Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matampuhin" poems
Mga ala-alang iginuhit ng nakaraan, mga bagay na nabura ngunit bakas ang marka. Mga oras na lumipas na katulad ng bula, usok at ulap - agad pinapawi ng matulin na sandali. Sa maraming minsan na nag-daan, sa maraming tagpo - kuwento ng mga kahapon, minsan lamang dumating ang pag-kakataon. At kung ang hiling ay inabot na sa piling, huwag ng palampasin, Pagkat minsan - mabait, madamot o matampuhin ang tadhana. Alalahanin na kailan ma'y di maaaring mapaki-usapan ang panahon na ulitin o madalaw ang lumipas na kahapon.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 2:18 PM UTC
Upos ng Kahapon
Sa iyong mukha ako'y natutulala Ganda mo ay nagniningning na tala Namumulang labi' t  manipis na  pisngi Mala - porselanang balat kayumanggi Mata ay malalim, puno ng hinala Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa Namumugto minsan sa yaong sandali Iniwanan nang walang pag-atubili Ng sinta mo na inakalang simula Ng iyong pag-iibigan nang makalaya Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili Ng mga tao na di magkamayaw lagi Mga kapitbahay natin ay nagmumura Mga tungayaw lagi ang sinasambitla Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi Sa  luha **** malinaw na nagkamali Sinisimsim ang habag na dinadala ng hangin sa iyong maamong itsura Dilag ka na pinupuri ng marami Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi At ang una mo na pagkakakilala Sa akin ay hindi ganoong kasama Ngunit matampuhin ka at naninisi Sa aking maliit na pagkakamali Kaibigan ang turing  sa isa't isa Bakit nagagalit pag kausap iba Sa di pagkakaunwaa' y titili Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 12:16 AM UTC
Kwento ng Pag-ibig
inosente ang kanyang puso sa larangan ng pag-ibig magmahal lang ang kayang gawin kahit paulit ulit nang tinatabig sinabuyan ng mainit na tubig kahit wala na siyang nakakabig ang utak niya ay napakatalim sa pag-unawa hindi malalim karanasa'y madilim dahil noong maliit walang lilim ang dalawa'y pagtatagpuin ng tadhanang matampuhin ang isa'y mahirap bigkasin ang isa ay nakaka-aning sa isang lalagyan sila'y hiwalay na pagsasamahin
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 2:05 AM UTC
Manhid