Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Angela Mercado Apr 2017
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo
Apat, lima, anim,
Magmadali, papatak na ang dilim
Pito, walo,
sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot
siyam, sampu
pipindot na sila sa gatilyo

Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat
tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig
walang ingay sa paligid
puti ang sahig – linis hanggang gilid

Naalala ko pa noon,
walang pangambang tahi
sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi
Madilim ang lansangan,
ngunit may liwanag ang daan
Di mag-aalalang umuwi,
‘di magugulumihanan

Naaalala ko pa
nung una silang pumindot sa gatilyo
Nayanig ang paligid,
nagulo ang tahimik
Tintado na ang sahig na dating puti
ng dugo mula sa bago nilang kitil.

Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba
Nabingi ang lahat sa ingay na likha,
mga tarantang mukha,
mga takbong halos ikadapa
mga matang labong labo na
ng mga luha

Naalala ko pa noong kinuha nila si itay
lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay
pinuno ng latay,
inuwing akay-akay -
muntik na siyang mamatay

- walang kamalay-malay
na kami’y unti-unting pinapatay

ni walang panahong
makinig saming salaysay

May dugo

ang bigas
na iginagatong ninyo

May bakas ng dahas
ang pagkaing hapag sa kainan ninyo

Mga sigaw
na busal ng kasadong gatilyo

May namamatay na dito
makinig naman kayo!

Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo
Apat, lima, anim,
Magmadali, papatak na ang dilim
Pito, walo,
pipindot na sila sa gatilyo
Siyam, sampu
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
kibit balikat nalang ako
At hindi papansinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang.
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagulo lang nman ako nung may ikaw.
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw.
Baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
Ayaw ko na non.
Kaya aaraw arawin ko na to.
wala ng atrasan to.
kakayanin ko
kase malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko.
ultimo
Sa pagising sa umaga
pag papasok excited pa
kasi ikaw ang bungad sa mata ko.
tapos makukunteto sa sandali.
kuntento sa sandali?
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko
Ang gusto ko tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko.
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita ko
Para akong nasa madilim na kwarto
na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado.
Sa mga sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.

susubok na kong magsalita
pero lumalayo kana
tinawag ka ng kaibigan mo,
dahil ang oras ay nalalapit na.
   Patapos na ang sandali
at biglang may nagkamali
pagkakataon ko na muli
hakbang
tatahakin na ang daan palapit sayo
pero
tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang humihiling ako
madagdagan lang kahit limang segundo.
Pero sa oras  na yun
ikaw ang unang lumabas ng silid
Wala ng sandali
hindi dininig ang hiling ko
Tapos na.
Ang huling isang oras ko sayo.

— The End —