Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nabibigatan" poems
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Sa bawat pagpatak ng ulan May mga taong wasak at luhaan Mga luhang umaagos kasabay ng patak ng ulan Mga kirot na nais takpan Ako'y parang ulan Umiiyak kapag nabibigatan Napupuno kapag nahihiapan Sa likod ng bawat kaligayahan May mga damdaming napaglalaruan At mga taong iniiwang sugatan Tama na ang isang iyak Sapat na ang mga patak Dahil magiging maayos rin ang lahat Mahahanap mo rin ang taong tapat Na magmamahal sayo ng sapat Sa pag agos ng ulan sana agusin na lahat Ng sakit at kirot dahil yun ang nararapat Ako'y nagbago at natuto dahil sayo Nagbago dahil sa sakit na naranasaan sayo Pagtapos ng iyak ng lagit Alam kong may sisinag na araw Ngi-ngiti ulit sa langit Kasabay ng ulap ng bughaw
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 7:29 AM UTC
ULAN
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay kasamahan lamang Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin. Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli, sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:25 PM UTC
A Gift

Continue reading...
25
Nagdasal at humingi ng isang tao Na magtutulak sa akin para bitiwan na ang panulat na ito Isang tonelada at mahigit na ang mga salitang pasan ngunit hindi pa rin ako nabibigatan. Mali ang akala. Hindi pa pala. Lalo lang umitim ang tinta. Dumiin sa papel ang pluma. Nanatili pa ding naka-dantay ang mga salita sa namimitig kong kamay. Hinihintay nalang mamanhid para hindi manatiling nakasilid ang mga naipon na tula't sanaysay na wala nang saysay. Hindi na ko humihiling ng isang dahilan na dadating na aalayan nitong mga salitang naririnig at binabasa lamang. Mga letra na binibigyang kulay, nagkakaiba lamang sa kung sino ang bumubuhay. Nakakapagod mag pinta kung ang bawat makakakita ng obra, babaguhin ang imahe sa kung ano ang nasa harapan nila hindi man lang isipin na magkakaiba tayo ng mata. Inilarawan **** berde, gagawin nilang kahel. Tinta mo na asul, hahawakan at magiging pula. Siguro nga itong mga kamay na biyaya, hindi na para sa papel at tinta. Kasabay ng maraming paalam ang huling isinulat na liham.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 10:56 AM UTC
Hunos
Ako'y humakbang, bitbit ang damdaming puno ng kalituhan Nilakbay ko ito kasama ng aking mga paang nabibigatan Binibilang kung ilang tao ang nadaratnan Kagaya ko rin kaya sila? Mahirap tumakas sa mga bagay na pilit na humahabol sa'yo Mahirap maghanap sa mga bagay na nakatago Hindi ko nga alam kung ano na tong ginagawa ko Tatakas ba ako? O mananatili sa di mawaring yugto. Tumahak uli ang aking mga paa Rinig ang bawat tunog na likha Ngunit hindi ito tulad ng dati Hindi ko na kabisado ang mga tandaan Tinatapakan ko na rin ang mga nadaraanang linya sa daan Oo, hindi ito tulad ng dati Pero eto na, nandito na ako Sa wakas nakarating na rin ako Humanap ako ng angkop na puwesto Ako'y umupo at minasdan ang paligid na gulong-gulo Hinanap ko ang bakas sa mga silid Ikaw pa rin ang naiisip Litong-litong-lito na ako. Pilit kong tinatakasan ang gulo Pumunta ako sa ibang lugar, nag ibayo Ngunit isang malaking kamalian pala ang lahat Hindi ko pala to matatakasan sa simpleng pag ibayo lamang Dahil ito'y kasama ko Kasama ko ang aking tinatakasan Ang sarili ko Dahil ika'y nakatira pa rin sa aking puso At ngayon ako'y nasa kawalan, pilit pa ring kinakalimutan ang nakaraan
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 7:08 AM UTC
Kawalan