Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa ‘twing mauuntog ako't magbabalik ang ulirat,
hahalikan ng oras sa pisngi
na parang pinapamukha na sa hindi mabilang na muli,

nag-iisa 'kong...

nangangarap ng dilat sa lumalangitngit na kama.
kumakain ng nilutong laing para sa dalawang sikmura.
naghahanap-buhay.
naghahanap ng buhay.

Hindi ako naghahangad ng labis.
ng titulo o karatulang nagsasabing itinadhana tayo
dahil hindi naman.
Hindi naman talaga sa bahagi ng mundo ko.

Pero,

natagpuan mo'ko,
nakasayaw sa Maginhawa,
naduraan ng iyong mga biglaang tula,
natitigan habang hinaharana mo,
napasaya sa mga munting biro,
nayakap habang nagpapaalaman.

hindi man sa habang panahon,
bagkus sa miminsang mahabang magdamag.
mga minsang hindi tayo saklaw ng oras.

At sa bahagi ng mundo ko,
iyon ay sapat na.

hinga
kapayapaan paano mararanasan?
kung kapwa mo pilipino
tingin sayo kalaban
kada talikod mo
nagagawa kang pag-usapan
mga taong hanggang dun nalang
at di kayang masabi ng harapan

maituturing bang kapayapaan
ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang
ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba
mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila?

mga literal na utak talangka
lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka
maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna.
kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na."

Daig pa ang hukom kung manghusga
ubos ang salapi, sa kakapusta
sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba.
pati pagiging mapangmata,
ginawa ng katawa-tawa.

paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan?
kung ayaw **** iwanan dati
**** nakasanayan
niluluwa mo pati sarili **** bayan,
nagmamataas kahit wala pang napatunayan.

hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan
pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan
Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
09/07/20

— The End —