Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagtira" poems
Ewan ko ba kung bakit Sa pag-ibig may politika Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo O paagusin nang walang patumangga Ano nga bang kapangyarihan ko? Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo? Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo? Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay? Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya? Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo? Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo? Maraming dahilan yan kaibigan. Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato. O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya Alam mo ba ang salitang yan? Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan Hindi ko, ngunit mo Pinalampas mo ang pagkakataong Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa Kung ano ka naman talaga Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi Ikaw naman nililito mo siya Binabato ng mga paratang Tama na Mahalin mo rin siya ah Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili Pinili mo yan Magdusa ka Kahit pa mahal kita Eh kung sa di mo ko nakikita Ni binilugan sa balota Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko? Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo? Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto Kaya kong gawin lahat 'yon --- Kahit walang pondo kundi ang puso ko Kasi independent party ako At ang katotohanang walang tayo Di magiging tayo Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo Tanggap ko Wala naman akong hinihinging kapalit Gusto ko lang masaya ka sa napili mo At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis Di man lang nagtira upang mabigyan ako Pero sige na Tama na'to Wala nakong maramdaman Isang kasinungalingan Paalam na Sana magtagal pa ang termino Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 3:00 AM UTC
Poli--teka?

Continue reading...
66
Heto, At may aalis na naman sa ating dalawa May maiiwan na namang mag-isa Mag-isa na pagod at wala wala sa isip, wala sa sarili Sarili na dinala mo sa iyong pag-alis sarili na dapat ipinagtira Sana nagtira kahit papaano pero naibigay na lahat sa'yo Buong puso at tanga sapagkat buo Sapagkat nagmahal minahal ka- ng totoo. Heto, Buong-buo parin, ang hinanagpis hindi ako Totoong-totoo parin, ang realidad Na kailan ma'y hindi hindi ako ang pinili mo. Heto, Ngayon wala walang-wala simula nung dinala mo ang lahat na kung ano mang meron ako meron ako na wala Noong hiningi ko pabalik sabi mo wala wala na Wala na meron Dahil naubos mo na sa pagsalba sa sarili Kinamkam Sakim Gago. Heto, Ito nalang ang natira Isang pusong bumabawi, nagpapalakas Bago Na kung sakaling sa pagbalik mo Iba Hindi na kita kailangan para buohin ako. At ikaw naman Ang maghahanap sa mga piraso ng puso monh ginamit ko para tahi-tahiin ang sarili kong winasak mo Heto pa, oh sayo na yan sayo na lahat Kahit anong yaman kaluluwa mo'y dukha Bagay sayo mga tira-tira.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:13 AM UTC
Heto
"bakit 'di mo pa binuhos ang lahat?" nagtatakang tanong sa akin ni inay. inutusan niya akong diligan ang alaga niyang santan sa bakuran. "nagtira ka pa. 'di naman na kailangan," at sabay niyang kinuha ang balde na naglalaman ng tubig na galing sa kanyang pinaglabhan. walang pagdadalawang-isip at bigla na lang niya itong itinapon sa sementadong daanan papunta sa aming bakuran. sa malayang pagdaloy ng tubig, napaisip ako kung bakit ganoon na lang itapon ni inay ang tubig. pwede pa namang ipandilig iyon sa ibang halaman na nasa tabi-tabi. pero bakit hindi ko man lang din yun naisip na gawin? para nga naman hindi nasayang ang tubig. para may iba pang halaman na pwedeng makinabang at hindi ang walang buhay na sementadong daanan. oo nga naman, ang tubig na galing sa labada ni inay ay marumi na. umitim at dumumi dahil sa pinaghalo-halong sabon at mantsa ng mga naiwang alaala sa damit. kung nakakapagsalita nga lang din naman ang halaman, hindi niya gugustuhin ang maruming tubig na galing sa labada ni inay. pero hinuha lang naman ang lahat. paano kung ang mga halaman sa tabi-tabi, ay parang katulad lang din ng patubong santan na alaga ni inay... nangangailangan at sadyang nauuhaw.
0
Oct 31, 2015
Oct 31, 2015 at 6:58 PM UTC
uhaw
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. " hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:14 AM UTC
IKAW LANG AT AKO