Tigil na tayo, mahal.
Ramdam kong natabunan ng isang pagkakamali ko ang lahat ng mga alaalang nabuo natin.
Na kahit ilang beses man tayong bumalik sa isa't isa, patuloy kapa ring magdududa at patuloy **** babalikan yung araw na bigla akong nawala.
Paulit ulit mo pa ring ipapamukha sa akin kung paano ako biglang naglaho nung mga panahong ikaw ay nagbabago para sa akin.
Habang ako, ni minsan hindi ko sinubukang isumbat sa'yo ang biglaan **** paglisan nung mga panahong ikaw ang naging lakas ko.
Nang minsang nagkamali ka at nilamon ka ng tukso, hiniling ko pa din ang pananatili mo at nagpatawad ako.
Oo, pinatawad kita. Pero minsan, hindi padin pala sapat ang pagpapatawad.
Ang sabi mo ay nilalamon ka ng iyong konsenya, kaya pinili mo pa ding lumisan. Pinigilan kita, pinili mo pa din akong bitawan.
Tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo.
Habang mayroon pang natitirang magagandang alaala na binuo nating dalawa. Habang may babalik tanawin pa akong mga ngiti, kilig at tuwa sa bawat sandali na tayo'y magkasama. Bago pa mapalitan ng mga luha at hinagpis ang mga alaalang ayokong mabura, tigil na tayo, mahal.
Ayoko nang ipilit pa. Ayoko nang manatili sa isang bagay na sinusubukan kong ipaglaban ngunit pilit **** pinagdududahan. Higit sa lahat, ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapat-dapat akong piliin kahit sa sandaling panahon na iginugol mo sa akin.
Tigil na tayo, mahal. Baka talagang hanggang dito nalang. Sapat na ang munting sandali na naging masaya ka at ako. At sa ganong paraan ko gustong maalala ang "tayo".
Salamat mahal, hanggang dito nalang tayo.