Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naipaglaban" poems
Ayan! Siya pala yung taong Minahal ko (At patuloy ko pang minamahal) Oo, nakakalula yung tingin at ngiti nya At kung marinig mo man ang mga tawa niya Naku! Gagawin mo ang lahat para Marinig at marinig at marinig at marinig Paulit-ulit ulit-ulit at hindi mo pagsasawaan Ang mga tawa niya. Siya pala yun Yung kaya kong gawin lahat Ipaglaban hanggang sa dulo Noon, walang kasiguraduhan Yung pinagagagawa ko sa buhay Hanggang siya.. Dumating nga siya’t lahat ng bagay Ay may kabuluhan Ang mga araw ay naging Mas maaraw Nakikisayaw na rin ako sa mga Ulan sa hapon At sa gabi Di alintana ang lamig sa init ng mga yakap Kapag yumayakap Sa bawa’t sandali. Siya nga yun Yung nakiusap na bumitiw at bitawan Mga kamay na hindi ko pa nga Nahawakan Mga ngiting hanggang sa litrato na lamang Mga salita ng pag-ibig Na hindi pa naipaglaban Pero bumitaw na siya At naki-usap ako’y bumitaw na. Siya yun Yung kaya kong gawin lahat At ngayon ay paulit-ulit kong Binibitawan Sa puso at isipan Kung kaya ko siyang ipaglaban Siguro (sana naman) Kaya ko din siyang bitawan.
0
Nov 7, 2016
Nov 7, 2016 at 12:03 AM UTC
Siya Na Nga Yun
di ko alam kung ano ba ang mga salitang gagamitin para lamang maniwala ka sa akin di ko alam kung paano ka kukumbinsihin na ako na ay patawarin paano ko ba sisimulan na suyuin ka kung ikaw mismo ayaw ng magpakita di kita masisisi sapagkat ako naman ang nagkamali nagkamali ako na di ka naipaglaban dahil sa aking kaduwagan ang pag-iwan ko sayo ay wala nang mas sasakit pa dahil mahal ang hirap para sa akin na lisanin ka kung iniisip mo na masaya ako nagkakamali ka mahal ko hindi lang ikaw ang lumuluha hindi lang ikaw ang nasaktan dahil triple pa nang nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi na sapat yung pagmamahal ko para samahan kang labanan ang mga pagsubok sa relasyong ito di mo kailangan ng duwag na gaya ko ang kailangan mo ay yung taong kaya kang ipaglaban hanggang sa dulo KAYA MAHAL PATAWARIN MO AKO MALAYA KA NA ITO ANG MASASABI KO MAHAL KITA PERO DI AKO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SAYO
0
Aug 27, 2018
Aug 27, 2018 at 2:24 AM UTC
Patawad