Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagsusunog" poems
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay. Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan. Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw. Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi. Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim. Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan. Inakala **** madali. Hindi pala. Kailangan **** suungin ang init. Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan. Inakala mng magaan. Hindi pala. Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa. Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na. Nagawa mo pa ring makaalpas. Ilang beses ka na ba dapat na sumuko? Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo? Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo? Kaya mo pa ba? Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan. Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige. Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi. Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan. Isipin mo sila! Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila. Ikaw ang kanilang tinitingala. Magpatuloy ka sa pagngiti. Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating. Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila. Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan. Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan. Balang araw ay magtatagumpay ka! Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba. Pagsisikap. Pagtitiis. Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila. Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa. Magtiwala ka! Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap. Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap. Alam naming kaya mo! Sa iyo uusbong ang mga batikan. Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat. Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino. Alam naming kaya mo! Magtiwala ka sa kakayahan mo. Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito. Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento. Nasa iyo ang aming papuri. Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal. Ang laban mo ay laban naming lahat. Kayanin mo. Kakayanin mo! Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga. #IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
0
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:31 AM UTC
Liwanag at Pag-asa (a reverse poetry)

Continue reading...
55
Pagkatapos kumain ay napansin ng ina ni Butchoy na agad itong pumanhik sa kaniyang kuwarto. Dala ng pagkamausisa ay tinungo niya ang silid ng anak. Doon ay nakita niyang nagsusunog ito ng kilay gamit lamang ang isang pirasong kandila. "Ang sipag naman ni Butchoy ko." "Kailangan ko po mag-aral, 'Nay. Ayoko pong matulad sa ibang bata na palaboy-laboy at wala sa eskwela," aniya. "Ganoon ba? Magbabago rin sila, anak" usisa ng ina. "Kasi po ang batang tambay ay walang mararating sa buhay," sagot ni Butchoy. Napangiti na lamang ang ina. Tamad man ito sa gawaing bahay, masipag naman sa pag-aaral.
0
Jan 13, 2018
Jan 13, 2018 at 9:35 AM UTC
Kandila
sabi ko sa sarili ko ayoko na talaga sa bisyo ngunit heto nanaman ako nagsusunog ng baga ko eh ano naman magagawa ko wala ka na sa piling ko inaalala ang mga pangako ko na napako umabot na sa huling buga ko ng usok mula sa sigarilyo itinapon ko na ang hawak ko at nagsindi muli ng bago sana ganon nalang kadali ang makalimot at pagpalit ng taong mahal mo dudukot sa kaha at sisindi ng isa ang hirap din kasi ng ganito laging mapagisa pero hindi hindi ko kayang limutin ka kahit ilang yosi ang ubusin kahit ilang kaha ang bilhin ganun pa din sayo parin ako dadalhin ng mga usok na ibubuga ko sa hangin -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:40 AM UTC
sigarilyou