 at 12:31 PM UTC