Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagkukunwari" poems
#050116 Nasisilaw ang puso Sa tangan **** Liwanag Nayayanig ang diwa't damdamin Lagpas-Langit ang pasasalamat. Puno ng hiwaga Ang pag-ibig **** alay Hindi matutumbasan Ang kalinga **** grasya. Buhay Mo'y isinuko sa Krus Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa. Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago. Sa kahit anong pagkakamali, Sa kahit anong pintig ng sandali Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi! Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati. Madilim ang landas, siyang hindi patas Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas Walang tugon, mundong nagmamataas Tanging Ikaw, daang Mataas. Hindi madali ang pagbabago Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo" Si Hesus lamang, sagot sa delubyo Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
0
May 3, 2016
May 3, 2016 at 10:07 AM UTC
Sandalan
Kamusta? Okay ka lang ba? Tagal na din nung huli kitang makita. Ngayon heto ka nakangiti saakin, At kita ko sa mata mo na may nais kang sabihin. Kasi... Chorus: Parang may mali, parang may nagkukunwari Parang may nagbago, at may nag-iba sayo Di gaya ng dati, ngayon di na gaanong totoo Di mo ako maloloko, sa mga pekeng ngiti mo. Ngiting mapanlinlang, Mata ang nagsasabi ng katotohanan, Matang umiiyak gabi-gabi, Nagsilbing panyo ang kumot at unan sa tabi Kalungkutang itinatago ng ngiti sa mga labi. Dahil... [Repeat chorus.] Sige na, ilabas mo na. Sige na sabihin mo na Wag nang magkunwari pa Totoon ngiti ang ipakita. Parang may mali, parang may nagkukunwari Parang may nagbago, at may nag-iba sayo Di gaya ng dati, ngayon di na gaanong totoo Di mo ako maloloko, Kasi di mo ako maloloko sa mga pekeng ngiti mo.
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:29 AM UTC
Pekeng ngiti mo.
"O aking minamahal sinta, Tara, kanta na tayo't magsimba.", Kay sarap balikan ang mga araw na 'to, Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto. Laging kasama sa samahan niyong umaawit, Sa lugar kung saan nakakahingi ng tulong sa langit, Ang puso ko'y gusto sayo lumapit, Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit. Kaya ako'y nangarap... "Sa pagtatapos ng aking paglalakbay, Sana magwakas sa iyong mga kamay, Sa kahit anong mangyayaring pagsubok, Ikaw ang ninanais na maging palayok". Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap, Habang ang mata ko'y 'di kumukurap, Iba sa aking mga inaasa't iniisip, Ang pangarap ay hanggang panaginip. Lahat ng pawis, oras ng paghahanda, Mapupunta lang pala sa wala, Kaya't pag nakikita ako ng iba, Nagkukunwari nalang na masaya. Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap, Dumating pa si Hudas sa aking harap, Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin, At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin. "O aking minamahal sinta, Sensya na't dinaan sa makata, Gawain ng isang taong nalulumbay, Makakagawa pa ng akdang-buhay Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam, Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam, Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit, Ako'y maghihintay kahit masakit.
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 10:20 AM UTC
O Aking Minamahal Sinta