Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ako'y nagsusulat ng librong lahat ay patungkol sa kasakitan Mga pinagdaanang puro kapaitan Mga alaalang pilit mang kalimutan Hindi magawa gawa dahil nakatatak na sa aking kaisipan Kaya naisipang isulat nalang at gawing topiko Mga karanasang balak gawing libro Bawat kabanata sa buhay kong hindi ko alam kung wasto Ngunit lahat ng ito'y isusulat ko Sinusubukang ibahin ang bawat kabanata Ngunit tila lahat ng ito'y kusang naitugma Mga pangyayari sa'king buhay na gustong iwasto Sana balang araw ito ay maitama ko Ngunit isang araw kapalaran ko ay tila nagbago May nakilalang tao na dahil sakanya ay gusto kong magbago Kadiliman sa aking isipan na kanyang binigyang ilaw Buhay ko'y kanyang binigyan ulit ng saysay at linaw Bagong kabanatang sana'y kasama ka Librong sinusulat dahil sayo ay nag-iba Mga kabanatang nagdaang kay pait Kasiyahan kasama ka ay gustong ipalit Bagong kabanatang gusto kang makasama hanggang sa pagtanda Makalimutan man ang librong naisulat na Hinding hindi ang rason kung bakit nagbago ang paksa Ngayon, ikaw lang ang gustong makasama sa lahat ng bagong kabanata na aking isusulat pa.
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:12 AM UTC
Bagong kabanata

Written by
20/M/Iloilo City
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:12 AM UTC
Request permission to use this poem